TM 117: Pagpaplano

14 2 1
                                    


Magkatabi, kapwa pawisan, at madungis na ang itsura nina Miko at Lean na nakaupo at nakasandal sa isang dingding sa loob ng FAT...

"Anong sa palagay mo?" Tanong ni Miko

"Walang duda, kahit ibuhos pa natin ang lahat ay hindi tayo makakalampas, mas lalo pa ang isipin na mapapabagsak natin siya." Sagot ni Lean na ang tinutukoy ay si Master Sin

"Pero hanga ako sa'yo Lean, mula nung bumalik ako, napansin ko agad na napakalaki na ng respeto ng lahat sa'yo. Kahit si Master Nok ay malaki ang tiwala sa'yo." Papuri ni Miko

"Wala 'yun, pareho lang tayong nagsasanay. Sa totoo lang nag-aalala ako." Sagot ni Lean

"Ha? Bakit naman?"

"Paano kung magkaroon tayo ng kalaban na kasing lakas nina Master Nok at Master Sin?"

"... Malabo naman siguro mangyari yun. Kakaunti lang ang mga taong nakakaalam at namumulat sa kapangyarihang spiritual."

Biglang tumayo si Lean...

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Miko

"Aalamin kung anong ginagawa dito nung Master Sin." Sagot ni Lean na nagsimula nang maglakad

"Sama na 'ko." Sabay tayo ni Miko 

Tumigil si Lean at nilingon si Miko at pagkatapos ay sinabi...

"Ako na ang bahala, ang dapat na inaasikaso mo ay si Luisa. Nagtampo siya kagabi di'ba, sige ka baka mawala siya sa'yo." Sabay ngiti ni Lean para asarin si Miko

"Hindi mangyayari 'yun at di ako papayag!" Madiing sagot ni Miko

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 117: Pagpaplano

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Alaaam mong di ko na maaring patagalin ito Nok, maraming tao ang nangangailangan ng tulong natin..." Banggit ni Master Sin kay Master Nok habang sila ay nag-uusap sa loob ng opisina

"Sigurado ka bang ayos na ang kundisyon mo?" Paniniguro ni Nok

"Gusto ko ring subukan kaya nakipaglaro ako dun sa dalawa kanina. Nga pala, kung pwede wag nating isama ang dalawang 'yun. Halos baguhan pa sila pero napakalaki ng potensyal nila..." Sagot ni Sin

"Wala talaga akong planong isama sila hindi lang dahil sa nag-aalala ako sa maaring mangyari kundi dahil ikaw na rin ang nagsabi na hindi mahihina ang mga kalaban natin." Sabi ni Master Nok

"Sa totoo lang hindi ko rin alam kung pano natin gagawin kung tayong dalawa lang..." Pag-aalala ni Sin

"Napag-isipan ko na rin yan, sa totoo lang, naghabilin na rin ako kay Eddie sakaling may di magandang mangyari." Sagot ni Nok

"Ganun ba... pasensya ka na..." Malungkot na sagot ni Sin

"Hayyy naku naman, pwede ba Lean pumasok ka na lang dito kesa nakikinig ka dyan sa pinto!" Malakas na sinabi ni Master Nok

At pagkatapos sabihin iyon ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Karla at nakasunod sa kanya ay si Beth na hawak-hawak ang dalawang kamay ni Lean mula sa likuran...

"Tsk!" Reaksyon ni Lean

"Hindi ka dapat nakikinig sa usapang hindi ka naman kasali." Sagot ni Beth sabay mahinang hampas sa batok ni Lean

"Ayos lang Beth, wala naman na tayong magagawa ngayong narinig na nya

Pakisara na lang ulit yung pinto." Utos ni Master Nok na agad namang sinunod ni Beth

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon