“SIGURADO ka bang ayos ka na, Rachel Leigh?” pukaw ni Anthony sa kanya.
Napatingin siya dito at napatango. “O-Oo,” tugon niya. Iyon lang ang naintindihan niya sa lahat ng sinabi sa kanya ni Anthony simula ng dumating ito sa apartment niya. Kanina pa kasi punong-puno ng pangyayari kagabi sa pagitan nila ni Christopher ang isipan niya.
“Mabuti naman,” sabi nito. “Tulad ng sinabi ko kanina, tatahimik muna ako ngayon. Hindi muna ako kikilos dahil siguradong pina-iimbestigahan ng mga breakers ang nangyari sa Palawan.”
“Paano si Brian? Paano kung magsalita siya?” Sa pagkakaalam niya ay nakakulong na si Brian.
“Nagawan ko na ng paraan iyon,” sagot ni Anthony, ngumisi pa ito. “Wala na siya.”
Hindi niya naitago ang pagkagulat sa sinabi nito. “A-Anong ginawa mo?”
Tumayo na ito. “Huwag ka ng magtanong, Rachel Leigh. Dapat lang naman sa kanya iyon dahil sa mga kapalpakang idinulot niya sa akin. Pagbutihin mo na lang ang pagsubaybay kay Christopher, ikaw na lang ang maaasahan ko ngayon.”
Hindi na siya nito pinagsalita at nagpaalam na. Gulat pa rin siya sa kaalamang wala na si Brian, na pinatahimik na talaga ito ni Anthony. Natatakot na siya ngayon dito. Parang hindi na ito ang Anthony na nagligtas sa kanya. Bakit ba ito nagkakaganito? Bakit nito patuloy na nilulugmok ang sarili sa kasamaan para lang mapag-higantihan si Christopher?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...