NAPAUNGOL si Rachel Leigh nang maramdaman ang mga kamay ni Christopher na humahaplos sa likod niya. Iminulat niya ang mga mata at iniangat ang mukha mula sa pagkakasubsob noon sa dibdib ng lalaki. “Hindi mo pa ba ako patutulugin, Chris?” nanunuksong tanong niya dito.
Tumawa ito at kinintalan ng halik ang mga labi niya. “Bakit? Gusto mo na bang matulog?” ganting-tanong nito.
Lumabi siya at umiling. Tinitigan niya ang nakangiting mukha nito. She never thought she would feel this kind of happiness and satisfaction in her heart just by looking at him like this. “I love you,” buong pagmamahal na bulong niya.
Lumawak ang pagkakangiti nito. “I love you too, baby.”
Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos ang pisngi nito. “May kailangan akong sabihin sa’yo, Christopher,” aniya habang nakatitig sa mga labi nito.
“Talaga?” ngumisi ito.
Tiningnan niya ito at hinampas sa dibdib bago mas lalong isiniksik ang katawan sa katawan nito. “It’s about your father,” seryosong dugtong niya. Kailangan niya nang tuparin ang ipinangako niya sa Papa nito.
Naramdaman niya ang pagkatigil nito sa sinabi niya. Nang mapadako ang mga mata niya sa mukha nito ay may bumahid na doong galit. “Anong tungkol sa walang kuwentang lalaking iyon?” puno ng pait na tanong nito.
Humugot siya ng malalim na hininga. “Chris,” hinalikan niya ang dibdib nito para bahagyang alisin ang galit nito. “Huwag ka munang magalit,” napalabi siya.
Tumingin ito sa kanya at bahagya namang nabawasan ang galit na nasa mga mata nito. Ilang ulit itong bumuntong-hininga.
Nagpatuloy siya. “Nakausap ko siya minsan. G-Gusto niyang makita kayo at maipaliwanag ang tunay na nangyari sa kanya. Gusto niyang humingi ng tawad.”
Nag-igting ang mga bagang nito at mariing ipinikit ang mga mata. “Para saan pa? Wala na siyang dapat ipaliwanag,” pumiyok pa ito.
Alam niyang nasasaktan na ito at hindi niya gustong makitang nagkakaganito ito. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa asawa. “Mayroon, Christopher. Bigyan mo lang siya ng pagkakataon,” hinaplos niya ang mukha nito. “Listen to me, please,” nagmamakaawa na ang tono niya. “Hayaan mo akong i-kuwento sa’yo ang lahat ng mga ipinagtapat niya sa akin. Please, Christopher.”
Ilang sandali itong nanatiling tahimik. Nang magmulat ito ng mga mata ay sinalubong nito ang titig niya, may hindi matatawarang kalungkutan sa mga mata nito. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago nagsalita. “Sige, Rachel Leigh. Pakikinggan kita.”
Napuno ng kasiyahan ang puso niya sa sinagot nito. Tumango siya at sinimulan na ang pagsasalaysay dito nang lahat nang nai-kuwento sa kanya ng ama nito. Kahit parang hindi ito interesado ay alam niya namang pinakikinggan siya nito. Ilang minuto niyang ibinigay dito ang lahat ng nalalaman, hindi niya napalampas ang pagkagulat na bumahid sa mukha nito nang sabihin niyang ang ama nito ang nagpadala dito ng MicroGet noon.
Nararamdaman niya ang panginginig ng katawan nito. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. “Siya ang nagpadala sa’yo ng kompanyang iyon, Christopher. Hindi totoong kinalimutan niya na kayo,” napahikbi na siya dahil sa umaapaw na emosyon sa puso niya. “Mahal na mahal niya kayo.”
Nang muli niyang iangat ang tingin dito ay nakita niyang puno na ng kalungkutan ang mukha nito, may mga luha na ring nag-uumalpas sa mga mata nito. Napaiyak na siya ng tuluyan.
“B-Bakit?” nangangatal na ang boses nito. “Bakit kailangang mangyari ang mga ito? Bakit siya pa? Ang taong matagal ko ng gustong makilala. Ang taong matagal ko ng gustong pasalamatan. Bakit siya pa?”
“Chris…” inilapit niya ang mukha dito at pinugpog ng halik ang mukha nito, drying his tears with her lips. Pagkatapos ay pinakatitigan niya ang mga mata nitong puno ng paghihinagpis. “Nagkamali siya, oo. Pero pinagsisihan niya na ang mga iyon, nagdusa na siya sa nagawa niyang kasalanan sa iyo at sa mama mo. Give him another chance. Nakikita ko na gustong-gusto niya na talagang maayos ang lahat sa pagitan ninyo. Wala namang masamang magsimula uli, hindi ba?”
Patuloy lang ito sa pag-iling. “H-Hindi ko alam, Rachel Leigh,” mahinang wika nito. “Naguguluhan ako. P-Paano kung… kung ulitin niya uli ang ginawa niya noon? Sobra-sobra na namang masasaktan si mama. Ayoko siyang—”
Naputol ang sinasabi nito nang halikan niya ito sa mga labi. Napaungol ito at tinugon ang halik niya. She carefully moved and sat astride his stomach. Nang maglayo ang mga labi niya ay nakita niya ang sumiklab na pagnanasa sa mga mata nito.
“Rachel Leigh,” ungol nito. His stare moved to her breasts while his hands gently caressed her thighs.
Napaungol siya pero pinigilan ang sariling magpadala sa mga haplos nito. Kailangan niya pang papayagin itong muling harapin ang ama nito at makipag-ayos. “H-He’s still your father, Christopher,” magaspang na wika niya. “Subukan mo lang, hmm?” She leveled her face on his, naaamoy niya na ngayon ang mabango nitong hininga at naaapektuhan na niyon ang daloy ng isipan niya. “P-Para na rin sa akin?” paglalambing pa niya.
Kumunot ang noo nito pero ang isang kamay nito ay naglalaro na sa dibdib niya. “Para sa’yo?” he rasped.
Tumango siya, pinipilit huwag magpadala sa sensasyong ginagawa ng kamay nito. “Hindi ako nakaranas magkaroon ng ama, hindi ba?” nauubusan ang hiningang tugon niya. “S-Sige na, Christopher. P-Please.”
Impit siyang napaungol nang bigla siya nitong angkinin sa ganoong posisyon. “Yes, Rachel Leigh,” marahas na tugon nito. “I love you so much kaya ko iyon gagawin.”
Napangiti siya at napapikit. Sobrang kaligayahan ang bumalot sa puso at pagkatao niya nang mga oras na iyon. Inayos niya ang posisyon sa ibabaw nito at siya na mismo ang nagbigay dito ng kaligayahang nararapat na para naman dito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...