"Ginabi na kayo." Pagbati ni Lean na nasa harapan ng tarangkahan ng FAT kina Russel, Mochi, Agape, Amabii, at Luisa
Nginitian siya ni Agape at sinabing... "Pinasaya lang namin si Mochi medyo malungkot kasi siya dahil..." ngunit di na natapos ni Agape ang pangungusap dahil agad na sinabi ni Lean na...
"Sumunod kayo, pag-uusapan natin ang mga gagawin natin bukas, gusto kong masunod ang lahat ayon sa planong sasabihin ko."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TM 107: Katotohanan
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ala-una ng hapon kinabukasan.
Sabay-sabay na nagtungo sina Lean, Miko, Andro, Russel, Mochi, Agape, at Amabii sa Central City lulan nang isang sasakyan na kanilang ipinarada sa bagong tayong mall at mula doon ay naghiwalay sila sa tatlong grupo, ang una ay sina Lean at Russel, pangalawa sina Miko at Andro, at pangatlo naman sina Mochi, Agape, at Amabii.
Naghiwa-hiwalay nang lakad ang bawat grupo ngunit iisa lamang ang kanilang patutunguhan, ang lugar na naging abandonado mula ng gibain ang gusaling nakatayo dito isa't kalahating taon na ang nakakaraan, ito ang parehong lugar kung saan nakaramdam ng kakaibang spiritual na aktibidad si Lean dalawang linggo na ang nakakaraan...
"Talaga kayang may kakaibang nangyayari dito sa Central City... o baka naman sinusubukan lang tayo ni Sir Lean?" Tanong ni Amabii habang kasabay na naglalakad sina Mochi at Agape
"Kung magfo-focus daw tayo malapit sa lugar na yun mapapansin natin ang nangyayari, bukod don, kapansin-pansin din daw ang insidente ng over fatigue at ang bilis mapagod ng mga empleyado sa mga kalapit na mga gusali, syempre pinagpalagay naman ng mga kompanya na work-related stress ang dahilan nun." Paliwanag ni Agape
"Pero ang sabi nya nung isang gabi ay wala naman siyang inaasahang panganib o labanan na magaganap, bakit kaya naghiwa-hiwalay pa tayo sa tatlong grupo?" Sumunod na tanong ni Amabii
"Pinaliwanag na sa akin ito dati nina ate Beth at ate Karla, bukod sa para hindi madaling mapansin, mabibigyan din tayo ng pagkakataon ng ganitong stratehiya para maramdaman kung sinusundan tayo, at kung sakaling ganun... hmmm..." Sagot ni Mochi
"...K-kung sakaling ganun? I-ibig sabihin... m-may kalaban?!" Gulat na reaksyon ni Amabii na napahinto sa paglalakad
Agad namang pumunta si Agape sa likuran ni Amabii para itulak ito para magpatuloy sa paglalakad...
"Shhh... ang ingay mo." Inis na sagot ni Mochi sabay tingin ng masungit kay Amabii
- - - - -
Sa hindi mataong lugar naman dumaan sina Miko at Andro...
"Madali nating mahahalata sa ganitong lugar kung may sumusunod sa atin pero matao na ulit paglabas natin sa kalyeng ito." Sabi ni Andro
Bigla namang huminto si Miko sa paglalakad at tumingin kay Andro...
"Miko?"
"May kailangan muna tayong pag-usapan Andro."
- - - - -
Kulang-kulang isang oras mula ng maghiwa-hiwalay ay naunang nakarating sa abandonadong lugar sina Lean at Russel. Ang kanilang dinatnan ay isang parisukat na bakanteng loteng binabakuran lamang ng matataas na yero.
Dito dati nakatirik ang ginibang gusali at ang ang kaharap nitong isa pang abandonado ring gusali na hindi pa nagigiba.
"Huh... sir? May kakaiba ba talaga dito?" Tanong ni Russel kay Lean
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...