Hindi rin magawang tumulong ng mga taong nasa paligid dahil naunahan na ang mga ito ng takot sa nasaksihan. Ang iba naman ay mga ngayon lang napadaan na nakiki-tingin lang sa kung ano ang nagaganap. Tahimik muli ang lahat...
Bigla namang lumabas si Luisa sa restaurant at sumigaw habang tumatakbo palapit kay Miko...
"Miko!"
At ang sunod na tagpo ay naging sanhi para matigilan si Miko sa mga bagay na tumatakbo sa isip niya... Nakatutok na ang baril ng lalaking naka-motor kay Luisa.
Wala ng iba pang reaksyon na nakita kay Luisa kung hindi ang inaasahan, ang mapatigil sa pagkilos...
"Tama na!" Sabi ni Miko
Gumalaw naman bigla ang lalaking nakahandusay sa sahig na mas lalong higit na ikinagulat ng lahat...
"B-buhay sya..." Bulong ng ilang taong nasa paligid
Tinignan ni Miko ang lalaking nakahiga at isang bagay ang kanyang napagtanto...
"Hindi ko agad napansin... wala siyang sugat..."
Umalingawngaw naman sa lugar ang tunog ng mga sasakyan ng pulis na nangangahulugang paparating na sila sa lugar. Doon ay agad na pinatakbo ng lalaki ang kanyang motor paalis...
"Sandali!" Sigaw ni Miko na tila tangka pang habulin ang lalaki
Nakahinga naman ng maluwag si Luisa. Nilapitan siya ni Miko at biglaang niyakap...
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya kay Luisa
Malalalim pero maluluwag na hinga lamang ang naisagot ni Luisa.
"Ang taong iyon... sino ka?" Sa isip ni Miko
- - - - -
Kung papaanong papalalim naman ang gabi ay ganoon ding papalalim ang nagaganap na usapan sa pagitan nina Karla, Beth, at Janine...
"Umalis si kuya Kan para magsanay at tuklasin ang mas malalalim pang bagay, at ngayon ikaw naman..." Sabi ni Karla
Ang tinutukoy niya ay si Janine.
"Hindi pangkaraniwang lugar ang Asylum. Mas magiging madali kung dito ka na lang kasama namin." Dugtong ni Karla
"Buo na ang pasya ko." Sagot ni Janine
"Beth... gusto ng kapatid mo na ikulong ang sarili niya, magsalita ka..." Paghikayat ni Karla kay Beth
Pero hindi sumagot si Beth. Si Janine na ang nagbigay ng paliwanag...
"Hindi ko pa rin kayang kontrolin ang kapangyarihang ito. Kailangan kong pumunta sa isang lugar kung saan maari akong magsanay habang sigurado akong magagawan ng paraan para kontrolin ito at di makapinsala ng iba."
"Pero kaya nandito naman kami para..." Ito ang isasagot sana ni Karla na pinutol ni Beth sa pagsasabing
"Nakapag-desisyon na sya."
Natigilan si Karla sa narinig, huminga ng malalim, at ibinagsak ang likuran sa kanyang kinauupuan...
"Si Mochi ang inaalala ko." Sabi ni Beth
"Ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya. Babalik din ako kapag handa na ako at natuklasan ko na kung paano gamitin ng lubos ang kapangyarihang ito." Sagot ni Janine
"Mag-ingat ka rin at maging mapag-matyag. May mga narinig akong usap-usapan patungkol sa spirit master na naka-toka ngayon sa Asylum." Sabi ni Karla
Samantalang, nasa labas lamang si Giel at palihin na nakikinig sa kanilang usapan, naiintindihan niya ang punto ng usapan pero hindi malinaw sa kanya ang asylum. Natigil naman siya sa malalim na pag-iisip ng marinig ang sinabi ni Janine...
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...