PAGKAPASOK ni Rachel Leigh sa loob ng apartment niya sa Santolan ay agad siyang tumuloy sa kusina para magtimpla ng kape.
Dahil sa sarili niyang pagsisikap ay nagawa niyang bilhin ang apartment na ito. Masaya na siya sa bagay na iyon. Dalawang taon lang sa kolehiyo ang tinapos niya dahil wala rin naman siyang pampa-aral sa sarili. Kahit nais ni Anthony na ipagpatuloy niya ang pag-aaral ay tinanggihan niya na. Mas pinili niyang tumugtog na lang at maging isang vocalist sa rock band na kinabibilangan niya sa G Club sa Quezon City. Tumutugtog din sila sa ibang mga events pero nagagawa lang niyang makasama ang mga kabanda tuwing may performance sila. As much as possible, ayaw niyang makihalubilo sa mga tao ng matagal. Ayaw niyang intindihin ang mga ito.
Pagkatapos magtimpla ng kape ay tumuloy siya sa sala at naupo sa sofa. Inabot niya sa mesa ang folder na ibinigay sa kanya ni Anthony at binuksan iyon.
The first page was all about the society of those men. Binasa niya iyon sa pinakamabilis na paraan. It was a society for men who earn millions of dollars every year, men who never take relationships with women seriously.
Tumango-tango siya. Tama siya. Society nga ito ng mga lalaking nangwawasak ng puso ng mga babae. Men who brought pains and heartbreaks in women’s hearts but never had it themselves.
Bumuntong-hininga siya at nagpatuloy. ‘Breakers’ ang tawag sa mga miyembro doon. Sa ngayon ay may sampung miyembro ang society na iyon. Sa Society Hotel sa Makati nagkikita-kita ang mga ito para mag-usap ng tungkol sa mga negosyo and to have fun. Doon din ng mga ito dinadala ang mga babae ng mga ito. She shook her head in disgust. Isa-isa niyang binuklat ang mga pahina para basahin ang mga profiles ng mga miyembro doon.
The first one was Jeremy Fabella, isang Haciendero na pagma-may-ari ang ‘Hacienda Fabella’ sa Cebu. Tinitigan niya ang mukha ng lalaki. There was something in him that seemed familiar. Ipinikit niya ang mga mata at ipinilig ang ulo.
Inilipat niya ang pahina at binasa ang mga impormasyon patungkol kina Rafael Choi at sa kakambal nitong si Raffy Choi. They really looked the same maliban na nga lang sa ayos ng mga buhok ng mga ito. Kasunod niyon ang kina Matthew Azcarraga, Michael de Angelo at Justin Aguirre.
Natigilan siya nang makita ang itsura ni Justin doon. Hindi niya alam na kasama pala ito sa mga breakers na iyon. Matagal niya ng kilala si Justin dahil kaklase niya ito noong high school siya. Mabait ito kahit na palaging seryoso. Napabuntong-hininga siya. Matagal na rin nang huli silang magkita.
Sunod niyang nakita ang mga impormasyon patungkol sa dalawa pang Fabella na sina Daniel at Vincent Fabella. Magpinsan ang mga ito. Kapatid ni Daniel si Jeremy. Kumunot ang noo niya habang kino-kompara ang dalawang iyon. They both looked good pero parang may hindi tama. Bakit parang walang pagkakahawig ang magkapatid na iyon?
Naiinis siyang napabuntong-hininga. Bakit ba siya nakikialam sa mga ito? Hindi niya alam. Hindi niya alam kung bakit kanina pang parang may napapansin siyang kakaiba sa Jeremy na iyon.
Mabilis niyang inilipat ang papel sa kabilang pahina. Bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng lawyer na si Thaddeus Arzadon. Nasa itsura nito ang pagiging mabait at pala-kaibigang tao, parang hindi ito gagawa ng masama. Sa pagkakabasa niya ay nalaman niyang ito ang pinagkakatiwalaang abogado ni Christopher Samaniego. Malamang ay pasusubaybayan din ni Anthony ang isang ito.
Humigop muna siya ng kape bago muling binuklat ang sunod na pahina. Muntik na siyang mapaso ng iniinom na kape nang makita ang larawan ng Christopher Samaniego na iyon. Ipinatong niya sa mesa ang tasa.
Muli niyang tinitigan ang kuhang larawan ng lalaki. Damn, the man was more than gorgeous to be described. Hindi niya alam na ganito pala ang itsura ng lalaking kinamumuhian ni Anthony.
Hindi siya sanay humanga sa isang lalaki kaya nailang pa siya nang maramdaman ang pamumula ng sariling mukha sa pagtitig sa larawan nito. Ano bang problema niya? Guwapo rin naman ang mga naunang lalaking nakalagay sa folder na ito, ha? Bakit umaakto siya ng ganito sa harapan ng larawan nito?
Marahas niyang ini-iling ang ulo. Inilipat niya ang pansin sa mga impormasyon tungkol dito. Kung napahanga na siya sa itsura nito ay mas lalo siyang napahanga sa nabasang pag-aari at achievements nito.
He was a suma-cum-laude in Harvard University. Aside from owning the MicroGet Company – a company of gadgets with branches all over the world – he also owned lots of businesses. Napakarami rin nitong pag-aaring mga lupa sa iba’t ibang lugar. Dito rin ang Society Hotel ng mga ito.
Gusto niyang malula sa lahat ng pag-aari ng lalaking ito. How could he afford all these things at such a young age? He was only turning thirty this year! Samantalang siya ay isang ganito kaliit na apartment pa lang ang naipupundar, tatlong taon lang naman ang pagitan nila.
Muli niyang ibinalik ang paningin sa larawan nito. He was very handsome – very was not even enough. He had this natural black hair that was cut clean and decent. He had a pointed nose and very kissable lips. Those deep dark brown eyes scorched inside her kahit na larawan lang naman ito. He had the most wonderful eyes she had ever seen. Ano pa kayang mararamdaman niya kapag nakaharap niya ito?
Ngayon lang siya humanga sa itsura ng isang lalaki dahil matagal niya nang sinanay ang sarili na huwag pansinin ang sinomang lumalapit sa kanya. Kaya hindi niya magawang maintindihan ang pinukaw na interes ng larawan ng lalaking ito sa kanya. Gusto niyang alisin iyon at balewalain subalit hindi niya magawa.
Naiinis niyang isinara ang hawak na folder at inubos ang natitirang kape sa tasa. Pagkatapos ay tumayo na siya at pumasok sa loob ng kuwarto para magpalit ng damit.
She wore black pants and white shirt, pinatungan niya na lang iyon ng black jacket. Tumapat siya sa salamin para tingnan ang sarili. Inayos niya ang buhok na umaabot lang sa leeg niya. There were red highlights on both side na matagal niya nang pinalagay doon.
Tinitigan niya ang sarili sa salamin. There was nothing new; her eyes were still cold like it used to be. Humugot siya ng malalim na hininga at inabot ang case ng gitara na nasa kama.
Kailangan niya nang umalis para makaabot siya sa performance nila mamayang alas-sais sa bagong bar na tutugtugan nila. Ang Niel’s Bar sa Quezon City – pag-aari ng isa sa mga breakers na si Daniel Fabella.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...