TM 126: Kabundukan

13 2 0
                                    


Bago pa magising ang karamihan ay naglalaan si Lean ng oras tuwing umaga para sanayin si Russel...

Nag-ipon si Russel ng maraming enerhiya at biglang lumundag ng mabilis pasugod kay Lean!

"Jet Dive!" Sigaw ni Russel

Mistulang lumilipad si Russel pabulusok kay Lean pero bago pa nya tamaan ito ay ginamit ni Lean ang Astral Barrier...

Ang resulta...

Nauntog lamang doon si Russel at bumagsak sa sahig.

"A...aray."

Nilapitan siya ni Lean at inalalayan upang makatayo.

"Hmm... di-diretsuhin na kita, hindi magandang gamitin sa labanan ang technique na yan." Sabi ni Lean

"Pero sir... mape-perfect ko din naman..." Magpapaliwanag sana si Russel ngunit pinigilan na siya ni Lean

"Makinig ka. Una masyadong delikado. Pangalawa kulang sa lakas para maging isang finishing move." Paliwanag ni Lean

"Finishing move?"

"Oo. Paano ko ba ipapaliwanag... ganito, hindi iyon kasing lakas at kasing epektibo gaya ng Spirit Ball ni Miko."

"Pero kung ipagpapatuloy ko pa ang pagsasanay at mas dadagdagan pa ang spiritual na enerhiya siguradong..."

"Dyan naman pumapasok ang sinasabi kong masyadong delikado. Hindi katulad ng Spirit Ball ni Miko, katawan mo mismo ang ginagamit mo sa pag-atake,

Ano sa tingin mo ang mangyayari kung sakaling salubungin ka ng isang malakas na atake katulad ng Spirit Ball?"

"Pero napo-protektahan din naman ako ng spiritual na enerhiya na nakabalot sa akin habang ginagawa ko ang Jet Dive! Ganun yung nangyari noong nilabanan natin si Amanda!"

"Pero maraming mas malakas pa kay Amanda. Isa pa, alam mo din sa sarili mo na kaya ka nyang tapusin kung ginusto niya. Paano kung hindi na kasing lambot niya ang makalaban mo?"

Nalungkot si Russel dahil naisip nya ang ibig sabihin ni Lean.

"Hangga't hindi tayo nakakaisip ng paraan paano gagawing effective finishing move yan, gamitin mo na lang muna yan sa mga praktikal na bagay gaya ng paglitas sa mga kasama mo, hindi na rin masama."

"Teka sir, ibig bang sabihin meron ka ding finishing move?" Pursigidong tanong ni Russel

"Huh? Wala akong ganun, wala rin naman akong sinabing kailangan ng ganun para lumaban sa mga masasama."

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang dumating si Mochi...

"Kuya Lean pinapatawag ka ni Master Nok."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 126: Kabundukan

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nabigla si Lean dahil ng marating niya ang opisina ni Master Nok ay nanduon din sina Karla at Beth...

"Ang aga niyo yata..." Pagbati ni Lean

"Ako lang ang maaga, silang dalawa hindi natulog." Sagot ni Beth kay Lean sabay turo kina Karla at Master Nok

Naglakad si Lean papalapit sa mesa at naupo...

"Tungkol ba 'to sa Union?" Tanong ni Lean

"Pamilyar ka sa nangyaring assasination sa One Square Building?" Tanong ni Karla

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon