Chapter 61: Ang Banda

20 10 0
                                    


"Sa loob ng pitong araw ay halos 80 porsyento na ng Metro City ang magigising sa kung anu-anong kapangyarihang hindi nila maiintindihan. Kasabay noon, sa paglipas ng pitong araw, maaring mangalahati ang populasyon ng siyudad dahil sa mga kaguluhang magaganap..."

Babala ni Master Nok

"Kung ganon..." Bago pa matapos ni Karla ang sasabihin ay dinugtungan na ito ni Master Nok...

"Kikilos tayo tatlong araw mula ngayon."

- - - - -

Kinaumagahan, tinanghali ng gising si Amabii at siya ang nakatoka sa paghahanda ng almusal kaya naman tinakbo niya ang pasilyo paglabas ng kanyang kwarto at pagkaliko sa susunod na kanto ay nabangga niya si Erryel. Bumagsak si Erryel na noon ay nagpupunas pa ng mata dahil kagigising pa lamang...

"Ayyy!" Sigaw ni Amabii sa gulat

Natigilan si Erryel ng marinig ang boses ni Amabii na nagulat...

"Naku, sorry po..." Paghingi ng tawad ni Amabii na hiyang-hiya sa nangyari lalo na't hindi pa sila pamilyar sa isa't isa.

"Ayos lang. Sige na, nagmamadali ka ata..." Sabi ni Erryel habang tumatayo

"Sorry po talaga ate..." Sabi ni Amabii

"Okay lang okay lang, sige na..." Sagot ni Erryel

At tumuloy na si Amabii tungo sa kusina. Tinignan naman siya ni Erryel habang tumatakbo siya patungo sa kusina at isang bagay ang naglalaro sa isip ni Erryel...

"Ang boses niya..."

- - - - -

Pagbukas naman ni Karla ng pinto ng kanyang kwarto para magtungo sa kusina at mag-agahan ay nakita niya doon si Lean na nakasandal sa pader at halatang hinihintay siya...

"Oh, may problema ba?" Tanong ni Karla

"'Yan mismo ang itatanong ko sa'yo." Sagot ni Lean

Napahawak si Karla sa kanyang mukha nang marinig ang tanong ni Lean at pagkatapos ay huminga siya ng malalim...

"Si Master Nok na lang ang bahalang sumagot nyan..." Sabi ni Karla

"So meron nga..." Seryosong reaksyon ni Lean

Isinara ni Karla ang pinto ng kanyang kwarto at nagsimulang maglakad patungo sa kusina...

"Hindi ka tatagal dito kung masyado kang mag-aalala sa mga bagay-bagay." Sabi ni Karla kay Lean.

- - - - -

Sabay-sabay naman nag-almusal ang lahat maliban kay Master Nok na wala sa kanyang kwarto. Matapos kumain ay bilang nagsalita si Miko...

"Hayy... medyo nakakabagot na nitong nagdaang mga araw."

Napatingin ang lahat kay Miko dahil sa sinabi niyang iyon...

"Nga pala Cjay, Erryel, at Daniel..."

Pambungad ni Miko sa kanyang sasabihin sa tatlo

Tahimik namang inabangan ng lahat ang susunod na sasabihin ni Miko...

"Gusto niyong mag-ice breaker?! Ayos lang sa'kin kahit tatlo pa kayong magsabay-sabay."

Nang marinig ang sinabing iyon ni Miko at nagulantang ang lahat at agad namang hinila ni Luisa ang tainga ni Miko na katabi niya lamang sa upuan...

"Ano bang pumapasok dyan sa isip mo!" Sigaw ni Luisa

"Aray!! Teka lang... di ba magandang paraan yun para mas lalo pa nating makilala ang isa't isa?!" Sagot ni Miko habang pinipingot siya ni Luisa

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon