Chapter 10.2

3.1K 64 2
                                        

IMINULAT ni Rachel Leigh ang mga mata at napangiti nang mabungaran ang natutulog na mukha ni Christopher sa tabi niya. Magkayakap pa rin sila.
Mahabang sandali niyang pinakatitigan ang mukha nito. Himbing na himbing pa rin ito sa pagtulog. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na natulog at nagising siya sa tabi ng isang lalaki.
Marahan niyang itinaas ang isang kamay at hinaplos ang mukha nito. There was a growth of stubbles on his face already. Napatuon ang tingin niya sa bahagyang nakaawang na mga labi nito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha sa pagka-alala sa nangyari kaninang madaling-araw. Bakit niya ba ginawa ‘yon? Bakit siya tumugon sa mga halik nito?
Maingat niyang inalis ang braso nitong nakayakap sa kanya at umupo. This was wrong. Everything was so wrong.
Tumayo na siya at tumingin sa orasan na nasa bedside table. It was already past six in the morning. Nalipat ang tingin niya sa wallet at cell phone na malapit doon. Kinuha niya ang mga iyon.
Laking pasasalamat niya nang makita ang sapatos sa paanan ng kama. Hindi niya naman makita ang sariling damit. Napatingin siya sa suot na damit nito at napapikit.
She heaved a sigh. It didn’t matter anymore. Kailangan niya ng umalis dito bago pa ito magising. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan pagkatapos ng lahat ng pangyayari kanina.
Nang maisuot niya ang sapatos ay maingat siyang tumungo sa pinto at lumabas. She needed to keep her distance from him. Hindi na tama ang mga ginagawa niya. Siguradong hindi ito magugustuhan ni Anthony at siguradong magagalit sa kanya si Stacey kapag nalaman nito ang mga ginagawa niya kasama ang nobyo nito. How could she do this to her friend?! She needed to wake up now.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon