TM 133: Life Saga I

15 2 1
                                    

"Giel!!!"

Paulit-ulit ang tinig na 'yun pero sino ba ang tinatawag nya?...

...

..

.

"Natagpuan namin siya anim na buwan na ang nakakaraan sa isang aksidente. Wala siyang kasama at walang kamag-anak na naghanap sa kanya, wala rin siyang masyadong maalala kaya dinala namin sya dito."

.

..

...

Tama, wala akong maalala... kahit ang pangalan ko. Teka... nasaan ako? Walang kahit ano sa paligid ko kundi kadiliman, hindi, merong liwanag. Merong guhit ng liwanag sa itaas, yun ba ang langit?

Kung ganon nasaan ako? Nahulog ako ng araw na iyon... ito ba ang kamatayan? Ang manatiling nakalubog sa kadiliman habang nakatanaw sa kalangitan?

Huh? Liwanag? Ano 'to... Bakit... Bakit ako nagkakaganito?!

- - - - - - - - - - - - - - - - -

TM 133: Life Saga I

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Nagising ang lalaki, isang umagang maganda ang sikat ng araw. Humuhuni ang mga ibon sa ibabaw ng punong kanyang sinasandalan, at ang liwanag na nanggagaling sa sikat ng araw ay direktang tumatama sa kanyang mukha.

"Buhay ako." Bulong nya sa sarili habang tinititigan ang kanyang kanang-kamay.

Bukas-sara, bubuksan at isasara nya ang kanyang palad habang ginu-gunita kung paano nangyari ang lahat.

Sa isang iglap, isang mabilis na pagsabog ng liwanag sa kalaliman ng napakadilim na bangin ng Depth Gloriosa!

"Totoo nga, niligtas ako ng kapangyarihang ito."

At sunod ay narinig nya ang isang lagaslas na nanggagaling sa mga halaman hindi kalayuan sa kanya at mula doon ay lumundag ang isang usa.

Napangiti siya sandali habang pinagmamasdan ang maamong hayop ngunit hindi nagtagal iyon dahil agad din nyang napansin ang isang tigremula sa kabilang direksyon!

Akmang tatayo sana siya para gumawa ng paraan para mailigtas ang maamong usa mula sa tila papalapit na kamatayan ay natanaw nya di kalayuan sa likod ng tigre ang tatlong maaamo at maliliit na mga tigre...

Natigilan siya. Paano ba tinitimbang ang buhay sa mundong ito?

At sa isang malakas na paglundag ay sinakmal ng tigre ang usa! Bumaon ang mga pangil at kuko nito sa balat ng walang kalaban-labang pagkain.

Makalipas ang kaunting pagkislot ay nalagot ang hininga. Sa isang ungol ng tigre ay lumapit ang kanyang mga anak para kumain.

- - - - -

Naglakbay ang lalaki sa pamamagitan paglalakad sa gitna ng naglalagablab na init ng araw hanggang sa maratig ng kanyang paang punong-puno ng alikabok ang isang lugar na maituturing na isang bayan. May iilang tindahan pero tila walang buhay na mababakas sa mukha ng mga taong naroroon sa kabila ng kanilang pagiging abala sa iba't ibang bagay...

"Pagkain..." ang ideyang pumukaw sa kanyang isipan na nagtulak sa kanya papalapit sa isang tindahan na mayroong matandang nagbabantay...

May iilang tinapay na nakapatong sa mesa ng tindahan pero hindi walang sarap na mababakas sa itsura o kahit sa amoy nito, isang pagkaing sapat lang para mabuhay.

"Paano ako makakapunta sa Metro City o sa Central City?"

Tanong ng lalaki sa nagtitinda ng tinapay

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon