NAPATIGIL si Rachel Leigh sa pag-aayos ng sarili nang marinig ang pagtunog ng cell phone niya. Nag-aayos na siya para sa performance nila mamaya. Nagawa niya namang kalmahin ang sarili at pansamantalang kalimutan ang nangyari kaninang umaga sa parking lot ng MicroGet.
Napangiti siya nang makitang si Sandra ang tumatawag. “Ate,” bati niya.
“Rachel Leigh, nabalitaan mo ba?” bungad nito.
Kumunot ang noo niya. “Ang ano?”
“Hindi pa nakuntento si Anthony sa pag-uutos niya sa lalaking iyon na takutin si Christopher,” anito. “Narinig kong pinahabol ang company car ni Christopher kanina kina Drake. There was a shooting incident.”
Nilukob ng matinding takot ang puso niya. “Anong nangyari kay Christopher?” Ayaw niya mang isipin pero posibleng ang company car ang ginagamit ni Christopher dahil kaibigan nito ang may gamit ng sasakyan nito.
“Hindi ko alam, hanggang doon na lang ang nabalitaan ko,” sagot nito.
Mahabang sandali siyang natahimik. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Hindi na lang dapat siya umalis sa MicroGet kanina.
“Ayos ka lang ba, Rachel?” narinig niyang tanong pa ni Sandra, nag-aalala.
“Oo,” sagot niya sa mahinang tinig. Nagpaalam na rin siya dito at sinabing kailangan niya ng umalis.
Ipinikit niya ang mga mata at ilang ulit na bumuntong-hininga. Nang bahagya siyang kumalma ay pinadalhan niya ng mensahe ang mga kabanda na nagsasabing hindi siya makakapunta sa performance dahil masama ang pakiramdam niya.
Tumungo siya sa kuwarto niya. Dumiretso siya sa kama at nahiga doon. Bakit ba siya nagkakaganito? Bakit ba siya nag-aalala sa lalaking iyon?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya ito gusto. Hindi maaaring patuloy na magulo ang isipan niya ng ganito. May kailangan pa siyang gawin. Kailangan niya pang sundin ang mga utos ni Anthony. Itutulog niya na lang ito ngayong gabi. Baka pagod lang talaga siya kaya kung anu-ano na ang damdaming bumubukal sa puso niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)