NANG makapasok si Rachel Leigh sa loob ng library ng bahay ni Anthony ay agad niya itong nakita na kasama si Drake at isa pang lalaki na hindi niya kilala. Nagpunta siya doon dahil may nais daw ipakilala sa kanya si Anthony.
Agad na napangiti si Anthony nang makita siya. “Rachel Leigh,” tinapik nito ang couch na kinauupuan. “Come, have a seat.”
Lumapit siya dito at umupo sa tabi nito. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa tapat na couch nila, katabi nito si Drake.
“He’s Anderson Alvarez, Rachel,” wika ni Anthony, tinutukoy ang lalaking naroroon. “Matagal ko na siyang kaibigan. Siya ang may-ari ng Hacienda Alvarez sa Cebu. Pumunta siya dito para manghingi ng tulong.”
Tumango-tango siya. Pinagmasdan niya ang lalaking nasa harap. Sa tingin niya ay ka-edad lang ito ni Anthony, seryosong-seryoso nga lang ang mukha nito na para bang may napakalaking problemang dinadala.
“Gusto niyang ipahanap ang nawawala niyang kapatid,” pagpapatuloy ni Anthony. “Ano ngang pangalan niya Anderson?” baling nito sa lalaki.
“Keira. Keira Alvarez,” sagot ng lalaki sa baritonong boses.
Tumaas ang isang kilay niya. Bakit naman kaya nawawala ang kapatid ng lalaking ito? Humarap siya kay Anthony. “Gusto mo ba siyang ipahanap sa akin?” tanong niya dito.
Ngumiti si Anthony. “Hindi, kay Elij ko ipapagawa ‘yon,” sagot nito. Itinaas nito ang isang kamay para hawiin ang buhok na nakaharang sa mukha niya.
Bahagya siyang nailang sa ginawa nito kaya hindi sinasadyang napausod siya ng upo palayo dito. Iniiwas niya ang tingin dito at tumango-tango. Si Elij naman ang malimit nitong utusan ng mga bagay tungkol sa paghahanap.
Tumikhim si Anthony. “Nabasa mo na ba ang mga ibinigay ko sa’yo?” tanong nito.
“Ah… oo,” maikling tugon niya.
“Magaling. Narinig ko na nagta-trabaho ka raw sa bar ng Daniel Fabella na iyon,” anito. “Siguro nakita mo na siya.”
Napatingin siya dito. “Oo, noong isang gabi,” sagot niya. Noong isang gabi ay na-meet niya na nga si Daniel Fabella pagkatapos ng performance nila sa bar na iyon.
“Mabuti na iyon, para mas madali kong magawa ang mga plano ko,” tumingin ito sa kanya. “At kailangan ko ang tulong mo, Rachel.”
Marahan siyang tumango. “Sabihin mo lang kung anong kailangan kong gawin.”
Ngumiti ito. “Pag-uusapan natin iyon sa susunod na mga araw. Magpahinga ka na, alam kong may trabaho ka pa mamayang gabi.”
Tumingin siya dito at nagpasalamat. Nang tumayo siya at nagpaalam sa mga ito ay hindi niya napalampas ang pag-ngisi ni Drake habang nakatitig sa kanya. That man just crept her out; para bang palagi itong may nais gawing masama sa mga tingin nito. Kung hindi nga lang talaga isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ni Anthony ay hindi niya nanaising makita o makasama pa ito.
Pagkalabas niya ng library ay agad siyang tumuloy sa front door at nagulat pa nang makasalubong doon si Elij – isa sa mga itinuturing niyang kaibigan. Kasapi rin ito sa grupo ni Anthony. Hindi dahil gusto nito, kundi dahil napilitan ito. May malaki kasing pagkaka-utang ang namayapa nitong ama kay Anthony at para makabayad ay naging sunod-sunuran ito sa lalaki.
“Hinahanap daw ako ni Anthony,” bungad na bati sa kanya ni Elij.
Tumango siya. “Naroon siya sa library,” sagot niya at nagpaalam na rin dito. Siguradong patungkol sa kapatid ng Anderson na iyon ang dahilan ng pagpapatawag dito kay Elij.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...