Chapter 15.1

2.8K 57 2
                                    

HINDI magawang patigilin ni Rachel Leigh ang malakas na kabog ng puso niya habang sinasambit ni Christopher ang marriage bows nito sa harap niya. Nasa loob sila ng huwes ng mga oras na iyon para sa civil wedding nila.
“Till death do us part,” pagtatapos nito at isinuot ang singsing sa palasingsingan niya.
Nang siya na ang nagsasalita ay hindi niya maiwasang mautal dahil sa pagkakatitig nito sa kanya. Direkta niyang tiningnan ang mga mata nito habang isinusuot dito ang singsing. “Till death do us part,” she ended and sighed.
Hindi niya magawang putulin ang pagtitig dito. He was so handsome in that gray suit he was wearing. Kanina niya pa hindi mapigilang sulyapan ito simula nang pumasok sila sa loob ng huwes na ito. Nakasuot lang siya ng simpleng white dress na ito mismo ang nagpadala sa kanya noong isang gabi.
“I now pronounce you husband and wife,” narinig niyang wika ng lalaking nagkakasal sa kanila. “You may now kiss the bride.”
Her heart went wild in her chest nang makita ang pagbaba ng tingin ni Christopher sa mga labi niya. She could feel butterflies conquering her stomach and nervousness running through her veins from his stare. Itinaas nito ang dalawang kamay at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. Dahan-dahan nitong ibinaba ang ulo para halikan siya.
Ipinikit niya ang mga mata at naramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya. The kiss was very different. It was gentle but it sent intense wave of electricity in her whole being – making her feel warm, happy and safe. Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman ang mga bagay na iyon.
Inilapit niya ang sarili dito at dinama ang init na nagmumula sa katawan nito. Gusto niyang mag-protesta nang bahagya nitong inilayo ang mukha sa kanya. Iminulat niya ang mga mata at sinalubong ang mga mata nito.
His dark brown eyes softened. Ngumiti ito – isang ngiti na naging dahilan ng pagkawala sa matinong daloy ng isipan niya. Ang lalaking ito na nasa harapan niya ngayon ay asawa niya na. Pag-aari niya na ito at pag-aari na siya nito. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa bagay na iyon pero pilit niya pa ring itinatanggi iyon sa sarili.
Napatingin siya kay Thaddeus Arzadon na tumayong witness at abogado nila nang marinig ang malakas na pagpalakpak nito.
“Whoa! Congratulations, pare,” lumapit ito kay Christopher at kinamayan ito. Ganoon din naman ang ginawa nito sa kanya. “Hindi pa rin ako makapaniwalang kasal ka na,” sabi pa nito kay Christopher.
Napayuko na lang siya. Inabot ni Christopher ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit.
“Salamat sa pagpunta dito, pare,” wika ni Christopher kay Thaddeus.
“Ano ka ba naman, pare? Palalampasin ko ba ang okasyong ganito? Though, hindi ko pa rin alam ang dahilan mo sa pagpapakasal na ito, masaya pa rin ako para sa inyong dalawa,” ani Thaddeus. “Siguradong pagkakaguluhan ng mga breakers ang balitang ito,” tumawa pa ito.
Napailing na lang si Christopher. Hindi niya naman magawang makapag-salita. Ano na ang sunod na mangyayari ngayon?
“Siguradong wala na kayong reception niyan,” dugtong pa ni Thaddeus. “Honeymoon na ba agad?”
Bigla siyang napatingin dito, nasa mukha ang matinding pagkagulat. Honeymoon?! Hindi maaari! Iyon na ba ang sunod nilang gagawin? Pero—
Naramdaman niya ang pagpisil ni Christopher sa kamay niya. Napansin siguro nito ang pagkagulat at kabang nararamdaman niya. Pagtingin niya dito ay nakita niya ang pag-ngiti nito. His smile assured her that there was no such thing as ‘honeymoon’ for them. Siyempre, nasa usapan nila na hanggang papel lang ang pag-aasawa nila. Bahagya naman siyang nakahinga ng maluwag.
Ilang sandali pang nag-usap ang asawa niya at si Thaddeus habang siya ay nakikinig lang. Pero wala naman talaga siyang naiintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito. Masyado pa ring puno ang utak niya ng mga bagay na posibleng mangyari sa buhay niya ngayon bilang asawa ng Christopher Samaniego Jr. na ito.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon