Nang gabing iyon ay nagtungo sina Miko at Mochi sa isang hotel para magpahinga at
magpalipas ng gabi. Pagpasok pa lang sa reception area ay nagulat agad ang receptionist sa
tanong na binitiwan ni Mochi...
"Masarap ba ang mga pagkain niyo dito?!"
"Ah... eh.. oo naman po." Sagot ng receptionist na nagulat
"Grr... ikaw! Pagkain na naman ang hinahanap mo! Dahil sa'yo wala tayong nagawa ngayong
araw kundi kumain sa halip na hanapin yung mga devourers!" Sigaw ni Miko kay Mochi
Malakas ang boses ni Miko kaya naman napatingin din sa kanila ang iba pang mga tao na
nandoon at nakaupo sa mga sofa na nasa harap lamang ng reception area at kasalukuyang
nanonood ng balita sa telebisyon
"Urgh... nakakahiya ka kuya Miko." Sa isip ni Mochi
Napansin naman ni Miko ang balita na pinapalabas...
"Samantala, itinigil naman na ng mga pulis ang paghahanap sa lalaki na kanina ay
pinaghinalaang sangkot sa karumal-dumal na pagpatay sa isang palengke matapos linawin
ng babaeng asawa ng biktima na siya ring saksi sa nangyari na hindi nya nakita ang
lalaking ito ng maganap ang krimen." Pahayag ng news anchor
Kasabay ng balita ay pinakita ang larawan ni Giel na nakunan habang sya ay nakatalikod...
"Waah! Si Giel yun ah!" Sigaw ni Miko
Muli na namang nabaling kina Miko ang atensyon ng mga taong nasa paligid na marinig ang
sinigaw niya. Nagkaroon din ng kaunting mga bulong-bulungan ang mga tao...
"Sira ulo ka talaga kuya Miko!" Sigaw ni Mochi sabay hampas sa batok ni Miko
"Aray..." Ani ni Miko
"Bakit kailangan mo pang banggitin ang pangalan ng taong patay na?!" Tanong ni Mochi
Sinabi lang ni Mochi ang bagay na yun para makaiwas na sa atensyon ng mga taong nasa
paligid ngunit sa kasamaang palad hindi ito naintindihan ni Miko...
"Teka! Bakit mo sinasabing patay na si Giel. Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyang bagay!"
Sigaw ni Miko
Bigla namang inapakan ni Mochi ng malakas ang daliri sa paa ni Miko...
"ARAY KO!!" Sigaw ni Miko
"Itinuring ko na syang patay mula ng saktan nya ang puso ko." sagot ni Mochi
Gaya ng nauna sinabi lang din ni Mochi yun para mailayo ang atensyon ng mga tao mula
sa balitang nasa telebisyon at sa pangalan ni Giel na binanggit ni Miko at sa pagkakataong
iyon ay nagbunga na ito dahil itinigil na nga ng mga tao ang pagpansin sa kanila...
"Sumakay ka na lang kuya Miko." Sa isip ni Mochi
Kani-kaninang hapon ay tinawagan ni Beth si Mochi para ibalita ang nangyari kay Giel
ngunit ng mga oras na yon ay magkahiwalay sila ni Miko dahil abala si Mochi sa paghahanap
ng meryenda kaya naman nakalimutan nya ang bagay na yon kaya nman di nya naibahagi kay
Miko...
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...