ILANG araw na ang lumipas matapos ang masaklap na pangyayaring iyon sa isang isla sa Palawan pero hindi pa rin magawang matanggap ni Rachel Leigh na wala na nga talaga si Sandra. Sa pagkakaalam niya ay nailibing na rin ito pero hindi niya pa rin magawang dalawin ang puntod nito dahil sobrang sakit pa rin para sa kanya ang pagkamatay nito.
Simula noon ay ikinulong niya na rin ang sarili sa loob ng bahay niya. Hindi niya magawang lumabas at humarap sa mga tao. Maging mga tawag nina Elij at Anthony ay hindi niya na rin magawang sagutin. She wanted to be alone.
Subalit ngayong gabi ay kinailangan niya nang lumabas dahil matagal na siyang hindi nakakapag-perform at ayaw niya namang maging dahilan para mawalan ng trabaho ang mga ka-banda niya.
Napabuntong-hininga siya nang matapos ang performance nila sa loob ng Niel’s Bar. Hindi na siya nagpaalam sa mga kabanda at dumiretso na palabas. Napatigil siya sa paghakbang nang may humanggit sa braso niya.
Nagulat pa siya nang makitang si Christopher iyon. Nagmula rin ito sa loob ng bar. Kanina pa ba itong naroon? Hindi niya ito napansin dahil wala naman siya sa isip kanina.
“Are you okay?” tanong nito. “Ngayon lang ulit kita nakita dito. Nagkasakit ka ba?”
Marahan siyang umiling. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Matagal-tagal niya rin itong hindi nakita.
“May problema ka ba? Kanina ka pa parang wala sa sarili,” sabi nito, puno ng pag-aalala ang tono.
Nangilid ang mga luha niya pagka-alala kay Sandra. “W-Wala na siya,” nanginginig na sabi niya. “I-Iniwan niya na ako…” tumulo na ang mga luha niya.
Hinigit siya nito at niyakap ng mahigpit. “Ssshhh… don’t cry. I can listen,” mahinahong sabi nito.
Napahikbi siya. His warmth covering her made her calm down. She missed it. She missed the comfort she felt everytime she was with him.
Napatingin siya dito nang bahagya itong lumayo at hinila siya patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. Pinapasok siya nito doon bago ito umikot at pumasok sa driver’s side.
Tumingin ito sa kanya at marahang hinaplos ang mukha niyang may mga luha. His eyes were focused on hers. “Tell me, anong nangyari?” tanong nito.
Humugot siya ng malalim na hininga. “N-Nawala na ‘yong… ‘yong kaibigan ko, n-namatay na siya… i-iniwan niya na ako…” Hindi niya maaaring sabihin dito kung sino iyon. “Siya lang ang taong nakakaintindi sa akin noon. Sa kanya ko lang sinasabi ang lahat ng bagay tungkol sa akin,” muli na naman siyang napaiyak.
Puno ng pagkaawa ang mga mata ni Christopher habang nakatingin sa kanya. “I’m here,” bulong nito. “Puwede mong sabihin sa akin ang lahat.”
Napatigil siya sa pag-iyak at tinitigan niya ito. Her heart glowed on what he said. Pakiramdam niya ay nabawasan ang sakit sa puso niya sa sinabi nito.
“Come here,” utos nito.
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
Ngumiti ito at tinapik ang kandungan nito.
Pinamulahan siya ng mukha sa ibig sabihin nito. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sinunod niya ito. She carefully moved and sat astride him.
Ini-adjust nito ang upuan para mapahiga ito. Hinapit siya nito padapa sa katawan nito. Sobrang lakas na ng tibok ng puso niya sa posisyon nilang iyon. It was so intimate but she never felt bad on it.
Matagal niyang pinakatitigan ang mukha nito. Paanong nagagawa ng lalaking itong alisin lahat ng dinaramdam niya ng ganoon-ganoon lang? Bakit pakiramdam niya ay kumpletong-kumpleto siya kapag kasama ito? Nakakapanibago ang lahat ng ito.
Itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang pisngi niya. “May mga rason ang lahat ng pangyayari sa mundong ito,” sabi nito. “May rason kung bakit kailangan niyang mawala. Isipin mo na lang na masaya na siya sa kinaroroonan niya, na wala na siyang magiging problema doon.”
Napangiti siya. Sana nga. Sana maging masaya na si Sandra ngayon dahil makakapagpahinga na ito sa nakakapagod na buhay dito sa mundo.
“Kaya huwag ka ng malungkot,” pagpapatuloy nito. “Hindi ko gustong makitang nalulungkot ka.”
Muli siyang napatitig dito. Bakit ito nagsasabi ng mga salitang ganoon? Hindi ba nito alam kung ano ang nangyayari sa puso niya kapag ginagawa nito iyon?
Nakatitig lang din ito sa kanya. She could see admiration in his eyes. “You are so beautiful, Rachel Leigh,” buong paghangang bulong nito.
Bumukal ang kakaibang saya sa puso niya. She stared at his eyes then to his lips. Napalunok siya. Wala namang masama kung halikan niya ito ngayon, hindi ba? Gusto niya lang namang muling tikman ang mga labi nito.
Marahan niyang ibinaba ang ulo at inilapat ang mga labi sa mga labi nito. Napaungol ito sa ginawa niya pero agad ding tinugon ang halik niya. She pressed herself on his body. Kahit malamig sa loob ng sasakyan, pakiramdam niya ay tinutupok sila ng apoy.
She pulled away when she felt something hard on where she was sitting. Nanlaki ang mga mata niya nang makuha kung ano iyon.
Iminulat nito ang mga mata at napangisi. “It’s your fault, baby,” magaspang na sabi nito.
She gasped when he rubbed that part of him on her center. Nanghihina siyang napabagsak sa katawan nito. What was he doing? And why did it feel so good?
No, this is wrong, sabi ng utak niya. Kailangan niyang lumayo dito bago mauwi pa sa kung saan ang pagkakalapit nila.
Pinilit niyang sundin ang isipan at lumayo dito. Bumalik siya sa passenger’s seat.
Umayos ito ng upo. “Ihahatid na kita,” alok nito.
“H-Hindi na,” nauutal na wika niya. “D-Dala ko naman ang motor ko. A-Aalis na ako,” pagkasabi noon ay nagmamadali na siyang lumabas ng sasakyan nito.
She just kissed him! Hinalikan niya ito ng kusa! Ano bang nangyayari sa kanya?! At ano na lang ang iisipin nito sa ginawa niya?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)