Mabilis na tumatakbo ang Diyablo habang hawak-hawak ang walang-malay na si Russel. Dali-dali naman sa paghabol si Lean...
"Talagang kahit sino ay pinupunterya nila..." Sa isip ni Lean
Nagualt si Lean ng biglang may lumabas mula sa likuran ng isang diyablo na mistulang mga pakpak at nagsimula itong lumutang ng tatlong metro ang taas mula sa sahig...
"Nakakalipad sya? Hindi pwede ito." Sa isip ni Lean
Nagliwanag ang kamay ni Lean at lumabas muli ang kanyang espada. Hinawakan nya ito ng mahigpit kasabay ng kanyang pagtakbo ngunit nakaramdam sya ng presensya sa kanyang likuran at ng lingunin nya ay nakakita sya ng dalawa pang diyablo na sumusunod sa kanya, tumatakbo lang din lamang ang mga ito.
"Pag nakalapit sila tatapusin ko agad sila" Sa isip ni Lean sabay tingin muli
sa kanyang harapan
Pagkalingon muli ay Biglang isang diyablo ang lumundag mula sa harapan ni Lean. Tumigil sa pagtakbo si Lean at agad nya itong hiniwa ng kanyang espada bago pa makadikit sa kanya. Dahil dito ay naka-abot na sa kanya ang dalawa pa na kanina pa bumubuntot sa kanya.
"Kainis..." Bulong ni Lean sabay lingon sa diyablong may dala kay Russel
na nagsisimula nang makalayo
Mabilis namang sumugod ang isang diyablo kay Lean ngunit naiwasan ni Lean ang pag-atake nito sa pamamagitan ng pagluhod sa sahig at mula doon ay itinarak nya sa diyablo ang kanyang espada...
"Waaahh!" Daing ng diyablo habang unti-unting naglalaho
Hindi nman nakita ni Lean na ang isa pang diyablo ay nagtago sa likuran nito at biglang lumundag pasugod sa kanya...
Mula sa kung saan naman ay dumating si Giel at agad sinipa ang Diyablo na naging sanhi para bumagsak ito sa sahig eksakto sa harapan ni Lean. Mabilis na tumayo si Lean at agarang sinaksak ito.
"Mukhang naipit ka ah..." Bati ni Giel
"Huh, nakakatayo ka na pala." Sagot ni Lean
Sa puntong iyon ay nagliwanag ang espada ni Lean at naglaho ito. Napansin iyon ni Giel at nagwika...
"Bago yan ah..."
"Kakasubok ko lang." Sagot ni Lean
"May hinahabol ka pa di ba?" Tanong ni Giel
Nang marinig iyon ay agad na lumingon si Lean sa direksyon kung saan tumuloy ang diyablo na may dala kay Russel at agad siyang nagsimula muling tumakbo para habulin ito. Sumunod naman sa kanya si Giel. Ilang sandali lamang nang pagtakbo ay natanaw nila ang diyablo na nakalutang at hawak-hawak si Russel, napatigil sila Giel at Lean ng makita ito...
"Talagang huminto sya para hintayin tayo? Nang-aasar ata ang isang ito!"
Sabi ni Giel
Sabay na tumakbo sina Giel at Lean pasugod sa diyablo na nagsimula na namang lumipad palayo. Ilang sandali pa ay natanaw nila ang hangganan ng siyudad, ang daan patungo sa isang masukal na kagubatan. Dumiretso doon ang kanilang hinahabol...
"Tsk, makakalayo na siya!" Sabi ni Giel na unti-unti nang bumibilis ng bumibilis
ang takbo
Naunahan ni Giel si Lean ngunit bago pa nya lampasan ang hangganan ng siyudad ay umibabaw sa hangin at tunog ng isang motorsiklong kumakaripas. Mula sa gawing kanan ay humarurot patungo kay Giel ang motorsiklo na naging dahilan para mapalundag sya paatras...
Huminto ang motorsiklo sa kanilang harapan at isang lalaki na natatakpan ng helmet ang ulo ang nagmamaneho nito.
"Kalaban na naman?" Sabi ni Giel kay Lean
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...