Chapter 41: Pinakaba mo ako Luisa

33 12 0
                                    


"Kainis, hindi ko napansin na nawala siya..." Iyon ang tumatakbo sa isip ni Miko habang tumitingin-tingin at nakikiramdam sa kanyang paligid dahil hindi nya alam kung saan na nagpunta si Leo.

At sa kalagitnaan ng sitwasyong iyon ay biglang dalawang kamay ang lumabas mula sa ilalim ng konkretong lupa na kanyang kinatatayuan at hinawakan ang kanyang mga paa! Hinila sya nito palubog at kasabay noon ay umahon mula sa ilalim si Leo. Dahil doon ay wala ng balanse si Miko at nasa alanganing posisyon siya. Si Leo naman ay agad na umamba para suntukin at ibaon sa sahig si Miko...

"Hahahaha! Tapos ka na!" Sigaw ni Leo

Agaran namang nag-ipon si Miko ng enerhiya sa kanyang kanang kamay at guamwa ng isang Spirit Ball at mabilis nya itong ibinato kay Leo na halos kadikit na niya.

"Hindi!" Sa isip ni Leo

Sumabog ang Spirit Ball at parehong tumilapon palayo sina Miko at Leo na naging dahilan para magkalayo muli sila.

"Aah... pangahas siya. Ginawa nya iyon kahit alam nyang mapipinsala din siya." Sa isip ni Leo na unti-unting bumabangon

Dahan-dahan din namang bumangon si Miko at isang bagay ang malinaw sa kanyang isipan habang naghahabol siya ng hininga...

"Iyon na ang huli..."

Marahan namang naglakad si Leo papunta kay Miko...

"Matapang ka talaga pero isang tingin lang sa'yo, alam kong nagamit mo na lahat ng lakas mo kaya naman..."

Biglang kumaripas ng takbo si Leo pasugod kay Miko at agad nya itong sinuntok ng malakas sa katawan. Tinamaan si Miko at tumilapon muli palayo at dumausdos sa sahig...

"Hahahaha! Masaya 'to!" Sigaw ni Leo

Habang nakahiga naman ay dahan-dahang humugot si Miko ng isang bagay mula sa kanyang bulsa at ngumiti. Kinuha nya ang isa sa iilang piraso ng gamot na ibinigay sa kanya ni Luisa bago sila umalis. Agad syang bumangon, sinubo at nilunok ang gamot.

"Ayos, siguradong babalik agad ang bahagi ng aking lakas." Sa isip ni Miko

"Hmmm? May gana ka pang kumain sa sitwasyong ito? Kung sa bagay, dapat ay samantalahin mo na ang mga nalalabing sandali ng buhay mo" Pagmamayabang ni Leo

"Hoy ikaw! Kanina pa ko naririnde sa tawa mo. Akala mo ba hindi ko napapansin na nagtamo ka na rin ng pinsala?" Tanong ni Miko

Nainis si Leo sa narinig. Kasunod noon ay iniharap ni Miko ang kanyang kanang kamay kay Leo at itinaas ang dalawa sa kanyang mga daliri...

"Dalawa?" Tanong ni Leo

"Oo. Dalawang tira na lang ng Spirit Ball at tapos ka na."

Sagot ni Miko

"Spirit Ball. Yun pala ang tawag mo sa sandatang paulit-ulit mong ibinabato kanina pa. Malas mo lang dahil alam kong wala ka ng sapat na spiritual na enerhiya para gumawa pa nun." Sabi ni Leo

"Haha! Tignan natin." Pagyayabang ni Miko

"Kainis. San sya kumukuha ng lakas ng loob? Pero di bale, tatapusin ko na sya sa susunod kong atake." Sa isip ni Leo

Nagsimulang maglabas si Leo ng maraming masamang enerhiya at kasabay noon ay bahagya ring lumaki at tumigas ang kanyang katawan.

"Murky Cloud!" Sigaw ni Leo

Unti-unti ang maitim na enerhiyang lumalabas kay Leo ay naging makapal na usok na mabilis na bumalot sa buong lugar.

"Tsk, masama 'to." Sa isip ni Miko na nagsimulang magpigil ng hininga

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon