Chapter 55: Pagkamulat

23 13 0
                                    


Tatlong araw mataos ang insidente sa mga devourers, bumangon si Giel na ngayon lamang ulit nagkaroon ng malay-tao. Nasa loob siya ngayon ng clinic ng FAT, tila naninibago ang kanyang mga mata sa liwanag na nagmumula sa sikat ng araw sa umaga. Sa kanyang pagtingin patungo sa direksyon kung nasaan ang bintana ay nakita niya sa isa pang higaan si Karla na natutulog... Doon niya naalala ang mga huling tagpo bago siya nawalan ng malay sa nakaraang misyon...


"Kainis... bakit ang hina ko. Bakit ako lang ang walangsilbi. Bakit parang g-gusto ko na lang mamatay..."


Ang mga salita pa ring ito ang paulit-ulit na naririnig niya sakanyang isipan. Nabasag lamang ito ng marinig niyang magsalita siKarla...


"Saraap matulog no?" Habang humihikab at nag-uunat


"Matagal ka rin bang nawalan ng malay?"Tanong ni Giel


"Eh? Haha nag-iinarte lang ako dito, ang sarap kayang magpahinga ehehe"Sagot ni Karla sabay senyas ng peace sign kay Giel


Biglang nagbukas ang pinto at pumasok sina Lean at Beth...


"Aba, aba, aba... gising ka pala pre!" Bati ni Lean kay Giel


Wala namang sagot si Giel...


"Ano karla? Baka naman nasosobrahan ka na sa pahinga dyan."Pang-aasar ni Beth


"Kayo naman, binibigyan ko lang kayo ng oras para mas magkakilalakayong dalawa." Sabi ni Karla na nagsimula ng bumangon sa pagkakahiga


"Hmph!" Reaksyon ni Beth sabay talikod


Nilapitan ni Karla si Giel at sinabihan...


"Magpahinga ka muna dito ng ilang araw, ipapadala na langnamin ang pagkain mo."


Pero wala pa ring sinagot si Giel sa narinig.


- - - - -


Sa kusina ay magkasama sina Janine, Amabii, at Mochi habang nanonood satelebisyon kung saan ibinabalita ang pagkatuklas sa lugar kung saan naganap ang kanilang laban sa mga devourers...


"Nakakapangilabot dahil natuklasan dito ang maraming pira-pirasong bahagi ng mga patay na tao, patunay na totoo nga ang alamat ng scissorman. Antabayanan ang mga karagdaang balita mamaya sa ating primetime news." Sabi ng reportes sa telebisyon.


Pinindot ni Janine ang remote upang patayin ang telebisyon...


"Sa lahat ng nangyari, ang tanging konklusyon nila ay ang kumpirmasyon ng alamat ng scissorman." Komento ni Janine


"Pero diba sabi ni kuya Lean ay kagagawan lamang ng isa sa mga nakalaban ninyo na may kakayahang kumontrol ang scissorman?" Tanong ni Amabii


The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon