Malalim na ang gabi at ang tanging liwanag sa mansyon ni Mr. Ganja ay ang kaunting
sinag na nagmumula sa buwang tinatakpan ng mga ulap
"At natuto ka na ring manduga sa akin?! Ikaw na mahabang panahon ko ng nakasama..."
Sabi ni Mr. Ganja sa isang lalaki na nakaluhod sa sahig
"I-isang kahon lang naman... palampasin mo na alang-alang sa ating pagkakaibigan..."
Pagmamakaawa ng lalaki habang umiiyak
"Hmm... ang isang kahon ng Momay na yon ay mas mahalaga pa sa sinasabi mong
pagkakaibigan at kung tutuusin..." Sabi ni Mr. Ganja
Nang marinig ito ay nanginig ang tuhod ng lalaki at unti-unti nyang sinubukang tumayo
pero hinawakan siya sa ulo ng isang malaking lalaking tauhan ni Mr. Ganja...
"mas mahalaga pa yon sa buhay mo." Dugtong ni Mr. Ganja sabay talikod at lakad paalis
Iyon na ang huling salitang narinig ng lalaki sapagkat pinisil na ng tauhan ni Mr. Ganja
ang ulo nito at nadurog ito na katulad ng sa isang insekto...
"Hahaha, siguradong mas malinis kung ako ang gumawa nyan Django."
Sabi ng isa pang lalaking may hawak na espada
Tumingin sa kanya si Django at itinutok ang kamay nitong puro dugo at utak sa kanya...
"Gustong-gusto kong dumudurog ng mga tao, nakakatuwang pagmasdan. Ikaw kaya
ano ang magiging hitsura mo pagka-piniga ko ang payat mong katawan?" Tanong
ni Django sa lalaking may espada.
Napaatras ang lalaking may espada at ngumiti kay Django
"Pareho lang tayong bayaran, hindi tayo dapat nag-aaway" Sabi niya
Samantalang, nasaksihan ni Amabii ang mga nangyari mula sa bintana ng kanyang kwarto
at napasandal na lang sya sa isang pader sa nginig at kilabot sa nakita...
- - - - -
Kinabukasan sa FAT...
"Isang ektaryang lupain ang kinatitirikan ng mansyon ni Mr. Ganja. Kailangan nyong
pasukin iyon sa pamamagitan ng pagpa-panggap na kayo ay interesadong mag-angkat
at mangalakal ng Momay" Paliwanag ni Master Nok
"Papaano si Luisa?! at ang iba pang taong naroroon?" Tanong ni Miko
Nagulat sina Lean at Giel sa narinig na tanong ni Miko
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...