BINUKSAN ni Rachel Leigh ang isang pinto na malapit sa hagdan ng bahay na iyon ni Christopher at namangha nang makitang library iyon. The whole room was filled with books. It was indeed a gold mine of information. Muli niyang isinara ang pinto at nagtungo naman sa itaas. Wala siyang magawa ng araw na iyon kaya naisipan niyang libutin muna ang buong bahay. Hindi niya rin naman makita si Mama Angelina dahil mukhang hindi pa ito nagigising. Napagod siguro talaga ito sa biyahe nito at sa naging usapan nila kahapon.
Napatigil siya nang mapatapat sa pinto ng kuwarto ni Christopher. Kanina pa itong nakaalis at nagtungo sa trabaho nito. Lumapit siya sa pinto at marahang binuksan iyon.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na pumasok siya sa kuwarto nito. The whole room looked so manly. Lumakad siya patungo sa king-sized feather bed na naroroon at naupo doon. Ito ang kamang tinutulugan nito. Marahan niyang hinaplos ang cover niyon.
“Oh, nandito ka pala, hija,” narinig niyang wika ni Mama Angelina na nakatayo na sa bukana ng kuwarto ni Christopher.
Napatayo siya. “Gising na po pala kayo,” sabi niya.
Sinenyasan siya nitong bumalik sa pagkakaupo. Sumunod naman siya. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya.
Kumunot ang noo niya nang makita ang hawak nitong isang album.
“Dala-dala ko ito galing ng Amerika,” panimula ng ginang. “Gusto mo bang makita ang mga childhood pictures ng asawa mo?”
Napatingin siya dito, hindi niya naitago ang pagkasabik na nararamdaman.
Napatawa ito at iniabot sa kanya ang album na hawak. Hindi na siya nagdalawang-isip at binuksan iyon. Agad na bumungad sa kanya ang mga cute photos ni Christopher noong bata pa ito.
Hindi niya napigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang batang itsura nito na halatang hiyang-hiya pang magpakuha ng larawan. Nakinig lang din siya sa mga kuwento ni Mama Angelina tungkol sa pagkabata nito.
“He was indeed a literary lion kahit noong bata pa siya,” pagkukuwento ng ginang. “Napakatalinong bata kaya naman hindi naging mahirap ang pagkuha niya ng scholarship sa Harvard University. Napakarami ring mga kompanya ang tumatawag sa kanya simula nang magtapos siya. Pero kahit napakarami niya ng accomplishments sa buhay ay napaka-humble pa rin ng batang iyan. He has a heart of gold,” ngumiti ito. “Napaka-mapagbigay at napakabilis magtiwala.”
Napatitig siyang sa isang larawan doon na kuha sa graduation ni Christopher, siguro ay nasa elementarya pa ito noon. Itinuro niya ang lalaking nasa kanan ni Christopher. “Ito po ba ang ama ni Christopher?” tanong niya kay Mama Angelina, tinutukoy niya si Christopher Samaniego Sr. na nakalagay sa impormasyon patungkol sa asawa niya noon.
“Oo,” mahinang tugon nito.
Napatingin siya dito at kumunot ang noo nang makita ang kalungkutang nasa mukha nito. “A-Ano pong nangyari sa kanya?” nag-aalangang tanong niya.
Humugot ito ng malalim na hininga. “Iniwanan niya kami,” sagot nito. “Iyon ang dahilan kung bakit galit si Christopher sa kanya, at kung bakit hindi niya binabanggit ang tungkol sa Papa niya.”
Nakaramdam siya ng lungkot sa bagay na iyon. Kaya pala ni minsan ay walang naiku-kuwento sa kanya si Christopher patungkol sa ama nito. “Nasaan na po siya?”
“Hindi ko alam,” muli itong bumuntong-hininga. “Nagsisimula palang ng high school si Christopher nang iwanan kami ni Boyet. Ipinagpalit niya ako sa ibang babae. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya o kung nasaan na ba siya. Simula noon ay hindi ko na siya muling nakita.”
Napalapit siya dito nang makita ang pagbukal ng mga luha sa mga mata nito. “P-Pasensiya na po kung… kung inungkat ko pa ang tungkol doon,” wika niya. Pinagsisisihan niya ang mga pagtatanong niya tungkol sa masakit na nakaraang iyon.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Walang problema iyon, hija,” inabot nito ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. “Galit na galit si Christopher sa ama niya pero hindi ganoon ang nararamdaman ko. Hindi ko lang masabi sa anak ko na umaasa pa rin akong babalik si Boyet sa amin. Napakasakit ng ginawa niyang pag-iwan sa akin pero hindi ko pa rin magawang tuluyang magalit sa kanya. Siya lang ang nag-iisang lalaking minamahal ko ng sobra-sobra.”
Napatitig siya dito. Hindi maikakaila ang pagmamahal nito para sa asawa nito.
Muli itong bumuntong-hininga. “Mahina ang puso ko pero malakas naman ang Diyos ko na alam kong laging nagbabantay sa ating lahat. Alam kong may rason ang lahat ng ito. Naniniwala ako na muli ko pang makikita si Boyet.”
Ngumiti siya para pagaanin ang loob nito. Iyon lang ang tanging magagawa niya ng mga oras na iyon.
“Siyanga pala,” ani pa ni Mama Angelina. “Napansin kong magkaiba kayo ng kuwarto ni Christopher. Hindi ba kayo magkasundo?”
Natigilan siya sa sinabi nito. Wala siyang maisagot.
Mahina itong napatawa. “Naiintindihan ko,” tumango-tango ito. “Alam ko na napilitan lang si Christopher na kumuha ng asawa dahil sa kahilingan ko. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi kayo nagsasama sa isang kuwarto. Pero masaya ako dahil nakikita kong isang mabuting babae ang napili niya. Hinihiling ko lang na sana ay maging tunay na mag-asawa na ang turingan niyo. Gusto ko ng magka-apo.”
Napaubo siya sa sinabi nito. Narinig niya pa ang pagtawa nito at naramdaman ang paghagod nito sa likod niya.
“Nagbibiro lang ako, hindi ko kayo pupuwersahin,” natatawang dugtong pa nito. “Sige na, bababa na ako para mag-ayos ng ilang gamit. Sa iyo na muna iyang album na iyan para naman mas lalo mong makilala ang anak ko.”
Tumango na lang siya at sinundan ito ng tingin hanggang sa makalabas ng kuwarto. Inilipat niya ang tingin sa hawak na album at nangingiting pinanood ang lahat ng larawan ng asawang naroroon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...