Chapter 43: Spirit Cannon Ball!

25 14 2
                                    


Ang laban sa pagitan nila Miko at Leo ay umabot na sa kasukdulan!

"Hindi mo pwedeng ibato ang bola na yan sa ganitong kalapit na distansya dahil madadamay ka sa pagsabog!" Sigaw ni Leo sabay suntok sa mukha ni Miko

Kumonekta ang suntok at tumilapon palayo si Miko

"Yan ang limitasyon ninyong mga tao kaya kahit ano pang gawin ng Diyos para tulungan kayo sadyang mahihina pa rin kayo."

Sabi ni Leo habang unti-unting naglalakad palapit kay Miko. Nang makalapit sya kay Miko ay hinawakan nya ito sa leeg at iniangat...

"Hahaha! Nagpakabayani ka kanina kaya ngayon mag-isa kang mamamatay. Wag ka mag-alala pasusunurin ko rin agad sa iyo yung mga kasama mo." Sabi ni Leo

Ngunit ngumiti lamang si Miko at sinabi...

"Nagpapatawa ka ba?"

"Grr... Mayabang!" Sigaw ni Leo sabay hagis kay Miko palayo Bumagsak si Miko sa sahig ilang metro ang layo mula kay Leo at dahan dahan itong bumangon muli...

"Ipapakita ko sa'yo ngayon na kaya naming mga tao na lampasan ang aming limitasyon." Sabi ni Miko

"Hahahaha! 'Yan ba ang tinatawag nyong pag-asa at pananalig? kalokohan!" Sagot ni Leo

Nag-ipon ng maraming enerhiya si Miko sa kanyang mga palad at muling gumawa ng isang Spirit Ball.

"Ibabalik ko sa'yo ang sinabi mo kanina. Pauuwiin na kita sa impyerno at sisiguraduhin namin na susunod sa'yo ang mga kasama mo!" Sigaw ni Miko

Lumundag si Leo palapit kay Miko at tinangkang suntukin ito ngunit naiwasan ito ni Miko. Hindi tumigil si Leo sa pagsugod habang sinasabi...

"Hahaha! Ano?! Hindi mo magawang ibato yang bola ng enerhiyang nasa kamay mo?!"

Nananatili namang kalmado si Miko habang pilit na iniiwasan ang mga pag-atake ni Leo. Isang bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan...

"Kailangan ko ng tapusin ito para matulungan ko sila. Hintayin nyo ko!"

Biglang huminto si Miko at pinagbuti ang kanyang pagkakatapak sa sahig habang hawak-hawak pa rin ng dalawang kamay ang Spirit Ball...

"Hahaha! Sumusuko ka na ba?! Heto na, mamatay ka na!" Sigaw ni Leo na nag-ipon ng enerhiya sa kanyang mga kamao at sumugod kay Miko. Itinutok naman ni Miko sa direksyon ni Leo ang Spirit Ball na kanyang hawak-hawak...

"Kapag ginawa nya yan, pareho kaming mapipinsala ng pagsabog at siguradong hindi nya na iyon kakayanin." Sa isip ni Leo

Piniga ni Miko ang Spirit Ball at ibinuka ang kanyang mga kamay upang ang enerhiyang naipon ay sumabog!

"Spirit Cannon Ball!" Sigaw ni Miko

Laking gulat ni Leo dahil ang lahat ng enerhiyang naipon ay pumunta lamang patungo sa direksyon niya.

"I-imposible..."

Nilamon ng liwanag at pagsabog si Leo at tumalsik ito palayo. Bakas naman sa mukha ni Miko na nakakaramdam sya ng sakit sa kanyang mga palad at ng tignan nya ito ay bahagya ngang napinsala ang mga ito.

"Tsk... nagawa ko." Sa isip ni Miko

Dahan-dahang tumayo si Leo at kitang-kita sa kanya ang matinding pinsalang idinulot ng huling atakeng ginawa ni Miko. Kasabay ng malalalim na paghinga ay naisip ni Leo kung ano ang ginawa ni Miko

"Ahh... uh. Katulad ng sa isang kanyon. Ginamit nya ang kanyang mga kamay para idirekta ang buong pwersa ng Spirit Ball patungo sa iisang direksyon. Hindi ko inasahang pwede nyang gawin iyon dahil mula pa kanina ay paulit-ulit lamang ang pagbato na ginagawa nya. Siguradong napinsala ang kanyang mga kamay at wala na syang natitirang lakas... ha anong?"

Nagulat si Leo dahil nakita nyang nagliwanag at nakapaglabas ulit si Miko ng spiritual na enerhiya. Isinara ni Miko angkanyang mga kamao at tsaka mabilis na sinugod si Leo...

"Tikman mo 'to!" Sigaw ni Miko

Sunod sunod na suntok ang ibinigay ni Miko kay Leo na noon ay hindi na magawa pang lumaban at iisang bagay lang ang tumatakbo sa isipan...

"Imposible."

Matapos ang ilang suntok ay sinipa ng malakas ni Miko si Leo sa baba na naging sanhi para tumalsik ito at humandusay sa sahig. Pagkatapos nun ay naubos na ang enerhiyang bumabalot kay Miko at nangibabaw sa paligid ang tunog ng mgamalalalim nyang paghinga.

"salamat" sa isip ni Miko

- - - - -

Tumigil si Lean at tumingin-tingin sa paligid habang iniisip kung saan napunta si Giel...

"Umiba ba sya ng daan ng hindi nagsasabi? Siguradong hindi. Malamang ay nagsimula ng kumilos ang mga kalaban. kainis, hindi ko man lang naramdaman."

Bigla namang bumukas ang isang pader at napansin ni Lean na may kwarto sa loob nito. Maingat syang humakbang para pasukin ang kwarto at nang bigla syang makaramdam ng pagkilos mula sa kanyang kanan ay agad nyang inilabas ang kanyang espada at itinarak sa direksyon na iyon.

Labis ang gulat nya nang malaman na isang salamin pala ang nasa gilid nya. Nabasag nya ito at dahil na din sa liwanag na nagmumula sa kanyang espada ay napansin nya na ang buong kwarto na iyon ay napupuno pala ng mga salamin. Nagpatuloy sya sa paglakad at mas lalo nyang tinalasan ang pakiramdam. Doon nya narinig na bukod sa kanya ay may iba pang mga nasa kwarto dahil nakakarinig sya ng mahihinang mga yapak. Huminto sya sandali at tinignan ang mga salamin na kung saan nandun ang mga imahe nya mula sa iba't ibang anggulo. Biglang namang nabasag ang salamin na nasa kanyang kaliwa at mula doon ay lumundag ang isang imahe ng tao na may malaki at matalim na sandata ang sumugod sa kanya.

Nangibabaw ang tunog ng mga sandata nilang nagpang-abot at doon naging malinaw sa mga mata ni Lean ang itsura ng kanyang kalaban at ng sandata nito.

- - - - -

Tinitignan ni Miko ang nakahandusay at walang malay na si Leo...

"Gaano karaming tao ang biniktima nyo para makamit nyo ang ganyang katawan?" Sa isip ni Miko na nangigigil at nakasara ang mga kamao

Tumingin sya sa kastilyo kung nasaan ngayon ang kanyang mga kasama at nagsimula ng maglakad patungo roon ngunit biglang hinawakan ni Leo ang kanyang mga paa...

"Hindi ko matatanggap na kaya ng mga taong maging malakas at higitan ang inyong mga limitasyon." Sabi ni Leo

Hindi naman na lumingon pa si Miko para tignan si Leo kahit na nakahawak ito sa kanyang mga paa...

"Kung hindi nyo kayang tanggapin yon, bakit kumakain kayo ng mga tao para lamang magkaroon ng pisikal na katawang katulad ng sa amin? Bakit kayo pumapasok sa mga tao para lang mahiram at magamit ang aming mga katawan?!" Tanong ni Miko

"Dahil masaya bwahaha... huh?" Sagot ni Leo na biglang natigilan sa pagtawa ng lingunin sya ni Miko at makita na seryoso ang mukha nito

"Dahil alam nyo na noon pa na nilikha kami ng Diyos na malakas at labis nyong kina-iinis yon." Sabi ni Miko

Ngiti na lamang ang naisagot ni Leo bago sya nawalan ng malay. Nawala na ang pagkakakapit nya sa paa ni Miko. Nagpatuloy na si Miko sapaglakad ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay nakaramdam sya ng matinding pagkahapo kaya naman napa-upo sya bigla sa sahig at patuloy sa paghinga ng malalim...

"Halos wala na kong lakas at masakit din ang buong katawan ko. Totoong panandalian akong lumalakas dahil sa Spirit Burst pero dahil pinapabilis nito ang daloy ng enerhiya ay mabilis din akong nanghihina. Mag-iingat kayo." Sa isip ni Miko habang nakatingin sa kastilyo

Nagtagumpay nga sya at natalo nya ang unang devourer na si Leo, ngunit dito pa lang magsisimula ang laban ng kanyang mga kasama.


[Itutuloy...]

The MinistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon