Chapter 92: Paghihiganti

13 4 2
                                    


Nakangiti at nakatingala sa bughaw na himpapawid si Master Nok habang naglalakad ngunit sa kanyang likuran ay maririnig ang sunod-sunod na malalalim na paghingal...

"M-master... break..." Daing ni Mochi

Agad naman lumingon si Master Nok para makita ang kanyang mga kasama na hapung-hapo na sa paglalakad...

"Oh, sandali pa lang tayo naglalakad." Sabi sa kanila ni Master Nok

"Sandali? Higit tatlong oras na mula nung bumaba kami sa bus." Sa isip ni Agape na humihingal din

"Kailangan siguro muna natin magpahinga sandali." Suhestyon ni Karla

"Hmmm... kayo ba?" Tanong ni Master Nok sabay tingin kina Miko, Giel, at Lean

"Magpahinga at kumain na rin siguro muna tayo." Kalmadong sagot ni Lean

"Paaaagkaiiinn! Gustooo ko nang kumaaain..." Sabay kalam ng sikmura ni Miko

Nangiti naman si Master Nok dahil sa nakita niya...

"Sa maikling panahon, malaki na ang iniunlad nilang tatlo." Sa isipan niya

"Ano master?" Tanong ni Beth

"Sige, magpahinga muna tayo sandali bago tayo pumasok sa kagubatan, pagkalampas sa masukal na gubat mararating na natin ang Depth Gloriosa."

- - - - -

Sa loob naman ng kagubatan ay isang anino ang nagmamasid kina Master Nok at sa iba pa...

"Dumating na ang oras ng paghihiganti ko sa inyo..."

- - - - -

Habang binabagtas ang kagubatan ay magkakasabay na naglalakad sa unahan ng grupo sina Master Nok, Lean, at Giel...

"May pag-uusapan tayo mamaya Giel..." Sabi ni Master Nok

"Tungkol saan?" Tanong ni Giel

"Pero bago yun Lean, samahan mo ako pagdating natin, may isang klase ng prutas na dito lang matatagpuan at gusto kong matikman niyo yun!" Masayang sabi ni Master Nok

"Ok." Sagot ni Lean

Sa likuran naman nila ay magkasabay sina Karla at Beth...

"Ayos lang ba talagang isinama natin siya?" Tanong ni Karla na ang tinutukoy ay si Agape

"Si Master Nok naman ang nagpasama sa kanya, isa pa mas mabuti nang nandito siya kaysa maiwan siya sa FAT." Paliwanag ni Beth

"Kung sa bagay..." Sagot ni Karla At nang makalabas sila sa kagabutan ay nagulat sila sa tanawing tumambad sa mga mata nila...

"Waaaaahhh!" Reaksyon ni Miko sabay takbo palapit kay Master Nok at dugtong ng "Anong klaseng lugar 'to Master?!"

"Ito ang Depth Gloriosa." Sagot ni Master Nok

"Isang masukal na gubat sa likod natin at isang napakalaking bangin sa harapan. Ang sabi mo field trip 'to?!" Sigaw ni Miko

Sa lakas ng reklamo ni Miko ay nagliparan palabas ng gubat ang maraming uwak...

Naglakad si Master Nok papalapit sa bangin at ng makailang hakbang na siya ay nagsimulang sumunod ang iba pa...

"Huyy... san kayo pupunta?" Tanong ni Miko

"Sumunod ka na lang..." Sabi ni Luisa sabay hila sa tainga ni Miko

"Aray... aray..." Reaksyon ni Miko

"May ganito palang lugar... nakakatakot." Bulong ni Russel kay Amabii habang naglalakad

"Kaya nga e..." Sagot naman ni Amabii

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon