Chapter 49: Shadow Stick!

22 15 0
                                    


Napapagitnaan ngayon ni Karla at Beth si Tera na kasalukuyang nakalutang sa ere, itinutok nila ang kanilang palad sa direksyon ni Tera at sabay na nag-ipon ng enerhiya...

"Hindi!" Sabi ni Tera

"Double Hamburger!" Sigaw nina Karla at Beth

Katulad ng naunang atake ni Beth kanina ay nagliwanag sa mga palad ng dalawa ang pabilog na enerhiya at nang maipon ay itinira nila ito patungo kay Tera. Napagitnaan si Tera ng dalawang atake na lumikha ng malakas na pagsabog na yumanig sa buong lugar. Sa puntong iyon ay kararating lamang ni Lean sa lugar kung saan nagaganap ang labanan at agad nyang ginamit ang kanyang Astral Shield para protektahan ang sarili...

"Anong nangyayari dito..." Sa isip ni Lean

Tumilapon naman sina Beth at Karla patungo sa tabi ni Lean dahil na rin sa lakas ng pagsabog. At nang unti-unting maglaho ang usok ay naaninag nila si Tera na nakatayo pa rin...

"Nakaligtas pa rin sya kahit sa Double Hamburger..." Sa isip ni Beth

"Siya nga talaga ang pinakamalakas sa kanila" Bulong ni Karla

Habang naglalakad papalapit sa kanila at palabas sa usok ay tumatawa si Tera at sinabing...

"Kung di ko agad nagamit ang Shadow Wall ko ay malamang na naglaho na ako sa lakas ng atakeng iyon."

Sinamantala naman ni Lean ang pagkakataon para sugurin si Tera gamit ang kanyang espada. Agad namang lumabas mula sa palad ni Tera ang isang mahaba, manipis, at matalim na bagay na gawa sa masamang enerhiya at iyon ang ginamit nya para salagin ang mga atake ni Lean...

"Mag-iingat ka! Deliakdo ang sandatang ginagamit nya!" Sigaw ni Beth kay Lean

Nang marinig iyon ay agad na lumundag palayo si Lean...

"Hindi lang iyon, kaya nya ring sabayan ang aking mga atake..." Sa isip ni Lean

Tinignan ni Tera ang tatlo nyang kalaban ngayon, sina Beth, Karla at Lean...

"Hmm... marami kayo pero halatang nanghihina na kayo. Hahaha! Ito ang perpektong pagkakataon para sa akin!"

Ngunit pagkatapos na pagkatapos isigaw iyon ay nakaramdam si Tera ng isang atake mula sa kanyang likuran at ng lingunin nya ay isa iyong bola ng enerhiya kaya naman agad nyang ginamit ang kanyang Shadow Wall para protektahan ang sarili...

"Sapul!" Sabi ni Miko na kararating lang at syang umatake kanina gamit ang spirit ball

"Tsk... ginamit na naman nya ang kapangyarihan nyang iyon." Sa isip ni Beth

"Mukhang sa level natin wala tayong atake na sapat para sirain ang baluti na iyon..." Sabi ni Karla

Sa puntong iyon ay dumating na rin doon sina Janine at Mochi na bitbit si Russel. Ang kalaban na si Tera ngayon ay napalilibutan nila...

"Tsk... ang ibig bang sabihin nito ay natalo silang lahat? Mga wala talaga silang kwenta." Sa isip ni Tera na ang kanyang tinutukoy ay ang kanyang mga kasamang sina Leo, Asmo, at Dilan

"Hmm... mukhang natalo ni Miko ang kalaban nya kanina, at base sa sugat ni Lean siguradong may nakaharap din syang malakas na kalaban pero dahil nandito sya ngayon ibig sabihin ay natalo nya ang kalaban. Higit ito sa inaasahan namin mula sa kanila..." Sa isip ni Beth

"Janine at Mochi umatras muna kayo at bantayan nyong mabuti ang batang yan" Sabi ni Karla na ang tinutukoy ay ang wala paring malay na si Russel

"So tayong apat ang lalaban sa kanya. Maganda 'to" Pahayag ni Lean

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon