Chapter 11.3

3.3K 69 2
                                        

ILANG linggo na ang lumipas subalit hindi pa rin nawawala ang guilt na nasa puso ni Rachel Leigh. Pilit man niyang ituon sa ibang bagay ang isipan ay patuloy pa ring bumabalik sa alaala niya ang pangyayaring iyon sa suite ni Christopher.
Simula noon ay hindi niya na rin muling nakita sina Christopher at Stacey. Sinisisi niya ang sarili sa lahat ng pangyayari. Kung hindi na sana niya sinunod ang utos ng puso na lumapit pa kay Christopher, hindi na sana nangyari ang mga ito.
Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay. Naroroon siya ngayon sa Niel’s Bar dahil may practice sila ng banda nila nang hapong iyon. Kanina pa nga lang umalis ang mga ito para mag-meryenda pero hindi na siya sumama.
Gusto niyang mapag-isa at ayusin ang magulong isipan. Pagod na pagod na siya. Napakalaki ng kasalanan niya kay Stacey at hindi niya na ito magagawang harapin. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala na siyang mababago. Nangyari na ang nangyari. Ginusto niya rin naman ang mga ito, hindi ba?
“Problemadong-problemado ka, ah?” wika ng isang lalaki sa tabi niya.
Napatingin siya doon at nakita si Daniel Fabella.
“Wala ito,” tugon niya at muling ibinalik ang paningin sa unahan.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong nito. “Tapos na ang practice niyo, ‘di ba? Hindi naman open mamayang gabi ang bar ko.”
“Maya-maya na siguro,” sagot niya. “Wala rin naman akong gagawin sa bahay.”
“Kung ganoon, samahan mo na lang ako.”
Napatingin siya dito. “Saan?” nagtatakang tanong niya.
Ngumiti ito. “Pupunta ako sa bahay nina Ashlee sa Greenhills. Natagpuan na kasi siya ng kaibigan kong si Rafael Choi. Babati lang ako, sigurado kasing ikakasal na ang dalawang iyon.”
Tumango-tango siya. Kasal? Parang nauuso na yata ang kasal sa mga breakers na ito, ah?
“Wala kasi akong dalang sasakyan dahil tinatamad akong magmaneho,” dugtong nito at sinundan pa ng tawa.
Napailing na lang siya.
“Tapos ihatid mo na rin ako sa Philippine Daily Magz, may kailangan lang akong bisitahin,” sabi pa nito. “Pasensiya ka na kung gagawin kitang chauffeur, ha?”
Bumuntong-hininga siya. “Ayos lang ‘yon. Ngayon na ba tayo aalis?”
Mabilis itong tumayo. “Ituturo ko na lang sa’yo ang daan.”

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon