"Wala akong alam tungkol sa'yo... pero alam kong di ka masama!" sabi ni Miko na may ngiti "at isa pa, ikaw naman ang biglang nagkwento nyan." dugtong niya
"Pasensya na sa abala pero kailangan mo ng umalis dito." Sabi ni Luisa
Pero hindi pinansin ni Miko ang sinabi ni Luisa bagkus ay iniabot nya dito ang kanyang kamay
"Ako pala si Miko, miyembro ako ng isang organisasyon na tinatawag na Ministry. Sumama ka sa amin." Pagyayaya ni Miko
Panandaliang natulala si Luisa sa narinig. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng ganitong imbitasyon matapos ang mahabang panahon pero sa halip na tumalima ay dumukot sya sa bulsa nya at kinuha ang isang maliit na lalagyan na may lamang dalawang piraso ng maliit na gamot, kinuha nya ang mga gamot at inilagay sa palad ni Miko. Ikinagulat ito ni Miko
- - - - -
"Tara, pabagsakin na natin ang isang ito." sabi ni Giel habang itinataas ang manggas ng kanyang damit
Nakawala naman na sa pagkakatali sa kadena si Lean at tumayo...
"Sige..." Sagot niya
Mabilis na tumakbo si Giel pasugod kay Django. Sinubukan nya itong suntukin pero nakakaiwas si Django at minsan ay hinahawi nya si Giel gamit ang kanyang braso. Sinamantala naman ni Lean ang pagkakataon para tumalon paitaas
"Falling Slash!" Sigaw ni Lean habang pababa sya sa direksyon ni Django
Ngunit may dumaloy na kulay itim at lilang enerhiya sa kanang kamay ni Django at iyon ang pinangsalag nya sa espada ni Lean
"I-imposible..." Sa isip ni Lean habang pinipilit ibaon sa kamay ni Django ang espada
Si Giel naman ay sinamatala ang pagkakataon para suntukin ng malakas sa mukha si Django. Tinamaan ito sa kaliwang pisngi at halos mabali na ang leeg nito pero ang kanang kamay niya ay nananatiling nakasalag sa espada ni Lean.
"Ayos." Sa isip nila Giel at Lean
Pero nagulat sila ng biglang hinawi ni Django ang espada ni Lean paitaas, nabitiwan ito ni Lean at tumalsik sa ere. Itinaas ni Django ang kanyang kanang kamay na puno ng enerhiya at sinuntok nya ang sahig na kinatatayuan nilang tatlo. Sa lakas ay nawasak ang sahig. Nagawa naman makatalon nila Giel at Lean palayo. Nasalo rin ni Lean ang kanyang espada sa pagbaba nito.
"Ang lakas nya... humihiwa ng espiritwal na enerhiya ang espada ko pero nagawa nya
itong salagin ng ganun." Sabi ni Lean
"at hindi man lang nya ininda ang suntok ko" dagdag ni Giel
Tinignan sila ni Django at itinaas nito ang kanyang kanang kamay at napuno ulit ito ng maraming enerhiya
"Sa susunod ay matutulad na ang mga katawan ninyo sa sementong ito"
Banggit ni Django sabay padyak na kanyang isang paa sa sahig na nasira
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...