NAPATINGIN si Rachel Leigh sa asawa nang maramdaman ang pagtabi nito sa pagkakaupo niya sa ibabaw ng kama ng kuwarto nila. She was currently breastfeeding their six-month old baby girl. Nginitian niya si Christopher at ginawaran nang mabilis na halik ang mga labi nito.
“Patulog na ba si Leigh?” tanong nito habang nakatingin sa anak nila. Napag-desisyunan nilang isunod sa pangalan niya ang pangalan nito.
Tiningnan niya ang anak na hawak. “Mmm, malapit na,” sagot niya.
Hinaplos ng mga daliri ni Christopher ang pisngi ni Leigh. “Kamukha mo siya,” sabi nito. His fingers moved to her breast.
Napasinghap siya sa ginawa nito. “C-Christopher…” paungol na sambit niya sa pangalan nito. Wild fire conquered her whole being at that moment, she could feel her desire aching for him. Matagal-tagal din niyang hindi nararamdaman ang init nito sa loob niya. She missed him driving inside her like crazy.
“I’ve missed you,” bulong ni Christopher, his lips were on her left ear.
She shivered with pleasure. Tiningnan niya ang anak na kalong. Laking pasasalamat niya nang makitang tuluyan na itong nakatulog. “Wait,” pigil niya kay Christopher nang simulan na nitong halikan ang leeg niya. Bahagya siyang lumayo dito at lumapit sa kuna na hindi kalayuan sa kama nila. Dahan-dahan niyang inilapag doon ang anak.
Pinagmasdan niya muna ito ng ilang sandali bago bumaling kay Christopher na nakatingin lang sa kanya. There was joy in his dark brown eyes.
Ngumiti siya at lumapit muli dito. Itinulak niya ito pahiga sa kama pagkatapos ay pumaibabaw siya dito. Hinalikan niya ito sa mga labi kasabay nang mahigpit na pagpulupot ng mga braso nito sa baywang niya. Napaungol siya nang maramdaman ang matigas na bagay na bumubundol sa parteng tiyan niya. Oh, she wanted him so much! Gustong-gusto niya nang punitin ang mga damit nila at tuluyan nang magpa-angkin dito.
The passion between them was heating up when the door suddenly flung open.
“Ate Rachel— oh my!” narinig nilang tinig ni Ciarrah.
Napalayo siya kay Christopher at inis na napatingin sa dalagita na nakatalikod sa kanila. Narinig niya rin ang inis na pagbuntong-hininga ng asawa. Tumikhim muna siya para kalmahin ang sarili. “Anong kailangan mo?” tanong niya kay Ciarrah. Bakit ba ito naririto ngayon at tumiyempo pang may pinagkaka-abalahan sila ni Christopher?
“May gusto sana akong sabihin sa’yo, saka gusto ko rin makita si baby Leigh,” sagot ni Ciarrah.
Tumingin siya kay Christopher na nakapikit na. Marahan niyang tinapik ang parteng tiyan nito bago tumayo at lumakad patungo sa pinto. Nang makalabas sila ni Ciarrah sa kuwarto ay nakita niya pang iiling-iling itong nakanguso.
“Tulog si Leigh,” sabi niya. “Ano bang sasabihin mo?”
Ngumiti ito. “Wala naman, gusto ko lang magpaalam na dito muna ako tutuloy sa inyo ng ilang buwan, puwede ba ‘yon?”
Kumunot ang noo nito. “Bakit naman?”
“Bakasyon kasi namin sa school at gusto ko rin namang alagaan si Leigh,” nagmamakaawa itong tumingin sa kanya. “Sige na, Ate Rachel, please.”
Bumuntong-hininga na lang siya. Ano pa bang magagawa niya? Tumango siya at nakita ang pagtalon nito sa saya. Napatingin siya sa kamay nito at nakita ang hawak-hawak nitong isang necklace. “Ano ‘yan?” pang-uusisa niya pa.
Itinaas nito ang necklace na hawak, hugis blade ang pendant niyon. “Ito? Napulot ko ito sa daan noong may muntik nang makasagasa sa aking motor,” lumukot ang mukha nito. “Napakasama nga ng driver niyon, hindi man lang ako tinigilan at tinanong kung ayos lang ako. Hindi ko naman nakuha ang plate number. Nakakainis.”
“Mag-iingat ka lagi,” paalala niya dito. Naging napakahalaga na ng batang ito sa kanya kaya hindi niya gustong napapahamak ito.
Tumango naman ito. “Siyanga pala, Ate. Naisip ko lang, parang gusto ko ring magkaroon ng isang breaker na makakasama habang-buhay,” napanguso ito. Alam nito ang tungkol sa society nina Christopher at sa mga breakers dahil minsan niya iyong nabanggit dito. Ipinangako naman nitong hindi nito iyon ipagsasabi kahit kanino. “Kaya lang wala na namang available na breakers ngayon.”
Napatawa siya at napailing. “Bata ka pa masyado para maghanap ng sarili mong breaker,” marahan niyang ginulo ang buhok nito. “Don’t rush everything. Kung mangyayari ang isang bagay ay mangyayari iyon, sa tamang panahon at sa tamang tao. Magtiwala ka lang.”
Napangiti si Ciarrah habang nakatitig sa kanya. “Ibang-iba ka na talaga, Ate Rachel. Nagagawa mo nang mag-payo ngayon,” tumawa pa ito.
Nakitawa na lang siya dito. Well, she didn’t mind kung gaano kalaki na ang ipinagbago niya. It was for the better kaya masayang-masaya siya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)