Chapter 5.2

2.9K 63 4
                                    

NAPATIGIL si Rachel Leigh sa paglalagay ng gitara sa case nito nang marinig ang pagtunog ng cell phone niyang nasa ibabaw ng kama.
Kinuha niya iyon at napakunot ang noo nang makitang hindi naka-rehistro ang numero. Nag-aalangan niya pang sinagot iyon. “Hello?”
“Guess who?” ani tinig ng isang babae sa kabilang linya.
Napatigil siya ng ilang sandali. Kilala niya ang boses na iyon. “Stacey?”
“How are you, Rachel?” masiglang bati nito sa kanya.
“Nandito ka sa Pilipinas?” ganting-tanong niya dito.
“Yes!”
Si Stacey Stewart ay isa rin sa mga itinuturing niyang kaibigan. Isa itong sikat na fashion designer sa Hollywood kaya sa New York City na ito lumalagi. Matagal na rin simula nang huli silang magkita dahil bihira lang naman itong bumisita dito sa Pilipinas.
Hindi niya na maalala kung paano sila naging magkaibigan. Ang tanda niya lang ay nakilala niya ito sa isang event na tinutugtugan niya limang taon na ang nakararaan. Mabait naman ito at masayang kasama.
“Kailan ka pa dito?” tanong niya habang itinutuloy ang pag-aayos ng gitara sa case nito.
“Kararating ko lang, narito ako para magbakasyon. Isn’t it good? Magkakaroon na ako ng time na maka-bonding ka.”
“Oh,” maikling sagot niya. Tumayo siya at isinakbit sa likod ang case ng gitara pagkatapos ay lumapit siya sa salamin para ayusin ang sariling buhok.
“Kita tayo,” sabi pa nito.
Napatigil siya sa pag-aayos. “Ngayon?” tanong niya.
“Oo, let’s have dinner. May ipapakilala rin ako sa’yo. Sige na, hmm?” pangungulit nito. “Mga six o’clock this evening.”
“Okay,” sagot niya. “Kaya lang baka ma-late ako. May performance pa ako mamayang five sa G Club.” Papunta na nga siya doon ngayon, pagkatapos ay sa Niel’s Bar naman.
“It’s okay. I’ll text you the meeting place,” may pagkasabik na sa tono nito.
Napailing na lang siya.
“Gotta go, may pupuntahan muna ako. Basta promise me na pupunta ka, ha? I miss you so much.”
“Okay, sige na. May gagawin pa rin ako,” sagot niya at tinapos na ang tawag.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon