Chapter 33.2

3.3K 43 1
                                    

MULING humugot ng malalim na hininga si Christopher habang nakaupo sa harap ng isang table ng Luther Restaurant kung saan plano nilang magkita ni Rachel Leigh. Kanina pa hindi bumabalik sa normal na pagtibok ang puso niya. Bakit ba siya kinakabahan?
Naputol ang pag-iisip niya nang lapitan siya ng isang waiter doon. “Sir, hindi pa po ba kayo o-order?” tanong nito.
Umiling lang siya at nagpaalam na rin naman agad ito. Tiningnan niya ang suot na wrist watch. Thirty minutes pa lang naman ang lumilipas simula nang makarating siya dito. Siguro naman ay na-traffic lang ito.
Inilipat niya ang tingin sa bouquet ng mga bulaklak na nakapatong sa mesa. Binili niya iyon sa isang hindi alam na dahilan. Paborito nito ang mga bulaklak na iyon. Ipinilig niya ang ulo. Ano ba itong iniisip niya?
Subalit ano bang magagawa niya? He missed her, right. Iyon ang totoo. Pilit man niyang tinatanggi ay iyon pa rin ang katotohanan ibinubulong ng puso niya. Kaya siya pumayag sa bagay na ito dahil nais rin niya itong makita kahit saglit lang sa mismong kaarawan niya.
He must admit that since she left his life, there was a hole in her heart. Na kahit anong pilit niyang punan ang pagkukulang na iyon ay hindi niya magawa. And because of her longing for her, he couldn’t breathe. Gusto niya itong makita. Gusto niya itong makausap.
Would he give her another chance? Hindi niya alam. Pag-iisipan niya iyon kapag nakapag-usap na sila maya-maya.
Mahabang sandali siyang naghintay lamang doon. Paulit-ulit siyang tumitingin sa pinto ng restaurant para alamin kung dumating na ito subalit dumaan ang ilang oras na wala pa ring Rachel Leigh na nagpapakita sa kanya. Nakatitig na lang siya sa mga bulaklak nang maramdaman niya ang muling paglapit sa kanya ng isang waiter doon.
“Sir, magsasara na po kami maya-maya,” sabi nito.
Ikinuyom niya ang mga kamao. Sobra-sobrang galit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Bakit ba siya nagpauto na naman? Bakit naniwala na naman siyang gusto nga talaga siya nitong makita? Ang tanga-tanga niya, hindi pa ba siya nadala noon?
Inilabas niya ang wallet at nag-iwan ng bayad sa table na iyon para sa ilang inuming nainom niya kanina. Pagkatapos ay tumayo na siya at puno ng hapdi ang pusong nilisan ang lugar na iyon.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon