AWTOMATIKONG napatigil si Rachel Leigh sa paghakbang nang makita niya ang pagtatawanan nina Christopher at ng sekretarya nitong si Liezl. Hindi niya nagawang pigilan ang paglukob ng inis sa puso niya. Naisipan niyang bumisita sa sa opisina ng asawa nang araw na iyon dahil wala siyang mapuntahan.
Tumalikod na siya dahil hindi na niya magagawang magtagal na makita ang mga ito. Ganito ba palagi ang ginagawa ng mga ito sa trabaho? Hindi ba may asawa na ang Liezl na iyon? Si Matthew Azcarraga?
“Rachel Leigh,” narinig niyang tawag sa kanya ni Christopher.
Napalingon siya dito at nakita ang pag-ngiti nito. Kumaway naman sa kanya si Liezl. Hindi niya na pinansin ang mga ito at nagpatuloy na sa pag-alis. Nagulat pa siya nang maramdaman ang kamay na humigit sa braso niya.
Napangiwi siya sa naramdamang sakit at binawi ang brasong hawak ni Christopher. Pagtingin niya sa mukha ng asawa ay nakita niya ang pag-aalalang nasa mukha nito.
“Anong nangyari dito?” muli nitong hinawakan ang braso niya. Nakatingin na ito sa galos na naroroon.
Muli niyang binawi ang braso dito. “W-Wala ito,” nauutal na wika niya. “A-Aalis na ako, mukhang may pinag-uusapan pa kayo ng sekretarya mo,” hindi niya napigilan ang pagka-sarkastiko ng tono niya.
Kumunot ang noo nito pero hindi na nagsalita at hinawakan ang kamay niya. Hinila siya nito papasok sa loob ng opisina nito.
Pagkasara ng pinto ay muli siya nitong hinarap. “Anong nangyari sa braso mo, Rachel Leigh?” muling tanong nito, may awtorisasyon na ang tono.
Napayuko siya. “W-Wala,” pagsisinungaling niya.
“Wala?” ulit nito at muling hinawakan ang braso niya. “Your arm is black and blue tapos walang nangyari sa’yo?”
Wala na siyang nagawa kundi ang sabihin dito ang totoo. “N-Naaksidente lang ako kanina, nawalan ng balanse ang motor ko kaya nahulog ako doon. Simpleng aksidente lang naman iyon.”
“Simple?” napapikit ito, halatang kinakalma ang sarili. “Wala na bang ibang masakit sa’yo? Nagpunta ka ba sa ospital?” sunod-sunod na tanong nito at nagmulat.
“H-Hindi na kailangan, maliit na galos lang naman ito, Christopher,” ngumiti siya para bawasan ang pag-aalala nito. “Ayos na ako.”
Bumuntong-hininga ito. “Be sure to be careful, Rachel Leigh,” parang hinang-hinang wika nito.
Tumango siya at nagpasalamat dito. Ilang sandali lang ay naisipan niyang magtanong. “A-Anong pinag-uusapan niyo kanina ni… ni Liezl?”
“Ah, pinag-uusapan namin ang plano nilang pangalan sa magiging baby nila ni Matthew,” ngumiti ito. “Bakit ka nga pala nagpunta dito?”
“W-Wala kasi akong mapuntahan,” dahilan niya. Ang totoo ay hindi niya naman talaga alam kung bakit nga ba siya nagpunta dito.
Lumapit ito sa kanya. “Akala ko na-miss mo ako,” tudyo pa nito.
Pinamulahan siya ng mukha. “B-Bakit naman kita—” napatigil siya nang makita ang pagtitig nito sa kanya. Naalarma siya nang nagpatuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya. Gustuhin man niyang umatras ay ayaw namang sumunod ng katawan niya.
Awtomatikong pumikit ang mga mata niya nang bumaba ang mukha nito para halikan siya. Yes, she missed him. Iyon nga siguro ang dahilan kaya nagpunta siya dito. Gusto niya itong makita at makasama. Baliw na nga talaga siguro siya.
Hinapit siya nito sa baywang kasabay ng paglalim ng paghalik nito. Buong-puso niya itong tinugon at iniyakap ang mga kamay sa katawan nito. Oh, his lips tasted so good. Hindi siya magsasawang tikman iyon.
“Rachel Leigh,” he murmured on her mouth, magaspang ang boses nito. “Sweet.”
Napaungol siya at inilipat ang mga kamay sa leeg nito, nangunyapit siya doon. His one hand moved down and cupped her bottom. Napasinghap siya sa ginawa nito. She shivered at the amazing heat conquering her.
Naputol ang paghahalikan nila nang marinig ang boses ni Liezl. “Christopher—” napasinghap ito sa nadatnang tagpo. “I’m sorry.”
Pagtingin nila dito ay nakatalikod na ito at nagmamadaling isinara ang pinto ng opisina. Mabilis siyang napalayo kay Christopher at inayos ang bahagyang nagusot na damit. Ramdam na ramdam niya pa rin ang pag-iinit ng mukha sa nangyari. Bakit ba hindi na siya makatanggi dito? Bakit nagpapadala na lang siya ng ganoon kabilis sa mga halik nito?
“K-Kailangan ko ng umalis,” nauutal na wika niya, hindi magawang tumingin ng diretso sa mga mata nito. “A-Ayoko ng makaabala sa trabaho mo,” pagkasabi noon ay dali-dali na siyang lumabas ng opisina at hindi na pinansin ang pagtawag nito.
Paglabas niya ay nasalubong niya pa si Liezl na nakangiti habang nakatingin sa kanya. Iniyuko niya na lang ang ulo at nagpatuloy na sa pag-alis.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...