Chapter 32: Ang Plano ng mga Devourers

31 15 0
                                    



Nang makalapit si Asmo kay Miko ay biglang naglabas si Miko ng maraming spiritual na enerhiya at mabilis siyang tumayo.

"Kaya naming tiisin ang sakit, kaya namin ito!" Sabi ni Miko

Nagulat sila Mochi at lalo na si Asmo sapagkat ang Miko na kaharap nya ngayon ng malapitan ay mukhang puno ng tapang at hindi nakakaramdam ng anumang sakit.

Sinuntok ni Miko ng malakas si Asmo at tumilapon ito palayo

"Arghhh..." Daing ng diyablo

"Bigla syang lumakas, kanina lang ay nasa spirit level 2 lang sya ngunit ngayon ay nasa ikatlo na." Sa isip ni Mochi na gulat na gulat pa din sa nakita

Bumangon si Asmo at tinignan si Miko at kitang-kita nya sa mga mata nito na seryoso na ito...

"Hindi ko inasahang mangigigil ako sa iyo ng ganito pero sige laban!" Sigaw ni Miko sabay sugod kay Asmo

Sunod-sunod na pag-atake ang ginawa ni Miko. Ang iba ay naiiwasan ni Asmo habang ang iba naman ay direktang tumatama sa kanya...

"I-imposible ito.." sa isip ni Asmo

Isa pang malakas na suntok na galing kay Miko ang kumonekta na naging sanhi para tumilapon palayo si Asmo.

"K-kuya Miko!" Sigaw ni Mochi habang tumatakbo palapit kay Miko

"Dito ka lang sa likod ko Mochi. Ako ng bahala sa isang ito"

Sabi ni Miko

"I-ikaw... b-bakit parang hindi ka na nasasaktan?"

Tanong ni Asmo habang bumabangon

"Masakit, sobrang sakit. Pero balewala dahil madaling tiisin ang sakit kung alam kong mawawala rin naman ito!"

Sagot ni Miko

"Tsk kainis. Saan kumukuha ng lakas ang isang ito?"

Sa isip ng diyablo

Nagliwanag si Miko sapagkat nagsimula muli syang maglabas ng spiritual na enerhiya...

"Sinabi mo kanina na sisihin ko ang Diyos kung bakit ginawa nya kaming mga tao na nakakaramdam ng sakit, kung ganoon ibig sabihin naniniwala rin kayo sa Diyos." 

Pahayag ni Miko

"Tsk, kalokohan! Hindi kami maniniwala sa kanya kahit anong mangyari at balang araw pababagsakin namin sya at kami na ang magiging diyos!" Sagot ni Asmo

"Ganun ba?" Bulong ni Miko

Nag-ipon si Miko ng enerhiya sa kanyang mga kamay at nagsimulang gawin ang kanyang Spirit Ball.

"Purong spiritual na enerhiya lang ang ilalagay ko para hindi masira ang lugar na ito." 

Sa isip ni Miko

Nagliwanag ang kamay ni Miko hanggang sa mabuo ang bola at pagkatapos ay tumakbo si Miko palusob kay Asmo...

"H-hindi maari, siguradong tapos ako pag tinamaan ako ng isang yan." Sa isip ni Asmo

Nang ilang metro na lang ang distansya kay Asmo ay tumalon si Miko at inasinta si Asmo...

"Umuwi ka na sa inyo! Spirit Ball!"

Sigaw ni Miko sabay hagis ng spirit ball papunta kay Asmo

"Tapos na sya" Sa isip ni Mochi habang pinapanuod ang spirit ball na papunta kay Asmo

"Babalik ako." Sabi ni Asmo na biglang nabalot ng masamang enerhiya at nawala bago tamaan ng spirit ball ni Miko Sumabog ang Spirit Ball at nagdulot lamang ito ng matinding liwanag sa paligid. Parehong nagulat sila Miko at Mochi ng makitang nawala si Asmo...

"Natunaw ata sya?" Sabi ni Mochi

"Purong spiritual na enerhiya ang ginamit ko, hindi dapat mawawala ang pisikal na katawan nya kung tinamaan sya." Sa isip ni Miko

- - - - -

"Ahhh!" biglang sigaw ni Asmo sabay habol ng hininga Nagbalik si Asmo sa isa pa nyang katawan na naiwan kasama ng iba pang mga devourers. Tumingin sa kanya ang tatlo pa nyang kasama na sina Tera, Leo at Dilan.

"Natalo ka ba nila?" Tanong ni Dilan

"May bago silang mga kasama..." Sagot ni Asmo

"Kampante ka dahil alam mong makakabalik ka sa isa mo pang katawan anung oras mo man naisin. Wala ka talagang kwenta" Pang-aasar ni Tera

"Grrr... mayabang! Kung alam nyo lang, may ibubuga rin talaga sila kahit papaano." 

Sabi ni Asmo

"Alam na natin iyon, kaya nga natalo nila tayo, pero ngayon sisiguraduhin kong dudurugin ko sila." Sabi ni Leo sabay sarado ng kanyang mga kamao

Naglakad si Dilan palapit sa balkonahe ng mala-palasyong lugar na kanilang pinagkukutaan at tinanaw niya ang siyudad...

"Higit dalawang-daang kawal. Nagpauna na ako ng ilan para simulan ang plano." 

Pahayag ni Dilan

"Plano?" Tanong ni Asmo

"Nabigo ka nung sinugod mo sila, ngayon sila naman ang maghabol sa atin." Ani ni Dilan

Nangiti sila Leo at Tera sa narinig at natabunan ng liwanag ng kidlat ang kanilang mga mukha.

- - - - -

Sa ibang dako naman ng siyudad ay kasalukuyang hinaharap ni Lean ang tatlong diyablo na humarang sa kanya.

Sinugod ni Lean ang una sa tatlo ngunit nakaiwas ito sa pamamagitan ng pagtalon paitaas. Pumunta ito sa likuran nya at ang dalawa naman ay nasa magkabilang gilid nya. Sabay-sabay na sumugod ang tatlo, hinawakan ni Lean ng mahigpit ang espada nya at nagsimulang umikot ang mga paa...

"Cyclone Slash!" Bulong ni Lean

Isang paikot na nakahihiwang liwanag ang nilikha ng espada ni Lean. Nakaiwas ang isang diyablo ngunit ang dalawa ay nahiwa nito at unti-unting naglaho. Mabilis namang lumapit ang isang diyablo at hinawakan ang espada ni Lean at sinipa si Lean palayo para makuha nya ang sandata.

"Hahaha! Pano ka pa lalaban ngayon?!"

Ani ng diyablo habang hawak-hawak ang espada

Kalmado lamang si Lean habang tinitignan ang diyablo at isang bagay ang tumatakbo sa isipan nya...

"Pagkakataon na para masubukan ito."

Tumalon ang diyablo paitaas at patungo sa direksyon ni Lean plano nitong hiwain si Lean gamit ang espada...

"Tapos ka na!" Sigaw ng diyablo

Biglang nagliwanag at naglaho ang espada habang nasa ere ang diyablo, nagulat ito at nang pababa na sya kay Lean ay tinutok ni Lean ang kanyang kanang kamay sa direksyon ng kalaban at nagliwanag ito...

Mula sa liwanag sa kamay ni Lean ay lumabas ang kanyang espada na naglaho kanina mula sa kamay ng diyablo. Tumusok at bumaon ito sa kalaban.

"P-papanong?..." Sabi ng diyablo na unti-unti ng naglaho

Tinitigan ni Lean ang kanyang espada at pinadaloy nya muli dito ang kanyang enerhiya hanggang magliwanag ito...

"Experiment success." Bulong ni Lean

Pagkasabi noon ay naglaho sa liwanag ang espada

Nagsimulang maglakad si Lean at sa pangatlong kanto ay lumingon siya sa kanan at nakita nya sa dilim ang isang binata na naglalakad, nakikinig ng musika sa earphones at relax na naglalakad sa kadiliman ng gabi... si Russel ito! Mula sa likod ni Russel ay lumabas sa dilim ang isang diyablo. Sinunggaban nito si Russel at pinisil sa batok at mabilis itong binuhat at itinakbo palayo...

Labis ang gulat ni Lean sa bilis ng mga pangyayari.

[Itutuloy...]

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon