"Wag ka mag-alala, siguradong mababawi natin ang binatang yun."
Pahayag ni Miko kay Lean sabay ngiti
Ngumiti lang din si Lean bilang tugon sa narinig...
"Tayo na!" Sabi ni Karla
at pinasok na nila Karla, Miko, at Giel ang gubat...
- - - - -
Tatlong minuto pa lamang ang nakakalipas mula nung pinasok nila Miko ang gubat ay hindi na mapakali si Lean na kasalukuyang kasama nila Beth, Janine at Mochi na naghihintay ng balita. Batid ni Beth ang nararamdaman ni Lean kaya naman sinabi nya dito...
"Huwag kang mag-alala magiging ayos ang lahat."
Tumingin si Lean kay Beth at nakita nya sa mga mata nito na seryoso ito sa binitiwang salita. Huminga ng malalim si Lean, pinakalma nya ang kanyang sariling kalooban.
"Mabigat sa pakiramdam kapag di natin nagagawang tulungan ang mga tao gaya ng sa batang iyon, pero kaya nga tayo nandito di ba para bawiin sya? Magtiwala ka lang..." Dagdag pa ni Beth
"Ang totoo, mas inaalala ko ngayon sila Miko at Giel..." Sabi ni Lean
Napangiti si Beth sa narinig, dahil sa loob nya, nag-aalala naman sya para kay Karla...
"Lahat naman tayo nag-aalala para sa isa't isa pero may Diyos naman na nag-aalaga sa'ting lahat." Sabi ni Beth
Ngumiti na rin si Lean ng marinig iyon...
"Kaso lang, may pagka-pasaway din kasi yung dalawa" Sabi ni Lean
"Hahaha! Di bale, kasama naman nila si Karla kaya siguradong ayos lang sila." Sagot ni Beth sabay kindat
- - - - -
Ilang metro na rin ang nalakad nila Miko, Giel at Karla. Maingat sila sa bawat hakbang at nakikiramdam sa paligid ngunit wala namang kahit anong masamang pwersang humarang sa kanila, taliwas iyon sa kanilang inaasahan kaya naman huminto si Karla sa paglakad
"May kakaiba dito..." Sabi ni Karla
"Wala akong nararamdamang masamang enerhiya sa paligid." Dagdag ni Giel
"Hahaha! Malamang natakot na sila sa atin at umalis na lang haha!"
Mayabang na pahayag ni Miko
"At ano naman kayang nakakatakot sayo?" Tanong ni Giel kay Miko
"Grrr.... ang yabang mo ah!" Sagot ni Miko
Si Karla naman ay tahimik na ina-analisa ang sitwasyon...
"Hinahamon ba nila kami na tumuloy sa lugar kung saan sila nagtatago? O hindi naman kaya sinugod nila sila Beth?... Hindi, kalmado pa rin ang alaga kong si blueberry na kasama ni Beth at ganun din naman itong si Cheesecake..."
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ni Karla ay umalingawngaw sa gubat ang tunog ng isang motorsiklo na pumukaw sa atensyon nilang tatlo. Ang tunog ay nangagaling sa bandang kanan nila at ng lingunin nila ito ay natanaw nga nila ang isang motorsiklong humaharurot palabas ng gubat. Mabilis man ay na-aninag pa rin nila ang taong naka-helmet na sakay-sakay nito...
"Wow, astig yun ah" Reaksyon ni Miko
"Anong ginagawa ng isang tao dito ng ganitong oras?" Sa isip ni Karla
Ngunit iba naman ang gumugulo kay Giel, dahil ang nakita nila ay ang parehong motorsiklo na humarang sa kanila ni Lean noong isang gabing hinahabol nila ang mga diyablong tumangay sa batang si Russel...
Ilang segundo lang ay nakalayo na ang motor at naglaho na sa kanilang pandinig ang tunog nito.
"Hindi sya kalaban. Tumuloy na tayo."
Sabi ni Karla kina Miko at Giel
- - - - -
Si Mark na sakay ng motor, matapos makalayo kina Karla ay tumigil sa isang bahagi ng gubat at nagtanggal ng helmet...
"Nilinis ko na ang dadaanan ninyo. Kayo na ang bahala sa iba pa." Sa isip niya
- - - - -
Narating nila Karla, Miko at Giel ang entrada ng themepark na nasa gitna ng kagubatan. At dahil nga ang themepark ay dinisenyo na katulad ng sa isang kastilyo, naliligiran ito ng pader at ang pintuan nitong gawa sa primera-klaseng kahoy ay labing-limang talampakan ang taas...
"Ipina-alam ko na kina Beth na nandito na tayo. Parating na sila." Sabi ni Karla
"Kung ganun, buksan na natin ang pintong ito." Sabi ni Giel
"Ok!" Pagsang-ayon ni Miko
"Huwag!" Pagpigil ni Karla kay Giel at Miko
"Ha? Pero bakit? Ito naman talaga ang pinunta natin hindi ba?" Tanong ni Miko
"Mga baguhan pa nga kayo. Subukan nyong pakiramdaman ang nasa likod nyan." Sabi ni Karla sabay turo sa pinto
Nag-focus sina Miko at Giel at gaya ng sinabi ni Karla nakaramdam sila ng masamang enerhiya sa loob ng themepark at batid nilang dalawa na ngayon lamang sila haharap ng ganoong kalakas at karaming pwersa ng kadiliman ngunit sa halip na matakot ay lalong ginanahan ang dalawa. Si Miko ay nagsimulang gumawa ng Spirit Ball ngunit natigilan syan ng marinig ang pagdating ng grupo nila Beth, Lean, Janine at Mochi.
"Ang ibig bang sabihin nito ay hinahamon nila tayo?"
Tanong ni Beth kay Karla
"Hmm... mukhang ganun na nga." Sagot ni Karla
"Mas madali kung ganito. Tara na!" Pagyaya ni Miko
"Relax ka lang dyan." Sabi ni Karla
Pagkasabi noon ay naglaho na ang cupcake ni Karla na si blueberry at sumunod naman ang kay Beth.
"Ahhh ate, dapat binigay nyo na lang sila sakin..."
Sabi ni Mochi
"Mochi, seryoso muna tayo ngayon ok? Pag-uwi natin ipagluluto kita." Sabi ni Beth kay Mochi
"Yehey!" Masayang sabi ni Mochi
Biglaan namang naglabas ng maraming spiritual na enerhiya si Karla na ikinagulat nila...
"Wow!" Reaksyon ni Miko
"A-ang lakas..." Sa isip nila Giel at Lean
"Excited na excited na sya." Sa isip ni Beth
"Ate Karla..." Sa isip ni Mochi
Makalipas ang ilang segundo ay pinigil na rin ni Karla ang kanyang enerhiya at bumulong...
"Tinatanggap ko ang hamon nila..."
- - - - -
Sa loob naman ng themepark ay alam na rin ng mga devourers na nasa labas na ang kanilang mga kalaban...
"Hahahahaha! Dudurugin ko sila!" Sigaw ni Leo
"Huwag tayong magpaka-siguro. Siguradong pinaghandaan din nila tayo. Kamusta ang bihag Tera?" Sabi ni Dilan sabay tingin kay Russel na nakahandusay at walang malay sa isang sulok
"Hmm... Mabilis na nilulukuban ng laso ko ang katawan nya. Bukas pwede na natin syang kainin." Sagot ni Tera
"Ayaw ko nyan, mas masarap ang mga bisita natin ngayon!" Sigaw ni Leo
"Mga wala talaga kayong kwenta, puro kayo salita." Sabat ni Asmo na nasa isang sulok
"Ha, nagyayabang ka na naman Asmo. Hindi ba't wala ka ring nagawa noong nakaraan kundi lumipad pabalik dito? Hahahaha" Pang-aasar ni Tera
Sa puntong iyon ay nahati na naman sa dalawa ang katawan ni Asmo...
"Hayaan nyong batiin ko sila..."
Magkasabay na sabi ng dalawang Asmo
[Itutuloy...]
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...