Chapter 9.2

2.8K 67 1
                                    

NAPATIGIL si Rachel Leigh sa pagbaba ng stage ng Niel’s Bar nang matanaw niya si Christopher sa isang table na naroroon. Hindi niya inaasahan ang mabilis na pagtibok ng puso niya pagkakita dito.
Akala niya kaninang umaga pagkagising niya ay nakalimutan niya na ang pag-aalalang nararamdaman para sa kalagayan nito dahil sa narinig na balita kagabi pero nagkamali siya. Buong maghapon ay iniisip niya kung kumusta na kaya ang lagay nito.
Ngayong nakikita niya ito ng mga oras na iyon ay parang may natanggal na tinik sa puso niya. Mabuti naman at mukhang hindi ito nasaktan kahit na nagkaroon ng shooting incident nang ipahabol ni Anthony ang company car nito kahapon.
Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa nito. He was drinking beer. Nagtaka pa siya sa lungkot na nababanaag sa mukha nito.
Napaangat ito ng tingin sa kanya at pinilit ang sariling ngumiti. Pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.
Naupo siya sa katapat nitong silya. “M-May problema ba?” mahinang tanong niya.
Napabuntong-hininga ito. “Something happened yesterday,” sabi nito. “Na-aksidente ang sekretarya ko,” sumulyap ito sa kanya. “You know her, right? Si Liezl.”
Tumango siya. “Anong nangyari?”
“Car accident,” he replied. “Gamit niya ang company car kahapon nang mangyari ‘yon. The police said that there was a shooting incident first, iyon ang dahilan ng aksidente niya.”
Natigilan siya sa sinabi nito. So, hindi ito ang nakasakay sa company car nito? She was relieved at the thought pero nakaramdam pa rin siya ng pag-aalala para sa sekretarya nitong si Liezl.
“K-Kumusta na siya?” tanong niya. She felt the guilt all over her. Alam niya kung sino ang dahilan ng lahat ng ito pero hindi niya magawang ipaalam dito.
“She’s confined in Azcarraga Hospital, maayos naman ang operasyon niya,” anito. “Hinihintay na lang namin siyang magising.”
Hindi niya na nagawang makapagsalita. Ramdam na ramdam niya ang kalungkutan nito at nahahawa siya sa lungkot na iyon.
Muli niyang narinig ang pagbuntong-hininga nito. “Kasalanan ko ang lahat ng ito,” wika nito.
Nang tingnan niya ito ay may pagsisisi na sa mukha nito.
“Siguradong ako ang target ng bumaril sa kanya,” pagpapatuloy nito. “Akala siguro nila ay ako ang nasa loob ng company car na iyon since ipinahiram ko kay Rafael ang sasakyan ko kahapon. May nagtangka din kay Rafael. Noong isang gabi sa airport ay may muntik ng bumangga sa akin. Someone’s after me. Ako ang target ng mga taong iyon.”
Marahan siyang napayuko. She didn’t know what to say. Ni hindi niya nga magawang tingnan ito.
“Malamang ay mga kalaban ko sa trabaho ang mga iyon,” sabi pa nito. “Mga taong gustong sumira sa akin. Nasasaktan na ang mga taong nakapaligid sa akin,” malakas nitong ipinukpok ang isang kamay sa mesa.
Nagitla siya sa ginawa nito. Pag-angat niya muli ng tingin dito ay nakita niyang nakasubsob na ang mukha nito sa dalawang kamay. She wanted to reach out for him, to comfort him but she couldn’t. She shouldn’t.
Muli siyang nagyuko ng ulo. Wala siyang magagawa para dito dahil parte rin siya ng paghihirap nito. Iyon ang katotohanang dapat niyang tanggapin.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon