Chapter 27: Isang Pagsubok

32 24 0
                                    


Dinagdagan pa ni Giel ang spiritual na enerhiya sa kanyang paa upang lalong mapabilis ang kanyang pagtakbo, nagpalik-liko siya sa mga kalsada upang mailigaw ang mga humahabol sa kanya, maya-maya ay wala na syang naramdamanag sumusunod sa kanya ngunit patuloy pa rin sya sa pagtakbo ngunit bigla syang napatigil ng maisip nya ang isang bagay...

"Pabalik sa mataong lugar ang daan na ito... hindi ko silang maaring dalhin dito..." Sa isip ni Giel

Nilingon ni Giel ang kanyang pinangalingan at tinigasan ang pagkakasara ng kanyang mga kamay habang nakatingin siya ng diretso sa madilim na daang kanyang tinakbo at tila inaabangan ang mga devourers na kanina'y humahabol sa kanya...

"Kailangan ko na silang tapusin dito." Sa isip ni Giel

Ilang sandali pa ang lumipas ngunit wala namang dumating na kahit sino na naging dahilan para ibuka na ni Giel ang kanyang mga kamao at huminga ng maluwag.

"Phew... nailigaw ko na sila." Bulong ni Giel sabay lakad.

Narating nya ang isang kanto at dinungaw nya mula dito ang susunod na kalsada, isa lamang itong residensyal na lugar na puno ng mga tahanan. Tahimik na ang kalye sapagkat natutulog na ang mga tao.

"Kailangan ko ng makipagkita kay Lean at masabi sa iba ang nangyari..." Sa isip ni Giel sabay hinga ng malalim

Ngunit isang pagkilos ang naramdaman nya mula sa kanyang likuran at ng nilingon nya ito ay nakita nya ang isang bata na tumatakbo palayo sa kanya. Tinignan nya muna ito bago nya napagtantona kinuha nito ang kanyang pitaka.

"Sandali!" Sigaw ni Giel

Lumingon lamang ang bata ngunit tuloy pa rin ito sa pagtakbo ng bigla itong bumungo sa isang malaking lalaki na may mahabang buhok.

"Aray!" Sabi ng bata sabay tingin sa lalaki at ng makita nya ang hitsura nito ay nanigas sya... Hinawakan ng lalaki ang bata sa ulo gamit ang kanyang kanang kamay at binuhat ito pataas...

"Hmm... pede na ring pampagana." Sabi ng lalaki sabay nilipat sa kanyang kaliwang kamay ang bata

"Pero... ikaw ang gusto ko! Hahaha!" Dagdag ng lalaki sabay turo kay Giel.

- - - - -

Nag-iikot pa rin sina Karla at Beth sa siyudad at narating nila ang lugar na ilang daang metro lang ang layo mula sa gusali na kanina ay pinagtaguan ni Giel. Biglang tumigil sa paglakad ang dalawa...

"Karla..." Bulong ni Beth

"I know." Sagot ni Karla

Tatlong diyablo ang bigla nilang natanaw na papunta sa kanilang direksyon. Ito rin ang tatlo na nagawang takasan ni Giel kanina. Nang makalapit ng kaunti kina Karla at Beth ay tumigil ang mga ito...

"Tsk, natakasan tayo nung target natin." Sabi ng isa sa tatlo

"Di bale, ang mabuti pa ay kumuha at mag-uwi muna tayo ng pagkain." Sabi naman ng pangalawa

"Isa, dalawa, tatlo... tatlo lang sa harapan natin." Sabi ni Beth kay Karla

Nainis ang pangatlo sa tatlong diyablo sa narinig at nagwika

"Minamaliit nyo kami! Dapat sa inyong mga tao ay tinuturuan kung paano matakot!"

Ngunit hindi pinansin ni Karla at Beth ang sinasabi nito.

"Apat, lima, anim, pito, walo, siyam... siyam sa likod at gilid." Pagpapatuloy ni Beth sa pagbibilang at siyam na diyablo pa na may postura gaya ng sa tao nga mula sa iba't ibang direksyon ang sumulpot sa likod at gilid nilang dalawa.

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon