Chapter 38: Teamwork

24 11 0
                                    


Sa puntong iyon ay nahati na naman sa dalawa ang katawan ni Asmo...

"Hayaan nyong batiin ko sila..."

Magkasabay na sabi ng dalawang Asmo

"Gawin mo kung anong gusto mo, wala kaming pakialam. Ihahanda ko muna ang aking laruan."

Sagot ni Dilan sabay lakad paalis.

"Pasensyahan na lang tayo kung matalo ko na silang lahat..."

Pagyayabang ni Asmo habang naglalakad

"Alam mong imposible yan dahil mahina ka hahaha!"

Pang-aasar ni Leo

"Pero kung magagawa mong bigyan sila ng pinsala bago pa man sila makapasok, mas madali na natin silang matatalo." Sabi ni Tera

"Naiirita ako sa inyo." Sagot ni Asmo sabay takbo at talon sa bintana palabas

"Oh paano, bababa na rin ako." Sabi ni Leo kay Tera

At si Tera na lamang ang naiwang mag-isa sa kwarto na iyon.

- - - - -

Nasa labas naman ng kastilyo at naghahanda ng pumasok sila Miko, Giel, Lean, Karla, Beth, Janine, at Mochi...

"May libo-libong paraan para buksan ang pintong yan. Anong gagawin natin?" Tanong ni Beth

"Hindi nyo na kailangang buksan ang isang yan!" Sigaw ng isang tinig na gumulat sa kanila

Tinignan nila kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita nila si Asmo na nakatayo sa ibabaw ng pader gawing kanan ng malaking pinto. Tumalon ito pababa at hinarap sila...

"Dahil dito na kayo mamamatay." Dugtong ni Asmo

"Tsk... sagabal agad." Sabi ni Giel

Agad namang naalala ni Miko si Asmo...

"Sya yung nakalaban namin ni kuya Miko!" Sabi ni Mochi

"Mag-iingat kayo, kapag tinamaan kayo ng mga atake nya, malakas man o hindi, siguradong mamimilipit kayo sa sakit" Paliwanag ni Miko

"Hmmm..." Bulong ni Karla

Nagpang-abot at nagkatitigan sa mata sina Karla at Asmo, pagkatapos noon ay tumalikod si Karla at naglakad palayo na tila hindi interesado kay Asmo. Ngunit para kina Miko, Giel at Lean, ang aksyon ni Karla ay isang mensahe...

"Gusto nya kaming subukan." Sa isip nilang tatlo

Lumapit si Karla kay Beth at bumulong...

"Panuorin natin kung papano sila lumaban."

"Hahahaha! Nga pala, pumunta ba kayo dito para iligtas yung bata? Pasensya na pero nakahanda na sya para sa aming almusal." Pang-iinis ni Asmo

"Tsk, tatapusin kita." Sagot ni Lean

"Tara, patahimikin na natin ang madaldal na 'to" Pagyayaya ni Miko

"Basta iwasan natin ang dumikit sa kanya di ba?" Tanong ni Giel

Ngunit bago pa man may sumagot ng tanong ay tumakbo na si Giel pasugod kay Asmo. Nagpalitan sila ng suntok at sipa ngunit wala namang tumatama dahil pareho nila itong naiiwasan.

"Akala ko ba bawal dumikit? Bakit sya sumugod at nakipagsabayan sa isang hand to hand combat?" Sa isip ni Janine na masusing pinapanuod ang bawat kilos nila

Sa kalagitnaan ng palitan ng mga suntok at sipa nila Giel at Asmo ay napansin ng diyablo na wala na sa dating kinatatayuan sila Miko at Lean. Ang dalawa pala ay pumwesto na sa likod ni Asmo...

"Haha, masyadong simple ang taktika nila. Gusto nila akong palibutan..." Sa isip ni Asmo

Magkasabay na sumugod mula sa likuran sina Miko at Lean. Upang makaiwas naman ay tumalon si Asmo paitaas ngunit nagulat sya dahil si Giel ay naglagay ng spiritual na enerhiya sa kanyang mga paa para palakasin ang kanyang lundag. Nang maabutan sa ere si Asmo ay sinuntok ito ni Giel ngunit mabilis din itong nakapaglabas ng masamang enerhiya at ginamit ang kanyang mga bisig na puno nito para salagin ang suntok ni Giel. Hindi man napinsala ay nawalan pa rin ng balanse si Asmo sa ere na naging dahilan para bumagsak ito sa sahig. Nakaramdam naman si Giel ng pananakit sa kanyang kamao...

"Tama si Miko, masakit nga. Pero di bale... tantyado na namin ang mga galaw nya." Sa isip ni Giel

Nakabangon naman agad si Asmo at tumawa...

"Hahaha, sino sa atin ang nasaktan?" Tanong ni Asmo

Nagtinginan sila Miko, Giel at Lean at nag-ngitian. Pagkatapos noon ay nagsimulang tumakbo ng mabilis si Giel paikot kay Asmo...

"Tsk, ano naman kaya ang binabalak ng isang ito?" Sa isip ni Asmo habang sinusundan ng tingin si Giel

Habang nakatingin kay Giel si Asmo ay sinamantala ni Miko ang pagkakataon para makalapit kay Asmo at sinuntok nya ito. Tinamaan nya ito at bumagsak sa sahig.

"Nalinlang nila ang kalaban." Sa isip ni Beth

Mabilis pa ring nakabangon si Asmo at nakita nya na nasa harap pa rin nya si Miko at si Giel ay tuloy pa rin sa pag-ikot sa paligid nila. Bigla syang nakaramdam ng presensya mula sa gawing itaas nya at ng tumingala sya ay nakita nya si Lean na nagliliwanag ang mga kamay at mula sa mga kamay ni Lean ay lumabas ang espada...

"Ayan yung espadang dala-dala nya lagi." Sabi ni Mochi

Itinarak ni Lean ang kanyang espada kasabay ng kanyang pagbagsak sa kinatatayuan ni Asmo ngunit nagawa ni Asmo na tumalon pa-atras para makaiwas. Bumaon ang espada sa sahig. Agad itong hinugot ni Lean at patuloy na sinugod si Asmo na wala ng magawa kundi ang umatras ng umatras para makaiwas...

"Maganda ang teamwork nila. Siguradong talo na ang isang ito."

Sa isip ni Karla na nakangiti sa napapanuod

Sa kaka-atras para maiwasan ang atake ni Lean ay hindi agad napansin ni Asmo na ang kanina pa tumatakbo paikot-ikot na si Giel ay patungo na sa kanyang direksyon mula sa gawing kanan. Nang tumingin si Asmo ay malapit na sa kanyang mukha ang kamao ni Giel kaya hindi na nya ito naiwasan pa. Tinamaan sya ng suntok at tumilapon papunta sa pinto ng kastilyo kung saan sya napasandal...

"Spirit Ball!" Sigaw ni Miko sabay bato ng bola ng enerhiya patungo kay Asmo

"Tsk, kainis." Bulong ni Asmo sabay tingin muli sa direksyon kung nasaan ang kanyang mga kalaban.

Ngunit sa halip na mukha nila Miko, Giel at Lean ang makita, isang nagliliwanag na bola ng enerhiya ang nakita nyang papalapit sa kanyang kinatatayuan...

"Hindi..." Sa isip ni Asmo na mabilis naglaho para bumalik sa kanyang isang katawan.

Tumama sa pinto ang Spirit Ball ni Miko at sumabog ito. Nabalot ng makapal na usok ang entrada ng kastilyo...

"Ayos!" Sigaw ni Miko

"Nagawa nila." Sa isip ni Karla

Si Janine naman ay diretso pa rin ang tingin sa entrada ng palasyo kahit na balot pa ng makapal na usok ang daanang binuksan ng spirit ball ni Miko. At sa unti-unting pagkawala ng usok ay sya ang unang naka-aninag sa mga kalabang naghihintay sa kanila sa loob...

"Humanda kayo." Biglang sabi ni Janine

Nang marinig iyon ay napatingin silang lahat kay Janine na noon ay diretso pa rin ang tingin sa palasyo...

"Napakarami nila..." Dugtong ni Janine


[Itutuloy...]

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon