Chapter 68: Ang Propeta ng Kadiliman

18 7 0
                                    


"Manifest?" Tanong ni Miko

"Hindi na ninyo kailangan pa malaman ang detalye noon, ang tanging kailangan niyo na lang malaman bago kayo mamatay ang ang pangalan ko."

Sa puntong iyon ay sabay na napalunok ng laway sina Miko at Lean sa kaba dahil nararamdaman nila ang malakas na masamang enerhiya na bumabalot sa kanilang kalaban...

"Ako si Venoch, ang propeta!"

Iyon ang pakilala sa kanila ng diablo na nasa kanilang harapan, pero higit sa pangalan nito ang mas lalong gumulat sa kanila ay ang salitang...

"P-propeta?" Tanong ni Miko

"Tama, tagapaghatid ng balita, tagapag-handa ng daan, katulad ng mga propetang nanggaling sa lahi ninyong mga tao." Sagot ni Venoch

"At ano namang balita at daan ang sinasabi mo?" Karagdagang tanong ni Miko

Muling tumawa si Venoch ngunit sa pagkakataong ito ay mas malalim ang kanyang tinig kung ikukumpara sa mga una na nilang narinig na nanggaling sa kanya, at kanyang sinagot ang tanong...

"Ang pagbabalik ng prinsipe ng kadiliman!"

Labis ang naging gulat nina Miko at Lean sa narinig na sinabi ni Venoch.

Dinugtungan naman ni Venoch ang kanyang pahayag...

"Oo, magbabalik na siya at inihahanda ko na ang daan sa kanyang pagdating! Ang kanyang mga tagasunod, ang mga taong luluhod sa kanya simula sa siyudad na ito, at hanggang sa kadulu-duluhan ng mundong ito!"

- - - - -

Sa parehong oras, sa himpapawid direkta sa ibabaw ng plaza ay pababa na sina Erryel, Cjay, at Daniel at habang nasa ere ay tinanong ni Daniel si Erryel...

"Sigurado ka bang ayos lang na hindi sumama sa atin si Karla?"

"Hindi ayos! Pero wala ng pagpipilian pa. Sabi sa monitor at radar ng black dove, may malakas na enerhiyang nanggaling sa isang gusali dito sa Metro City hindi ba?" Sagot ni Erryel

"Tsk, ibig sabihin..." Reaksyon ni Daniel na agad na naputol dahil dinugtungan agad ito ni Cjay

"Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na nasa gusali na 'yon ang aktibidad na dahilan ng Awakening na nagaganap sa siyudad na ito."

"Maghanda tayo, maaaring hindi natin magawa ito sa loob ng tatlumpung minuto." Utos ni Erryel

- - - - -

"Oo, magbabalik na siya at inihahanda ko na ang daan sa kanyang pagdating! Ang kanyang mga tagasunod, ang mga taong luluhod sa kanya simula sa siyudad na ito, at hanggang sa kadulu-duluhan ng mundong ito!" Sigaw ni Venoch

Umihip ang malamig na hangin matapos ang pahayag na iyon ni Venoch.

Wala pang limang-minuto matapos silang lumapag sa Metro City ngunit sa bilis ng mga nangyari ay tila napakarami ng naganap sa isipan nina Miko at Lean.

Matapos ang sandali ng katahimikan ay ngumiti si Lean.

"Huh?" Pagtataka ni Miko

"Isa kang propeta hindi ba? Ibig sabihin sa inyong mga diablo, hindi ka talaga pang-labanan." Tanong ni Lean kay Venoch

Sandaling tumawa si Venoch bago sumagot "Tumpak, at kung ikukumpara ako sa prinsipeng paparating, hindi man lang niya kailangang tumayo para tapusin ako. Ganun pa man, kung ikukumpara sa inyong dalawa..."

Bago matapos ang kanyang sinasabi ay mabilis na naman siyang sumugod kina Miko at Lean.

Nagulat si Miko ngunit si Lean ay agad na tumalikod at sumandal sa likuran ni Miko at inilabas ang kanyang Astral Shield at hindi siya nagkamali dahil doon nga pumunta si Venoch at tinangkang suntukin si Miko mula sa likod gamit ang kanyang kanang kamay...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon