Chapter 80: Patibong Para kay Karla

15 8 0
                                    


Nilapitan ni Miko ang lalaki at muli itong nginitian...

"Tinawag ka ng ate mo na Khrys. Eh siya anong pangalan niya?" Tanong ni Miko sabay tingin sa babae...

"Si ate... Agape."

Napangiti si Miko at sinabing "Ang ganda ng pangalan niya..."

Nilingon naman ni Miko sina JK at Mark at tinanong...

"Eh kayo sino ba kayo?"

"Bakit mo naman tinatanong?" Pagbabalik ni JK ng tanong kay Miko

"Miko ang pangalan ko, at tama ka, parte ako ng Ministry. Gumagamit din kayo ng spiritual na enerhiya, sino kayo at ano bang pakay niyo?" Sabi ni Miko

"Wala kaming obligasyon na sagutin ang tanong mo." Sagot ni JK kay Miko

"Mark ang pangalan ko, siya naman si JK." Pagsabat ni Mark

"Tsk, Mark!" Pagsaway ni JK sa ginawa ni Mark

"Ganun ba, sa tingin ko hindi naman tayo magkalaban, sige may kailangan pa akong gawin." Sabi ni Miko sabay lakad papalapit muli kay Claud

Ngunit nakakailang hakbang pa lang ay napaluhod si Miko at napahawak sa sugat sa kanyang balikat...

"Hayaan mong tulungan kita tutal ako naman ang may gawa ng sugat na 'yan."

Sabi ni Mark habang kumukuha ng mga gamit sa kanyang motorsiklo.

- - - - -

Sa loob naman ng gusali kasalukuyang tumatakbo si Karla paikot sa kwarto kung saan niya kinakalaban ang dambuhalang halimaw na leon na gawa ni Dr. Mujin...

"Blueberry Machine Gun!"

Lumabas mula sa bibig ni Blueberry ang isang barrel at mula doon ay sunod-sunod namang lumabas ang mga balang gawa sa spiritual na kapangyarihan ni Karla.

"Wahahahahahaha! Balewala 'yan! Pinalakas ni Venoch ng kapangyarihang spiritual ang mga materyal na ginamit para sa alaga kong 'yan." Paghalakhak at sigaw ni Dr. Mujin

At ni hindi nga man lamang ininda ng halimaw ang pag-atake ni Karla at sa halip ay sinugod pa nito si Karla gamit ang matatalim nitong kuko...

Lumundag si Karla para makaiwas ngunit habang nasa-ere ay bigla siyang sinigawan ng halimaw at mula sa bibig nito ay lumabas ang malakas na hangin na nagtulak kay Karla patalsik sa pader... At bumagsak si Karla sa sahig ng nakaupo...

"I-imposible..." Sa isip ni Karla

"Paano na? Ngayong nakita ko na ang resulta ng aking test, pwede ka ng mamatay." Pangungutya ni Dr. Mujin

Agad na tumayo si Karla at sumigaw kay Dr. Mujin...

"Hindi ito matatapos ng ganito kadali!"

Nagliwanag si Karla sa dami ng spiritual na enerhiya na kanyang inilabas at pagkatapos noon ay lumipad si Blueberry patungo sa likuran ng dambuhalang leon...

"Blueberry Machine Gun!" Sigaw ni Karla

Muling nagpaulan ng bala ang sandata ni Karla at mas malakas ito kaysa sa mga nauna niyang pagsugod. Ngunit gaya ng mga nauna ay tila balewala iyon sa kalaban na umikot ang ulo paharap kay Blueberry at gamit ang matatalim na kuko sa dalawang paa ay winasak ito...

Mabilis namang lumundag si Karla at itinutok ang dalawang kamay sa ulo ng kanyang kalaban...

"Kainin mo 'to..."

Mabilis na naipon ang napakaraming enerhiya na naghugis malaking bilugan na palapad sa mga kamay ni Karla at ilang saglit lang ay...

"Hamburger!"

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon