Chapter 51: Big Baby!

26 12 0
                                    


Habang ginagawa ni Karla ang lahat ng kanyang makakaya upang alisin ang lason ng masamang enerhiya ni Tera sa katawan ni Giel ay nakaramdam siya ng isang kakaibang enerhiya na nanggagaling sa loob ni Giel...

"huh?" Pagtataka ni Karla.

Napalitan ang kanyang pagtataka nang pagkagulat ng bigla na lamang nagkaroon ng pagsabog ng isang nakakasilaw na liwanag mula kay Giel. Wala pang isang segundo nagtagal ang liwanag at bigla itong naglaho. Napalingon si Beth kina Karla nang maramdaman iyon at tulala rin sina Janine at Mochi sa nakita.

"San ba talaga siya nanggaling?" Tanong ni Beth

"Kakausapin ko si Master Nok patungkol dito kapag nakabalik na siya galing Meggido." Sagot ni Karla

"Buhay pa ba siya ate?" Tanong ni Mochi

"Oo, itinaboy ng liwanag na nanggaling sa loob niya ang lason na gawa ng masamang enerhiya. Pero matatagalan pa bago siya magkaron ng malay dahil na rin sa dami ng dugong nawala sa kanya." Paliwanag ni Karla.

Dumungaw muli si Beth sa balkonahe at sinigawan si Lean na nasa ibaba kasama ng wala ring malay na si Miko...

"Hintayin nyo na lang kami dyan!"

- - - - -

Magkakasama na silang lahat ngayon sa ibaba. Pasan-pasan ni Lean si Miko, Bitbit naman ni Beth si Giel, at pasan naman ni Mochi si Russel, ang binatang kanilang nailigtas sa misyon na ito na hanggang ngayon ay hindi pa nila batid ang pangalan...

"Maliban sa mga sugat na natamo natin, naging matagumpay naman ang misyon na ito." Sabi ni Karla.

"Yun nga lang madami tayong bitbitin..." Dugtong ni Beth.

Nagtawanan sila ng marinig ang banat na iyon ni Beth.

"OK! Tayo na!" Pagyayaya ni Karla.

At nagsimula ng maglakad sina Karla, Janine at Mochi. Susunod na sana si Lean ng biglang tinawag siya ni Beth. Lumingon ng bahagya si Lean at inabangan ang sasabihin ni Beth...

"Magaling." Pagbati ni Beth

Ngumiti si Lean at nagpatuloy na sa paglakad at tsaka sumagot ng... "Wala iyon."

- - - - -

Habang naglalakad...

"Siguro dapat kumain tayo ng masarap pag-uwi!" Sabi ni Karla

"Hmm... may gusto ba kayong kainin? Sa palagay ko kaya ko pa namang magluto..." Sagot ni Beth

Tumingin si Janine kay Mochi at nagtanong...

"Ano daw gusto mo kainin Mochi?..."

Ngunit tahimik lang at hindi umimik si Mochi...

"Ok ka lang ba Mochi, bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Karla

"Naku... ganyan talaga siguro kapag..."

Sagot ni Beth na hindi na niya natapos dahil nakaramdam sila ng isang pag-atake mula sa kanilang likuran. Pag-lingon nila ay isang malaking bato ang patungo sa kanilang direksyon.

Agad namang lumundag si Mochi at sinalubong ng kanyang kamao ang bato at sa isang suntok lamang ay nagkapira-piraso ito.

Nang mabasag ang bato ay nakita nila kung sino ang naghagis nito... si Leo! ang devourer na tinalo ni Miko.

"Hahaha! Mukhang mahihina na kayo, ngayon ako na ang tatapos sa inyong lahat!" Pagmamalaki ni Leo

"Tsk, mukhang masyadong naging mabait si Miko sa isang ito. Humanda kayo!" Utos ni Karla

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon