Chapter 4: Tugisin ang mga Kawatan!

188 95 4
                                    

Nakita nina Lean ang puting bola ng enerhiya na papalapit sa kanila kaya agad silang gumalaw upang maiwasan ito. Tumama ang bola sa pader, sumabog ito at nag-iwan ng malaking butas.

"tsk, ginamit nila ang butas na ginawa ng Spirit Ball mo para makatakas..." Sabi ni Giel

"Nako po! Nakasira na naman ako ng pader!" Sigaw ni Miko na mukhang naiinis sa nangyari

"Mamaya na yan, habulin na natin sila." Sabi ni Giel habang tumatakbo palabas

- - - - -

"Naging swerte pa ang pagkakagawa ng butas pa sa atin..." Sabi ni Lean

"Haha oo nga, pero kakaiba din ang bolang iyon. Gawa sa pinaghalong spiritual at pisikal na enerhiya..." Ani ng kanyang kasama

Sina Miko at Giel naman ay tuloy-tuloy sa pagtakbo sa gubat kung saan tumakbo sina Lean.

"At bakit naman kaya nila kinuha ang display ni Master Nok?" Tanong ni Miko

"Yan ang aalamin natin. Bilis!" Sabi ni Giel

Pagkasabi nito ay dumaloy sa katawan ni Giel ang kanyang spirituwal na enerhiya at dahan-dahan itong napunta sa kanyang binti hanggang paa at unti-unti ring bumilis ang kanyang pagtakbo...

"Sumunod ka kaagad..." Sabi ni Giel

"Waaah! ayos yan ha..." sagot ni Miko

Kaliwa't kanan ang tingin ni Giel habang binabagtas nya ang gubat...

"Wala akong oras para aralin ang mga bakas na iniwan nila para masundan sila, bahala na..." Sa isip ni Giel

- - - - -

Patuloy sa pagtakbo sina Lean ngunit bigla silang tumigil ng maramdaman nila na nasa likod na nila si Giel. Paglingon nila ay itinuro sila nito at sinabing...

"Hindi ko alam kung anong interes nyo dyan pero hindi dapat ninyo kinukuha ang hindi sa inyo."

Hinarap siya ni Lean at Itinutok niya kay Giel ang espada

"Wala kang alam kaya wag kang makialam, ito ang huling babalang ibibigay ko sa iyo."

Nagpakiramdaman ang tatlo at nagkaroon ng mainitang titigan sina Giel at Lean. Nagulat si Giel ng makita niyang nagliwanag ang espadang hawak ni Lean. Sumugod si Giel at sinalubong siya ni Lean. Naiwasan ni Giel ang pagwasiwas ni Lean sa Espada

"Kakaiba pala ang sandatang iyon. Mabuti pa ay unahin ko na itong isa." Sa isip ni Giel

Dire-diretsong tumakbo si Giel papunta sa direksyon ng kasama ni Lean at sinuntok ito. Nasalag ito gamit ang kamay pero naramdaman niya ang pwersa ng suntok ngunit agad naman siyang sinipa ni Giel sa ulo na dahilan para tumalsik siya ng kaunti at bumagsak sa sahig, hindi naman siya nawalan ng malay.

"Mabilis din siya..." Sa isip ng lalaki

Bago pa ito makabangon ay susugurin ulit sana siya ni Giel pero biglang pumagitna si Lean at sinubukang tagain si Giel pero nakaiwas ito at umatras ng bahagya

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon