NAPATIGIL si Rachel Leigh sa paghakbang nang makita niya kung sino ang kausap ni Elij sa sala ng apartment nito isang araw. Napabaling si Liezl sa kanya at napangiti. Matagal-tagal na rin simula nang huli niya itong makita noong ihatid siya nito at ng asawa nitong si Matthew dito sa Pangasinan.
“Rachel Leigh,” bati nito sa kanya.
Lumapit siya patungo sa mga ito at naupo sa sofa na naroroon. “Napadalaw ka, Liezl?” tanong niya dito.
Tinitigan siya nito at sumulyap kay Elij. “Tama nga ang sinabi ni Elij. Your eyes were filled with emptiness now, parang hindi ka na rin nabubuhay,” malungkot itong napabuntong-hininga. “It’s been more than eight months, Rachel Leigh. Gustong malaman ni Matthew kung ayos ka na pero sa nakikita ko ay mukhang wala pa ring nagbabago.”
Iniyuko niya ang ulo nang maramdaman ang pangingilid ng mga luha. Hindi niya na ito sinagot dahil napakasakit na ng nararamdaman niya. Ano pa bang aasahan ng mga ito? Nag-iba na ang buhay niya nang mawala sa kanya ang nag-iisang taong minahal niya ng lubos.
“Nagpunta ako dito dahil gusto sana kitang tulungan,” dugtong ni Liezl makalipas ang ilang sandali.
Pinilit niya ang sariling muling tumingin dito. Tulungan saan? May makakatulong pa ba sa sitwasyon niya ngayon?
Nagpatuloy si Liezl. “Nasabi sa akin ni Matthew na nakabalik na daw si… si Christopher galing sa London noong isang linggo. Hindi pa nga lang siya pumupunta sa opisina.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso sa narinig. Nakabalik na si Christopher? Nandito na ulit ito sa bansa? May sumilay na pag-asa sa puso niya pero agad din niya iyong inalis. Ano ngayon kung nakabalik na ito? Hindi niya na rin naman ito makikita.
“Malapit na rin ang kaarawan niya, hindi ba?” tanong pa ni Liezl.
Parang may bumarang tinik sa lalamunan niya sa alaalang iyon. Gusto niya nang tumakbo sa sariling kuwarto at magkulong doon. Gusto niyang ibuhos doon ang lahat ng hapding nararamdaman.
Narinig niya ang pagtikhim ni Liezl. “Kakausapin ko siya, Rachel Leigh,” anito. “Kakausapin ko siya kung puwede ka niyang kausapin kahit sandali lang.”
Bigla siyang napaangat ng tingin dito, hindi makapaniwala. Tumulo na ang mga luha sa mukha niya. “K-Ka-Kakausapin mo siya?” hindi niya naitago ang pagkasabik sa tono niya.
Tumango si Liezl at inabot ang isang kamay niya. “Gagawin ko ang lahat para mapapayag siya, Rachel. At kapag nangyari iyon, gawin mo na ang lahat para maipaliwanag sa kanya ang lahat. Siguro naman ay pakikinggan ka na niya ngayon, mahabang panahon na ang nakalipas.”
Sunod-sunod siyang napatango na parang isang masunuring bata. Hope blossomed in her heart at the thought of seeing him again. Hanggang sa matapos ang usapan nila ni Liezl at makapagpaalam ito ay siguradong hindi pa rin nawawala ang pagkasabik na nasa mga mata niya.
Napatingin siya kay Elij na nakatitig lang sa kanya. Bahagya itong ngumiti at umisod ng upo palapit sa kanya. Marahan nitong hinaplos ang medyo may kahabaan niya ng buhok. Hindi niya na nagagawang pagupitan iyon. “Sigurado bang ayos lang sa’yo na makita ulit siya, Rachel? Paano kung masaktan ka lang lalo?” nag-aalalang tanong ng kaibigan.
Umiling siya. “Wala akong pakialam, Elij,” buong tatag na wika niya. “Hindi mahalaga sa akin kung gaano katagal ang magiging pag-uusap namin, gusto ko lang talaga siyang makita.” Gustong-gusto niya itong masilayan kahit ilang saglit lang. Alam niyang hindi na siya nito mapapatawad, alam niyang tapos na ang lahat sa kanila pero kahit simpleng pagkakita lang dito ay ikasisiya niya na.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
Любовные романыThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...