Chapter 93: Paalam

18 5 1
                                    


"Nakakatakot ang diyablong nasa himpapawid ng Depth Gloriosa at ang daan-daan niyang kampon na nagsilabas mula sa kagubatan para tangkaing kunin ang buhay namin. Pero mas kagimbal-gimbal ang nasaksihan kong kapangyarihan na naidulot ng labis na kalungkutan at kaibiguan sa aking mga kasama...

Maliwanag ngunit lumuluha... ganoon ko sila mailalarawan...

Hinanap ko ang Ministry para malaman ang sagot sa mga nangyari sa amin ng kapatid ko sa Metro City pero higit pa doon ang natuklasan ko. May mga bagay na lingid sa kaalaman ng nakararami. Mga bagay na kahit ako na minsan ng nagising dito ay nanginig na lamang ng masaksihan...

At sa isang iglap ng labanan ay nabura lahat ng daan-daang diyablong nasa paligid...

Wala akong kakayahan at wala akong nagawa... pero ganun din ang pakiramdam nilang lahat sa kabila ng tagumpay sa labanan... 

Ganoon din ang kalungkutan ng taong tinatawag nilang Master...

Pero wala na sigurong papait pa sa hinagpis ng taong nasa tabi niya bago mangyari ang trahedya.

Noong isang araw lang ako naging bahagi ng Ministry, at ang una kong tungkulin...

 ang samahan sila sa pagluluksa."

Ito ang pinagninilay-nilayan ni Agape habang nagsusuot ng itim na damit.

- - - - -

"Ganoon ba? Sagot ni Master Hel sa kausap niyang si Master Nok na nasa kabilang linya ng telepono

"Pupunta na lang ako dyan para isauli ang aklat." Sabi ni Master Nok

"Makapaghihintay naman yan. Alam mo naman na ang aklat na yan ay ginawa ko lamang base sa aking mga pag-aaral sa Sacred Spirit. Mas mahalaga ngayon na samahan mo ang iyong mga estudyante." Sagot ni Master Hel

"Sige." Pagkasagot nito ay ibinaba na ni Master Nok ang telepono

Naglakad si Hel patungo sa bintana ng kanyang opisina at mula doon ay tinanaw ang bughaw na kalangitan...

"'Di ko inasahang matatapos ng ganitong kadali ang isang problema."

- - - - -

Sunod namang tinawagan ni Master Nok si Erryel...

"Sige po." Bago ibinaba ni Erryel ang cellphone pagkatapos ng kanilang pag-uusap

"Bakit daw?" Tanong ni Cjay

Huminga ng malalim si Erryel bago sumagot...

"Wala na si..."

- - - - -

Sa Metro City naman ay isang lumang gusali ang sinimulang sirain...

"Lumang-luma na kasi yan at delikado na..."

"Oo nga, ano kayang itatayo dyan?"

"Hindi ko alam pero ang balita nalugi daw ang kumpanyang dating may-ari nyan, pero yung lupa ay sa gobyerno pa rin."

At nang mga sandaling iyon ay isang lalaki sa loob ng isang sasakyan ang nag-oobserba sa ginagawang pagwasak sa gusali...

- - - - -

Sa airport naman sa Central City ay inihatid ni Manuel ang kanyang anak na papaalis ng bansa...

"Maika, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo? Busy ang mama mo sa mga projects nya at di ka nya maasikaso."

"Papa napag-usapan na natin 'to, at babalik naman ako tapos ng isa't kalahating taon para sa debut ko. Yun lang naman ang gusto mo diba, ang maimbitahan lahat ng kasosyo mo sa araw na yun?"

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon