Chapter 1: Dumating si Miko, Ang Pagbubukas ng isang Kwento

703 114 7
                                    

Chapter 1: Dumating si Miko, Ang Pagbubukas ng isang Kwento

Nakasakay si Miko sa isang eroplano papuntang Maynila, Mahimbing at tulo laway siya

sa pagkakatulog habang ang ibang pasahero naman ay mahigpit na nakakapit dahil 

luma-landing na ang eroplano. Nagising siya pagkalapag ng eroplano at dire-diretsong

lumabas habang ang ibang pasahero ay kanya-kanyang sambit ng reklamo sa di magandang

naging pag-landing ng eroplano.

 "Sampung taon na rin. Pilipinas, sa wakas nakabalik na ako." 

Sa isip ni Miko habang naglalakad

Natigil siya sa paglakad ng makita niya sa kanyang harapan si Master Nok, agad 

siyang tumakbo palapit dito.

"Master Nok!" Sigaw ni Miko na may ngiti

"Ang bilis mo lumaki ah, akin na yang bag mo."

Ibinato ni Miko pataas ang kanyang bag at sinalo naman ito ni Master Nok, pagkatapos

ay sabay sila naglakad palabas ng airport.

- - - - - 

Sa ibang dako naman ng siyudad ay nakatayo si Lean sa itaas ng isang gusali, isang 

lalaki ang lumapit mula sa likuran para kausapin siya...

"Alam ko na kung saan matatagpuan ang bagay na hinahanap mo Lean."

"Alam ko na rin at kukunin ko na iyon... o mas dapat kong sabihin na babawiin ko na 

iyon." SAgot ni Lean

"Hehe, pwede kitang tulungan kung makikiusap ka."

"Tumulong ka kung gusto mo, pero di ako makikiusap sa iyo." Sagot ni Lean sabay 

lakad paalis

- - - - - 

"Bakit naman kailangan nating maglakad papunta sa FAT..." 

sabi ni Miko na pagod na pagod

"Haha, ipagpalagay mo na lang na isa itong pagsasanay." Ani ni Master Nok

"Pero kararating ko lang at isa pa..."

Bago pa matapos ni Miko ang kanyang sasabihin ay narinig nila ang sigaw ng isang 

babae

"Tulong! Holdap!"

Pagtingin nila ay nakita nila ang babae sa sahig at duguan, nakita naman ni Miko ang isang lalaki na 

tumatakbo palayo at agad niya itong hinabol. Si Master Nok naman ay pinuntahan ang babae.

"Tsk, masyadong madaming tao, hindi sila pwedeng madamay dito." Sa isip ni Miko

Habang tumatakbo naman ay nilingon ni ng lalaki si Miko at ngumi ito at lalo pang 

pinabilis ang pagtakbo sabay liko sa isang kalye...

Inabot ni Miko sa isang eskinita na wala ng lagusan ang lalaki...

"Hindi ka na makakatakas, sumuko ka na lang." Sabi ni Miko.

Ngunit tila hindi siya narinig ng lalaki at kumuha ito ng patalim at sinugod siya. 

Nasiwasan niya ang patalim at sinipa niya palayo ang lalaki. Pagbagsak naman nito 

sa sahig ay inihagis nya papunta kay Miko ang patalim na hawak niya. Inihilig naman 

ni Miko sa kanan ng kaunti ang kanyang mukha para iwasan ang patalim at tsaka ito 

sinalo ng makalampas ng kaunti sa kanyang pisngi. Dahan-dahang tumayo ang lalaki at 

si Miko naman ay ibinato ang patalim sa isang gilid ng eskinita.

Sinugod ulit ng lalaki si Miko ngunit ng makalapit ay naunahan sya ni Miko ng isang 

suntok sa tiyan at pagkatapos ay sa mukha. Bumagsak ulit ang lalaki sa sahig ngunit

muli itong tumayo.

"Tumatayo pa din sya, halatang wala siya sa sarili..." 

Sa isip ni Miko habang nakatingin sa mukha ng lalaki 

Biglang dumating si Master Nok sa eksena.

"Miko, may diyablong nananahan loob niya."

"Alam ko iyon!" Sagot ni Miko

Biglang may kulay puting enerhiya na naipon sa kamay ni Miko at naghugis bilog ito... 

"Spirit Ball!"

Ibinato ito ni Miko at tinamaan ang lalaki, tumagos ito sa katawan ng lalaki ngunit 

tinamaan ang diyablo na nasa loob ng lalaki, napalabas ito, at dahan dahang naglaho. Ang lalaki naman 

ay bumagsak sa sahig na walang malay.

"Nag-ipon siya ng bola ng purong espirituwal enerhiya sa kanyang kamay at sinigurado

niyang walang pisikal na enerhiyang kasama dito. Dahil doon ang diyablo lang sa loob

ng lalaki ang natamaan at napaalis." Sa isip ni Master Nok.

"Tapos!" Sigaw ni Miko

"Ayos. Naitakbo na agad sa hospital ang babae, paparating na rin ang mga pulis. 

Mas makabubuting umalis na tayo." Utos ni Kuya Nok.

"OK!" Sagot ni Miko sabay kindat.

- - - - -

 Narating nila ang FAT at naglakad sila papasok, sa may hardin ay nakita ni Miko 

ang isang lalaki na tahimik na nakaupo sa isang bato. Napansin ni Master Nok na 

nakatingin si Miko dun sa lalaki...

 "Halos magka-edad lang kayong dalawa, yan si Giel."

[ITUTULOY...]

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon