Chapter 36.1

3.8K 55 1
                                    

MALAWAK ang pagkakangiti ni Rachel Leigh nang magising siya nang umagang iyon. Pagtingin niya sa tabi niya ay kumunot pa ang noo niya nang makitang wala na doon si Christopher. Maingat siyang umupo at iginala ang paningin sa loob ng kuwarto.
“Chris,” tawag niya dito. Pagtingin niya sa sahig ay nakita niyang wala na doon ang ibang damit nito. Bumaba siya ng kama at inabot ang kumot para itapis iyon sa katawan.
Lumabas siya ng kuwarto at paulit-ulit na tinawag ang pangalan nito ngunit wala namang sumagot sa kanya. Pinasok niya ang ibang mga kuwarto doon, maging ang banyo subalit hindi niya pa rin ito nakita. Pagtingin niya sa mesang nasa tapat ng sofa ay nakita niyang wala na doon ang coat nito. Lumukob ang matinding takot sa puso niya sa kaisipang umalis na ito at iniwanan na siya.
Napahawak siya sandalan ng sofa at impit na napaiyak. Hindi, hindi siya nito puwedeng iwanan. Hindi niya na alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nangyari iyon. “Christopher…” patuloy na sambit niya sa pangalan nito. Nasaan na ito?
Napatigil siya sa pag-iyak nang mapatingin sa front door na nagbukas at iniluwa si Christopher. Mabilis siyang tumakbo patungo dito, hindi niya na pinansin kung nahulog na ang kumot na nakataklob sa katawan niya. Naramdaman niya ang pagkagulat nito nang yakapin niya ito ng buong higpit at humagulhol sa dibdib nito.
“Baby, anong nangyari?” puno ng pag-aalalang tanong nito. “Bakit ka umiiyak?”
Tumingala siya dito. “A-Akala ko iniwan mo na ako,” hikbi niya. “Saan ka ba pumunta? Bakit ka umalis sa tabi ko?”
Napangiti ito at hinaplos ang mukha niya. “May binili lang ako sa drug store,” sagot nito. “Para diyan sa sugat sa labi mo, nakita ko kasing—” Napatigil ito sa pagsasalita nang mapatingin sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata nito. “R-Rachel… I-I’m sorry… h-hindi ko sinasadya,” nauutal na sabi nito.
Nagtaka siya sa sinabi nito at sa matinding pag-aalalang nasa mukha nito. May nangyari ba sa katawan niya? Lumakad siya patungo sa full-length mirror na nasa isang tabi at tiningnan ang sarili. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga bite marks na naroroon, may ilang marka rin na nanggaling sa mga daliri nito. May mga pasa rin sa magkabilang braso niya.
Ibinalik niya ang tingin kay Christopher at nakitang nakayuko na ito, may matinding pagsisisi sa mukha. “Patawarin mo ako, Rachel Leigh,” paghingi nito ng paumanhin. “H-Hindi ko sinasadya. H-Hindi ko alam. Hindi ko na naman na-kontrol ang sarili ko.”
Napangiti siya at muling tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin. Lahat ng markang ito ay nanggaling kay Christopher. Muli na namang bumuhos ang alaala ng pangyayari sa kanila kagabi at kaninang madaling-araw at nag-apoy na namang muli ang katawan niya. Lumapit siya sa lalaki at ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito. Napatingin ito sa kanya.
“I’m okay,” kinintalan niya ng halik ang mga labi nito. “Hindi mo ako nasaktan.”
Lumamlam ang mga mata nito at marahang tumango. “I love you so much, Rachel Leigh.”
Tumigil sa pagtibok ang puso niya nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakanganga lamang sa harapan nito at hindi pa rin magawang paniwalaan ang narinig. Mahal siya nito? Her eyes started to mist again. Kagabi niya pang hinihintay na sabihin nito ang mga salitang iyon sa kanya. Akala niya ay hindi niya na iyon maririnig mula dito.
Humikbi siya. “Y-You love me?” garalgal na tanong niya.
Nagsalubong ang mga kilay nito. “Yes, I do, Rachel Leigh,” tugon nito. Ilang saglit siya nitong pinakatitigan bago siya pangkuin ng walang paalam.
Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito at dinampian ng halik ang mga labi nito. The happiness in her heart at the moment was too much to handle. Gusto niyang magsisisigaw at magtatatalon sa sobrang saya. Mahal siya nito. Mahal siya nito. Hindi niya mapigilan ang malawak na pag-ngiti, maging ang puso niya ay ngumingiti din.
Naupo ito sa sofa na naroroon at siya naman ay nasa kandungan nito. Tinitigan nito ang mukha niya. “When I found you last night here, I found myself as well,” ngumiti ito. “Magpapasalamat ako kay Matthew dahil iminulat niya ang mga mata ko.”
Tumango siya at hinaplos ang mukha nito. Hindi pa rin ito nakakapag-shave pero hindi iyon naging kabawasan sa kaguwapuhan nito. Yes, kailangan niya nga ring magpasalamat kay Matthew. Napakarami na nitong naitulong sa kanya, sa kanila ni Elij. Talagang tinutupad nito ang pangako nito kay Sandra noon.
Inabot nito ang isang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan. Dinala nito iyon sa mga labi nito at malambing na hinalikan. She could feel butterflies in her stomach on what he did. It was simple but it showed too much love for her.
Bumuntong-hininga ito. “Hindi ko alam kung anong klase ng gamot ka at hindi kita magawang bitawan. I keep yearning for you every day. Kahit na alam kong sinaktan mo ako ng sobra noon, mahal na mahal pa rin kita. Gusto ko pa ring hanapin ka at makita. Those pains back then, nawala na iyong parang bula nang masilayan ko ang unang ngiti mo sa akin kagabi. Mahal na mahal kita, Rachel Leigh. Mahal na mahal,” may luha na sa mga mata nito. Ramdam na ramdam niya ang kaseryosohan sa tinig nito.
“I can never let you go again, baby. Hindi ko na magagawang itulak ka pang muli palayo,” pagpapatuloy ni Christopher. “Ayoko nang malayo ka pa sa akin. Ayoko nang hindi kita nakikita. At kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makasama ang kahit na sino, ikaw pa rin ang pipiliin ko.”
Naglandas na rin ang mga luha sa pisngi niya. “Ganoon din ako, Christopher. Hindi ko gustong malayo ka pa sa akin. Mahal na mahal kita. Noon, hanggang ngayon,” pinunasan niya ang sariling luha. “Iyong… iyong sinabi noon ni… ni Anthony, t-tungkol sa nararamdaman ko para sa’yo at tungkol sa mga nangyayari sa atin, hindi totoo lahat ng iyon, Chris. Hindi totoo ‘yon, maniwala ka sa akin. Maging ‘yong tungkol sa mga papeles ng MicroGet, hindi ko—”
Napatigil siya nang siilin nito ng halik ang mga labi niya. Pagkatapos ng halik na iyon ay nakangiti itong tumango. “I believe you, Rachel Leigh. I’ll believe you from now on.”
Malawak siyang napangiti at niyakap ito ng buong higpit. Sobra-sobra ng kasiyahan ang nadarama niya simula pa kagabi. Sana naman ay manatili na ang kasiyahang ito habang-buhay.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon