Chapter 40.2

4.1K 57 5
                                    

BIGLANG napatayo si Rachel Leigh sa pagkakaupo sa silyang malapit sa hospital bed na kinalalagakan ng asawa nang marinig ang mahinang pag-ungol nito. Ilang araw rin itong hindi nagkakamalay pero dahil stabilize naman ang vitals nito ayon kay Matthew ay naging panatag naman ang kalooban niya.
Sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi niya nang makita ang unti-unting pagmulat ng mga mata nito. “Christopher,” tawag niya sa pangalan nito.
Muli itong napaungol at pilit na ngumiti nang makita siya. “Baby,” mahinang wika nito. Iginala nito ang paningin sa paligid. “Anong nangyari? S-Si Anthony?”
“Nakakulong na siya, Christopher,” pagbabalita niya dito. Isinalaysay niya dito sa pinakamabilis na paraan ang lahat ng pangyayari sa pagitan nila ni Anthony. “Sumuko rin siya ng kanya. Pinabayaan niya na tayo,” masayang pagtatapos niya.
Marahang tumango si Christopher. “Thank God for that,” itinaas nito ang isang kamay at inabot ang kamay niya. “Hindi ka ba nasaktan? Ang baby natin?”
Umiling siya at hinaplos ng kabilang kamay ang pisngi nito. “Ligtas na tayong lahat,” bumalik siya sa pagkakaupo sa upuan at pinagmasdan ang mukha ng asawa. “Masaya ako dahil malaya na talaga ako. Malaya na kitang mamahalin. Malaya na tayong magkakaroon ng sariling pamilya.”
Tinitigan lang siya nito nang mahabang sandali. “Napakasaya ko rin, Rachel Leigh. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng magiging anak ko.”
Lumapit siya dito at ginawaran ng mabining halik ang bahagyang nakaawang na mga labi nito. “Mahal na mahal din kita, Christopher,” bumuntong-hininga siya at ikinulong ang isang kamay nito sa mga palad niya. “Siyanga pala, gusto kong itanong kung paano mo nalaman kung nasaan ako noong makipagkita ako kay Anthony. Gising ka ba noong tinawagan niya ako?” nagtatakang tanong niya.
“Oo,” sagot nito. “Pero hindi ko narinig ang lahat dahil pumasok ka na sa loob ng banyo. Nalaman namin nina Nathan kung saan ka pumunta dahil matagal ko nang pinalagyan ng tracker ang motor mo noon sa kanya. I’m sorry, baby, kung hindi ko sinabi sa’yo ‘yon.”
Hinaplos niya ang buhok nito. “It’s okay, I’m glad you did it,” ngumiti siya. “Pasensiya ka na kung nagpasya na naman akong sarilinin ang bagay na iyon, ha?” Simula ngayon ay ipinapangako niyang sasabihin niya na dito ang lahat ng desisyon niya.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon