Maagang nagising si Lean mula sa mababaw niyang tulog. Nilapitan niya at kinuha ang kanyang espada at tinignan ito sa harap ng salamin sa kanyang kwarto, naalala nya ang tagpo kung kailan sinaksak nya ang sarili niya para makawala sa diyablo...
"Minsan na akong namatay, may bago na akong buhay..."
Inilapag nya ang espada at lumabas ng kwarto. Paglabas nya sa kwarto ay dumiretso
siya sa tabing dagat sa likod na bahagi ng FAT,nakita niya doon si Giel na nakatayo at nakatingin sa tubig
"Hindi ka rin ba nakatulog kakaisip doon sa mga itinuro ni Kuya Kan?"
Tanong ni Lean
"Maaga lang talaga akong nagigising..." sagot ni Giel
"Quiet time?" Dagdag na tanong ni Lean
"Sinusubukan ko lang makaalala..." sagot ni Giel
"Makaalala?" Tanong ni Lean
"Wala to, di naman mahalaga" Sabi ni Giel sabay ngiti
"Sabi mo eh! Nga pala, ano kayang gagawin ni Kuya Kan kay Miko? haha"
Ani ni Lean
"Ahmm... malay natin, natatawa ako pag-naiisip ko kung paano sya sinabaw ni
Kuya Kan pag-uwi niya kagabi. Tsaka di pa sya nagkukwento satin kung anong
ginawa nya ng makatakas sya kahapon." Sabi ni Giel
"Alamin na lang natin mamaya. Lalabas muna ako sandali." Sabi ni Lean
- - - - -
Nagpunta si Lean sa isang bakeshop at bumili sya ng pang-almusal. Bumili na rin siya
ng kape sa lata at ininom agad ito pagkalabas ng bakeshop. Habang naglalakad ay
nakarinig sya ng ingay sa kabilang kalsada
"Lahat na lang pati pagkain ng anak mo dinala mo sa Momay na yan!"
Sigaw ng isang babae sa isang lalaki
"Wala kang pakialam!" Sabi ng lalaki sabay suntok sa mukha ng babae na naging dahilan
para bumagsak ito sa sahig
Nagulat si Lean ng makita ito, tatawid sana sya para tulungan ang babae pero agad na
sumaklolo ang mga taong malapit at binugbog ang lalaki.
"Wag po, wag po" iyak ng isang batang babae na nanunuod sa eksena
Tumayo ang babaeng sinuntok at niyakap ang batang babae. Pinikit ni Lean ang mata
niya, huminga ng malalim at nagpatuloy na sa paglakad pabalik ng FAT.
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...