Chapter 81: Ala-ala ng Unang Misyon

21 9 4
                                    


Lumundag si Karla paatras ng paatras hanggang sa mapasandal siya sa isang sulok, dahan-dahan siyang naupo at agad niyang sinubukan na agapan ang mahabang sugat na tinamo niya...

"Beth... Naem... gusto kong umasang darating kayo para sagipin ako pero mukhang hindi magtatagal ay susunod na ako kung nasaan ka ngayon Naem." Sa isipan ni Karla

...

..

.

Bumalik sa ala-ala ni Karla ang isang tagpo na magkakasama sila sa eroplano nina Beth at Naem...

"Excited na ako! Ako na ang bahalang tumalo sa mga masasamang tao at diyablo dun kung meron man!" May pananabik na sabi ni Karla

"Hayy eto na naman, dapat mag-ingat tayo dahil parang ito yung unang misyon natin Karla." Sabi ni Beth

"Unang misyon? Diba mataga na rin kayong binibigyan ng trabaho?" Tanong ni Naem sa dalawa

"Oo nga pero wala namang kwenta, pinapakuha lang kami ng kung anu-anong sangkap, pinag-reresearch ng mga kweba at ruins, at pinagpa-patrol, nakakatamad at walang challenge." Sagot ni Karla

"Kaya kung tutuusin parang eto talaga yung unang misyon namin na may tunay na panganib at malaking tsansa ng labanan." Dagdag ni Beth

"Alam niyo..." Sabi ni Naem sabay tayo para harapin sina Beth at Karla bago tinuloy ang kanyang sinasabi...

"Kung maaring gawin ang isang misyon ng walang labanan mas mabuti 'yon. Kaya dapat mag-isip lagi ng paraan para maiwasan ang mga labanan."

"Pero para san pa't sinasanay tayong lumaban at gumamit ng kapangyarihan?" Tanong ni Karla

"Syempre ginagawa 'yon para matuto tayong ipagtanggol ang mga sarili at mga kasamahan natin. May mga pagkakataon din kasi talagang hindi maiiwasan ang labanan..." Sagot ni Naem

"Wow, dalawang taon lang ang tanda mo sa'min pero ang dami mo na talagang alam Naem!" Papuri ni Beth kay Naem

"Hindi naman. Sige nga Beth, i-detalye mo ulit ang misyon natin..." Utos ni Naem kay Beth

Kinuha ni Beth mula sa kanyang bag ang isang laptop, binuksan iyon at pinakita ang mapa ng kanilang pupuntahan...

"Ang target natin ay lumang minahan ng langis. Na-detect na may

kakaibang enerhiyang nanggagaling sa kailaliman nyan." Paliwanag ni Beth

"Isang minahan sa gitna ng disyerto..." Reaksyon ng nakiki-usisang si Karla

"Ang problema ay hindi magawang imbestigahan at trabahuin ng mga malalapit na bansa ang lugar na ito dahil bukod sa pasok ito sa kanilang border at hindi sila magkakasundo ay may mga balitang nagkukuta ang malaking grupo ng mga terorista dito."

Dagdag pang paliwanag ni Beth

"Isang secret operations ang gagawin natin." Hudyat ni Naem

At ang kasukdulan ng Misyon na iyon ay sariwa pa rin sa mga ala-ala ni Karla...

"Sa kailaliman ng lumang minahan ay natagpuan namin ang isang halimaw na gawa ng tao ngunit ang nagpapa-andar doon ay ag pinaghalong spiritual na enerhiya at teknolohiyang gumagamit ng langis.

At sa kalagitnaan ng labanan ay nagkaroon si Naem ng malalang pinsala... nagawang baliin ng kalaban ang kaliwang siko niya ngunit kasunod naman noon..."

...

..

.

Pinagitnaan ni Karla at Beth sa taas at baba ang kalaban at itinutok ang kanilang mga palad doon at sabay nilang itinira ang kanilang mga enerhiya...

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon