Chapter 19.1

3K 55 1
                                        

NATIGILAN si Rachel Leigh nang masalubong ang mga mata ni Stacey sa loob ng reception ng kasal ng mga ito. Naisipan niyang dumalo doon para magbaka-sakali ngang makausap ito at makahingi na ng tawad sa ginawa niyang kasalanan dito noon. Pero dahil natatakot pa rin siya na harapin ito kaya hindi niya magawang makalapit dito at makabati.
Agad siyang napayuko nang makita ang paghakbang nito palapit sa kanya.
“Rachel Leigh,” banggit ni Stacey sa pangalan niya.
“S-Stacey,” pinilit niya ang sariling tumingin dito. Napaka-ganda pa rin nito, no, mas lalo pa itong gumanda ngayon. Kitang-kita sa mukha nito ang hindi matatawarang kasiyahan dahil sa bago nitong pag-ibig sa piling ng asawa na nitong si Michael de Angelo. “Congratulations,” bati niya. Hindi niya pa rin lubos maisip na ang Michael na palaging nakasunod dito noon ay ang lalaking makakasama nito habang-buhay.
Tumawa si Stacey at niyakap siya. “Salamat. I’ve missed you so much, best friend.”
Bahagya namang gumaan ang nararamdaman niya sa sinabi nito. “I-I’m sorry, Stacey,” paghingi niya ng tawad dito. Dapat ay matagal niya nang ginawa iyon. “Patawarin mo ako.”
Tiningnan siya nito. “Ayos lang ‘yon, Rachel. Masaya pa nga ako, dahil kung hindi nangyari iyon, hindi ko mapapag-tuunan ng pansin si Michael,” tumitig ito sa kanya. “Masaya rin ako para sa’yo. Narinig kong pinakasalan mo siya ilang buwan na ang nakalipas,” tinutukoy nito si Christopher.
Iniiwas niya dito ang tingin. “Hindi iyon katulad ng sa inyo, Stacey. May sarili kaming dahilan sa lahat ng ito,” bulong niya. Tama, ang kasal nila nila Christopher ay hindi katulad ng dito. Kitang-kita na nagmamahalan ito at ang asawa nitong si Michael.
Ilang sandali lang ay muli siya nitong niyakap. “Magpaka-tatag ka lang, Rachel. Balang-araw, magiging masaya ka ring katulad ko,” pagkasabi noon ay nagpaalam na ito para i-entertain naman ang ibang mga bisita.
Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makabalik ito sa piling ng asawa nito. Malungkot siyang napangiti. Masaya siya para sa kaibigan. Pero mukhang mali ito sa sinabi nitong magiging masaya rin siya balang-araw. Imposible iyon. Hindi na siya umaasang magiging masaya pa siyang katulad nito.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon