Chapter 3: Pasukin ang Fat!
“Oo na, oo na, bitiwan mo na ako!” Sabi ni Miko habang niyuyugyog ng niyuyogyog ni
Giel ang kanyang balikat.
“Sinumpong na naman siya…” Sabi ni kuya Kan kay Master Nok
Tumalon bigla si Master Nok pababa…
“Tama na yan, oras na para kumain.” Sabi ni Master Nok
“Pero ituturo nya muna sa akin yung Spirit Ball na yon!” Sagot ni Giel na patuloy pa ring
kinukulit si Miko
“Mamaya na muna yan…” sabi ni Master Nok
Pagkarinig nito ay tumigil na si Giel sa pag-uga sa balikat ni Miko.
“Hay, Salamat Lord tumigil din siya” Sa isip ni Miko na mukhang hilo.
“Nga pala, aayusin mo yang pader na sinira mo Miko.” Utos ni Master Nok.
“Waah! Teka, teka! Ba’t naman ganon!”
- - - - -
Mula sa labas ng FAT ay nakatanaw si Lean, nakasandal siya sa isang malaking puno.
Biglang umuga ang sanga na nasa taas niya dahil naroon ang lalaking kasama niya.
“Pasukin na natin, Kahit ako na ang bahala sa mga bantay…”
“Huwag muna, mahihirapan tayo kung kikilos tayo sa liwanag ng araw, isa pa mahihirapan tayo sa
kanya…” Sabi ni Lean
Ang tinutukoy ni Lean sa pahayag nyang iyon ay si Master Nok
“Huh, natatakot ka ba?”
“Mainam na kung sigurado ako sa mga ikikilos ko, sinabi ko naman hindi ko kailangan ang tulong mo.”
Sagot ni Lean habang naglalakad palayo.
“Pero amiin mo ng kailangan mo ang tulong ko!” Sigaw ng lalaki
Hindi na siya pinansin ni Lean na tuloy tuloy lang sa paglalakad.
“At aaminin ko na rin na kailangan ko ang katawan mo… hehe.” Sa isip ng lalaki.
- - - - -
“Sigurado ba kayo na iiwan natin siyang ganyan?” Tanong ni Miko habang nakatingin kay Giel na
natutulog habang nakahilig ang ulo sa mesang kanilang kinainan.
“Ganyan talaga siya tuwing nabubusog.” Sagot ni Kuya Kan.
“Ayaw mo niyan di ka na niya kukulitin? Ituturo na sayo ni Kuya Kan ang magiging kwarto mo.
Agahan mo ang gising bukas…” Dagdag ni Master Nok
“Ha, ang ibig bang sabihin ay magkakaroon na ako ng unang misyon bukas?” Tanong ni Miko na
may ngiti sa mukha
“Nakalimutan mo na bang aayusin mo yung pader sa nasira mo sa labas?” Sagot ni Master Nok.
“Waah! Hinde! Teka wala bang utility na pwedeng gumawa noon. Oh baka may technique para
maibalik iyon agad… alam mo na…” Pangungulit ni Miko
“Matulog ka na…” Sabi ni Master Nok.
- - - - -
Kinabukasan, maagang nagising si Miko at naisipan niyang puntahan si Giel sa mesa kung saan ito
iniwang tulog para gisingin. Pagsilip niya sa kusina ay bumati agad siya
“Good morning!”
Pero wala doon si Giel. Nagtaka siya at ng mapatingin sa bintana ay nakita niya sa may hardin sa
labas si Giel. Pinuntahan niya ito at nakita niya na nagkwa-quiet time ito. Hindi niya ito inistorbo bagkos
ay bumalik siya sa loob para pumunta sa opisina ni Master Nok. Nakita niya ito na nakaharap sa
computer.
“Good morning, ang aga mo po pala gumigising.” Bati ni Miko
“Hindi ako natulog actually… May pupuntahan ako mamaya at marami akong kailangang ayusin.
Nag-aabang din ako ng balita mula sa mga kasama nating nasa misyon ngayon.” Sagot ni Master Nok.
Iniikot ni Miko ang kanyang panigin sa opisina ni Master Nok at nakita niya sa isang sulok ang
isang espada.
“Ang ganda naman nitong display, espadang pahaba na gawa sa salamin at walang talim.
San nyo nakuha?” Tanong ni Miko.
“Hindi lang yan basta display kaya wag nyong papaki-alaman yan. Pano aalis muna ako,
kayo na muna ang bahala. Nandyan naman si Kua Kan.” Sabi ni Master Nok habang tumatayo at
kinukuha ang kanyang bag.
“Nandun si Giel sa may hardin.” Sabi ni Miko habang nakatingin pa rin sa espada
“Hardin ka dyan, nandiyan na sya sa likod mo kanina pa.” Ani ni Master Nok
Nagulat si Miko sa narinig at biglang napalingon.
“O sige labas na, isasara ko na ito.” Utos ni Master Nok.
Nagkatinginan sina Miko at Giel…
“Huwag mong sabihing kukulitin mo na naman ako para ituro sa iyo yon…” Sabi ni Miko.
“Naisip ko muna na pwede kitang tulungan sa pag-aayos nung pader.” Sabi ni Giel
“Ok!” sagot ni Miko na may ngiti
- - - - -
Inabot na sina Miko ng gabi sa pag-sesemento ng nasirang pader…
“Sa wakas!” Sabi ni Miko sabay bagsak sa sahig.
Bigla sila nakarinig ng ingay mula sa loob kaya napabalikwas si Miko, agad namang tumakbo
papasok si Giel at sumunod agad si Miko. Pagpasok sa pinto ay nakita nilang nakahiga sa sahig si
Kuya Kan kaya agad nila itong nilapitan.
“Kuya Kan…” Sabi ni Miko habang si Giel ay nakatingin sa paligid.
- - - - -
Sina Lean at ang kasama naman niya ay tumatakbo papunta sa direksyon kung nasaan ang opisina ni
Master Nok.
“Hehe ayos ba ang ginawa ko?”
“Swerte lang, nagulat at naunahan mo ang isang iyon. Pero halos nagamit mo na lahat ng lakas mo
sa atake na yon.” Sabi ni Lean na tumigil ng marating ang pinto ng opisina ni Master Nok.
“Hindi naman masyado…” Sabin g kasama niya na sabay sinuntok ang pinto para mabuksan ito.
Naglakad papasok sa loob sina Lean at ang kasama niya. Dire-diretso si Lean sa lugar kung saan
nakapatong ang espadang salamin. Kinuha nya ito at tinignan nya ang repleksyon ng kanyang mukha
sa espada.
"Sa wakas, napunta ka rin sa aking mga kamay." Bulong ni Lean
"At ibabalik mo na yan ngayon..." Biglang sabi ni Miko na nakahabol na at nasa likuran nila Lean sa
labas ng pintong nasira.
Nagulat sina Lean sa narinig at napalingon sila ngunit nakita nila ang maliwanag na bola ng enerhiya
na papalapit na sa kanila.
[Itutuloy...]
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...