NAPANGIWI si Rachel Leigh nang makaramdam ng pananakit ng buong katawan. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at pinilit alalahanin ang nangyari ng nagdaang gabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang maalala si Christopher at ang pag-angkin nito sa kanya. Umayos siya ng pagkakahiga at ganoon na lang ang pagbalot ng kasiyahan sa buong pagkatao niya nang makita ang lalaking iyon na nakahiga sa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog.
Pinilit niyang umupo kahit na masakit pa rin ang katawan niya, lalo na ang ibabang parte niyon. Tiningnan niya ito, patuloy pa rin sa malakas na pagkabog ang puso niya. Maingat niyang tinanggal ang kumot na nakataklob sa ibabang parte ng katawan nito para mapagmasdan ang kabuuan nito. Muling nag-init ang pakiramdam niya nang maalala ang nangyari kagabi.
Tinitigan niya ang mukha nito. Nandito talaga ito. Hindi siya nananaginip. Bahagya siyang lumapit dito at hinaplos ang bawat parte ng mukha nito. Pinasadahan niya ng mga daliri ang mga labi nito at ang mga tumubong stubbles sa mukha nito. Ganoon pa rin ito. Napaka-guwapo pa rin. It felt so good to touch something real, sa panaginip niya na lang noon nagagawa ang mga ito.
Marahan niyang hinalikan ang mga labi nito at malawak na napangiti. Umaapaw na ang kaligayahan sa puso niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam na makakatabi niya pang muli ito sa isang kama. Hindi niya alam na muli niya pang matititigan ang mukha nito, mahahawakan ito at mahahalikan. Sobrang mahal na mahal niya ito.
Ipinatong niya ang mukha sa dibdib nito. Naririnig niya na ang tibok ng puso nito. Mga musikang matagal niya nang inaasam na muling mapakinggan. Itinaas niya ang mukha at muling tinitigan ito. Gusto niyang sulitin ang oras na ito para mapagmasdan ang mukha nito.
Biglang tumalon ang puso niya nang marinig ang pag-ungol nito at makita ang pagmulat ng mga mata nito. Napatingin ito sa kanya at agad na napangiti. “Baby,” magaspang pa rin ang boses nito dahil sa pagtulog.
Her heart went tumbling in her chest. She missed him calling her like that.
“Bakit hindi ka natutulog?” tanong nito.
Napangiti siya. “Gusto kong pagmasdan ka,” pumaibabaw siya dito at nakita ang pagkislap ng mga mata nito. “I love you,” buong pagmamahal na bulong niya.
“Mmm,” ngumiti ito at itinaas ang isang kamay para haplusin ang pisngi niya. He tucked her hair on her left ear. “Humaba na ang buhok mo,” puna nito.
Tumango siya. “G-Gusto mo ba ‘yan?” nag-aalangang tanong niya.
Tinitigan siya nito. “I like anything. You look very beautiful sa kahit na anong buhok.”
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Pinugpog niya ng halik ang buong mukha nito. Napaungol lang ito habang ang isang kamay ay marahang humahagod sa likod niya.
“Baby, slow down,” natatawang sabi nito.
Direkta niyang tinitigan ang mga mata nito. “I really, really, really, really want to kiss you,” pag-amin niya.
Nagtitigan lang sila sa loob ng mahabang sandali. Tila nag-uusap ang mga mata nila, inaabot ang damdamin ng bawat isa. Nais niyang ipaabot dito ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito. A love that was beyond words to be described.
Maya-maya ay isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. Ipinikit niya ang mga mata at may biglang naalala. Nag-angat siya ng ulo at tumingin dito. “N-Nakita ko ‘yong balita… t-tungkol sa inyo noong Bianca,” wika niya. Nanumbalik na naman ang sakit sa puso niya nang maalala ang balitang iyon. “M-Magpapakasal na raw kayo?” napahikbi na siya.
Tinitigan lang siya nito pero hindi sumagot. Ibig sabihin lang noon ay totoo nga ang balitang iyon. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at doon tuluyang napaiyak.
Niyakap siya nito ng mahigpit. “Rachel Leigh, huwag kang umiyak,” mahinahong wika nito.
“A-Alam ko namang i-imposible nang balikan mo ako, p-pero hindi ko pa rin maiwasang umasa,” pagtatapat niya sa tunay na nararamdaman. “N-Nasaktan kita at siguradong hindi mo na gustong papasukin ulit ako sa buhay mo, Christopher,” ini-angat niya ang ulo at nakita ang pagkaawang nasa mga mata nito. “K-Kapag ba ikinasal na kayo… h-hindi ka na makikipagkita sa akin?”
Kumunot ang noo nito.
Nagpatuloy siya. “A-Alam kong mali pero… puwede naman, hindi ba? Puwede ka pa ring makipagkita sa akin,” hindi niya na alam ang pinagsasasabi niya. Ang gusto niya lang mangyari ay manatili pa rin ito sa tabi niya kahit na anong sitwasyon pa ang mayroon sila. “K-Kahit dalawang araw lang, o kahit isa, isang buong araw. Gusto lang kitang makasama. Pangako, Christopher, pasasayahin kita.” Sobrang sakit pa rin ng nararamdaman niya tuwing maiisip na hindi magtatagal ay magiging pagma-may-ari na ito ng iba.
“W-W-Wait,” anito. “You want me to keep a mistress?” hindi makapaniwalang tanong nito.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “M-Mahal na mahal kita, Christopher,” pinunasan niya ang mga luha sa mukha. “Gagawin ko ang lahat para sa’yo kahit na mali pa iyon. Gusto lang kitang makasama,” nagmamakaawa na ang tinig niya.
“Hindi ko gagawin iyon, Rachel Leigh,” buong diing wika nito. “Alam mong hindi ako ganoong klase ng lalaki. I will never keep a mistress. Asawa ko lang ang magkakaroon ng karapatan sa akin.”
Tinitigan niya ito, nangilid ang mga luha sa mga mata niya. He was indeed a very good man. Napaka-suwerte niya na sana dito kung hindi lang siya nagpakatanga. Marahan siyang tumango. Kung iyon ang desisyon nito ay wala na siyang magagawa. That Bianca was a very lucky woman, sana ay pahalagahan nito si Christopher.
Naramdaman niya ang mga kamay nitong marahang pinapahid ang mga luha niya. “And… why would I keep my wife as my mistress?” dagdag nito.
Napatingin siya dito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. His wife?
He cupped her face. “Bakit ba napakaraming iniisip ng asawa ko, hmm?” nakangiting tanong nito.
Asawa ko? Siya ba ang tinutukoy nito? “A-Asawa? A-Ako?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
Tumawa ito at marahang tumango.
Muli na namang nanlabo ang mga mata niya dahil sa luha. “P-Pero… h-hindi ba pumirma na tayo ng—”
“Yes,” putol ni Christopher sa kanya. “Pumirma na nga tayo ng legal separation,” tumango-tango ito. “Pero hindi ko iyon ibinigay sa korte, Rachel Leigh. Hindi ko alam kung bakit,” may sumibol na ring mga luha sa mga mata nito. “Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawa iyon. Nakatago lang ang kontratang iyon sa loob ng kuwarto ko ng mahabang panahon,” tumitig ito sa kanya. “We never separated, Rachel Leigh. Ikaw pa rin ang asawa ko. At wala kaming naging relasyon ni Bianca. She tried to seduce me, yes, pero hindi siya nagtagumpay dahil ikaw pa rin ang palaging nasa isip ko.”
Napahagulhol na siya ng tuluyan sa leeg nito. Lahat ng sakit at paghihirap na nararamdaman niya ay naglahong parang bula ng mga oras na iyon. Mag-asawa pa rin sila – iyon ang patuloy na tumatakbo sa isipan niya. Hindi niya magawang maipaliwanag ang sayang nararamdaman.
Niyakap siya nito ng buong higpit. Hindi niya na alintana kung hindi na siya makahinga o kung magkabali-bali man ang mga buto niya. She’d been longing for this moment for a very long time.
Ilang sandali lang ay lumayo siya dito nang may maalala. Umupo siya at bumaba ng kama.
“Saan ka pupunta?” narinig niyang tanong nito.
Lumingon siya dito at nakitang nakaupo na ito. “May kukunin lang ako,” sagot niya at humakbang patungo sa cabinet na naroroon. Binuksan niya ang isang drawer doon at kinuha ang pocket pouch na naroroon pagkatapos ay nagmamadali siyang bumalik dito at sumampa sa kama.
She sat astride his lap. She could feel his erection on her tummy, gumapang ang lumalagablab na apoy sa buong pagkatao niya. Itinuon niya ang pansin sa pocket pouch na hawak at binuksan iyon. Inilabas niya doon ang mga wedding rings na itinago niya simula pa noong maghiwalay sila.
Nang tingnan niya ito ay nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito. “Nasa iyo pa rin ang mga iyan?” malungkot na tanong nito at kinuha ang isa sa mga iyon.
Tumango siya. “Ito na lang ang tanging alaala ko sa’yo noon,” sagot niya. “Mabuti na lang at itinago ko,” malawak pa siyang napangiti.
Inabot nito ang kaliwang kamay niya at isinuot doon ang singsing na nararapat sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya dito. Pumalibot sa kanya ang alaala noong ikasal sila at hindi niya na naman napigilan ang sarili sa pagluha.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
DragosteThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)