TM 111: Andro

14 5 1
                                    


Ilang sandali bago nila narating ang bakanteng lote kung saan nila nakaharap si Amanda...

...

..

.

Bigla namang huminto si Miko sa paglalakad at tumingin kay Andro...

"Miko?"

"May kailangan muna tayong pag-usapan Andro."

Natigilan at napalunok si Andro habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Miko...

"Mga kaibigan ko ang kasama natin at mahalaga sila sa akin, syempre ikaw din mahalaga sakin... kaya sana lang... hindi mo kami niloloko." Mariing sinabi ni Miko

Hindi agad nakasagot si Andro...

"Pero hindi ibig sabihin nito ay wala akong tiwala sa'yo... siguro ito lang yung ibang paraan ko nang pagsasabi na handa akong mamatay para sa inyo." Nakangiting idinugtong ni Miko

...

..

.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 111: Andro

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Tumilapon si Amanda papalayo matapos bumuga ng dugo sa kanyang bibig dahil sa pwersa ng pagtama sa kanya ni Russel.

At si Russel ay bumagsak sa sahig na hinang-hina...

"Russel!" Sigaw ni Agape sabay takbo palapit kay Russel

"Paano?" Tanong na naglalaro sa isipan ng gulat na gulat na si Mochi

Pero bukod kay Mochi ay nagulat din si Lean sa nangyari...

"Halos ubos na ang enerhiya at momentum ni Russel matapos mabasag ang malaking tau-tauhan ng babaeng yun, siguradong hindi na sapat dapat ang lakas niya para masaktan pa ng grabe si Amanda na protektado ng buong pwersa ng kakayahang tinatawag niyang Black Heart..."

"Ayos! Ang galing ni Russel!" Sigaw naman ni Miko

Malalim naman ang paghingal ni Russel na nakabagsak pa din sa sahig at nakatanaw kay Amanda...

"A-ayos ka lang ba?..." Mahinahong tanong ni Russel kay Amanda

At dahan-dahang bumangon si Amanda na nanghihina at nanginginig na din ang mga kalamnan...

"Kahit ganyan ka na... inaalala mo pa din ang kalaban mo..." Sagot ni Amanda na malalim na rin ang paghinga

Bigla namang sumabat si Lean at tinanong si Amanda ng "Bakit?"

At nang tignan siya ni Amanda ay itinuloy niya ang tanong...

"Bakit tinanggal mo ang tibay ng proteksyon sa'yo ng kakayahan mo bago ka tamaan ni Russel?"

Ngumiti si Amanda at tinignan si Russel...

"Hindi mo na kayang lumaban, lima na lang ang natitira..." Sabi ni Amanda

"Tumigil ka na! Hindi ka ba naawa sa sarili mo?! Mas malala na ang lagay mo kumpara kay Russel!" Pasigaw na sagot ni Agape kay Amanda

"Hindi pa... kung di ko man kayo kayang pabagsakin lahat... kaya ko namang patagalin ito at ubusin ang oras ni Andro hanggang sa sumabog na ang bomba..." Sagot nang hinihingal na si Amanda

"Nagpapakamatay na siya!" Sigaw ni Mochi

"Magtatagumpay ang Union!" Sigaw ni Amanda

Pero binasag nang sunod na sinabi ni Andro ang kumpyansa ni Amanda...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon