INIHAKBANG ni Rachel Leigh ang mga paa papasok sa isang lumang gusali kung saan makikipagtagpo sina Anthony sa kanya. Tanda niya pa ang lugar na ito. Ito rin ang lugar kung saan dinala nina Anthony si Christopher noon at kung saan nito sinira ang relasyon nila.
Madilim na ang buong paligid. Iginala niya ang paningin sa buong lugar at nakita ang ilang mga tauhan na naroroon at may hawak na mga armas. Hindi niya gaanong kilala ang mga ito. Napatigil siya sa paghakbang nang makita niya ang paglakad ni Drake palapit sa kanya. May hawak din itong isang baril.
Huminto ito sa tapat niya at ngumisi na parang isang demonyo. “Mabuti naman at nakarating ka, Rachel Leigh.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Nasaan si Anthony? Paharapin mo na siya sa akin.”
Tumawa ito at inikutan siya. “Si Anthony? Naniwala ka talagang alam ni Anthony ang tungkol sa pagpunta mo dito? Walang kuwenta na rin ang lalaking iyon simula nang malaman ang pagta-traydor mo sa kanya. Wala na siyang ginawa kundi ang magkulong sa bahay niyang iyon. Wala na akong nahihita sa kanya.”
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Hindi si Anthony ang nagpatawag sa kanya? Puno ng galit ang mga mata niya nang tingnan ito. “Hayop ka,” mahinang mura niya.
“Mas malala pa ako diyan, Rachel,” humalakhak ito at tiningnan ang mga tauhang naroroon. Pagkatapos ay tinanguan nito ang mga ito. “Magbantay kayo sa labas,” utos nito.
Napuno ng kakaibang takot ang buong pagkatao niya nang makita ang pag-alis ng mga tauhang iyon at nang muli siyang harapin ni Drake. Napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya. Anong balak nitong gawin?
Malagkit nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “Matagal na kitang gustong makuha, Rachel Leigh,” magaspang na wika nito. “Nagdadalawang-isip lang ako dahil kay Anthony. Ngayon gagawin ko na ang lahat ng gusto ko sa’yo. Pagsasawaan kita dito,” mala-demonyo ang naging pagtawa nito.
Akmang tatakbo siya palabas pero mabilis na nitong nahagip ang braso niya at pinadapuan ng malakas na sampal ang mukha niya. Napabagsak siya sa sahig, umiikot ang paningin. No… Kailangan niyang tumakbo. No!
Nakita niya nang bumaba ito sa kanya at inilapag sa sahig ang hawak na baril. He harshly pinned her on the floor while his lips started kissing her neck. Nakaramdam siya ng pandidiri sa ginagawa nito.
Malakas siyang nagpumiglas sa ilalim nito. “No! Huwag! Tulungan niyo ako!” histerikal na sigaw niya. Muling nanumbalik sa alaala niya ang nakaraan niya. Ang isang demonyong kumukubabaw sa kanya at sinasaktan siya. Napasigaw na siya at malakas na napaiyak. “No! No! Tulungan niyo ako!”
“Huwag ka ng magpumiglas!” malakas na sigaw nito at muling dinampian ng malakas na sampal ang pisngi niya.
Pinilit niyang bawiin ang lakas at kinalmot ang mukha nito. Malakas itong napamura at hinawakan ang kaliwang kamay niya. He pinned it on the floor habang ang isang kamay nito ay may dinudukot na kung ano sa likod na bulsa ng pantalon nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang pocket knife na hawak nito.
Sinulyapan nito ang kaliwang kamay niya. “Naging napakahusay ng kamay na iyan sa paghawak ng baril,” marahas na wika nito. “Sobra-sobra mo akong napapahanga sa mga kakayanan mo, Rachel Leigh. Huwag ka ng magpumiglas dahil alam ko namang magugustuhan mo rin ang gagawin natin. Ibinigay mo nga ang sarili mo sa Christopher na iyon, hindi ba?!”
Itinaas nito ang pocket knife na hawak at isinaksak iyon sa kaliwang palad niya. Napahiyaw siya sa sobrang sakit na nararamdaman, patuloy lang sa pagdaloy ang mga luha sa mukha niya. She gritted her teeth. Hinang-hina na siya. Gusto niyang sumigaw pero alam niyang wala nang makakarinig sa kanya. Wala nang makakatulong sa kanya.
Ipinikit niya ang mga mata. Christopher… Christopher… tulungan mo ako. Christopher… Hindi maaaring maangkin siya ng demonyong itong nasa ibabaw niya. Si Christopher lang ang may karapatang angkinin siya, wala ng iba. God, help me. Save me, please.
Hinakot niya ang lahat ng natitirang lakas at malakas na tinuhod ang pagitan ng binti nito. Napahiyaw sa sakit si Drake at namaluktot sa tabi niya. Mabilis siyang kumilos at hinawakan ang pocket knife na nakabaon pa rin sa kaliwang palad niya. Hindi na siya nag-isip at malakas na binunot iyon. Napasigaw siya sa matinding sakit pero hindi niya na ininda iyon kahit na patuloy lang ang pag-agos ng dugo mula sa doon.
“Walang hiya ka!” narinig niyang sigaw ni Drake, nakabaluktot pa rin ito pero puno na ng galit ang mga mata.
Pinilit niyang gumapang at inabot ang baril na nasa sahig. She kept on crawling until she found a place to hide for a while. Narinig niya ang pagtawag ni Drake sa mga tauhan nito. Kailangan niyang mag-ipon ng lakas kahit sandali. Kailangan niyang lumaban… para kay Christopher. Hindi niya hahayaang si Christopher ang balingan ng mga ito.
Tinitigan niya ang kaliwang kamay na patuloy pa rin sa pagdugo. She felt dizzy and nauseous. Unti-unti na ring sumasakit ang ulo niya. Maya-maya ay nakarinig siya ng sirena ng mga police cars pagkatapos ay ang sunod-sunod na putukan ng mga baril. Pinilit niyang itago ang sarili. Hindi niya na maintindihan ang mga nangyayari.
She could feel her body getting weaker and weaker. And then she saw darkness, emptiness.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)